00:00Ilang mga dam ang nag-overflow o yung mga umapaw at nagbukas na ng gates simula noong lunes dahil sa patuloy na pagulan na nararanasan, kasunod na rin na epekto ng hangin habagat.
00:11As of 8am kahapon na sa 80.17 meters level na ang La Mesa Dam, mas mataas sa 80.15 na normal high water level nito.
00:21Kung saan babagtasin ang mga tubig ito ang Quezon City simula sa Fairview na Valiches area tapos baba rin ang Valenzuela, Caloocan, Malabon at Navotas.
00:34Bukod naman po dito overflowing o maapaw na rin ang Upper Wawa Dam sa Rodriguez Rizal na nasa 135.22 meters ang water level.
00:44At ang tubig naman mula rito ay tumatapon sa Pasig at Marikina River.
00:49Bukod sa dalawang ito, ilang dam din sa Luzon ang nakabukas na ang mga gate.
00:53Ang Ipo Dam sa Bulacan nasa 100.28 meters na malapit sa normal high water level na 101.10 kung saan isang gate ang nakabukas na rito.
01:06Posible rin po itong makaapekto sa Anggat River kaya ang posibilidad ng pagtaas ng tubig at pagbilis ay maaaring mangyari dito sa pagdaloy.
01:15Pagdating naman sa Anggat Dam, nasa 198.11 meters ang level nito, malayo pa sa kanyang normal high water level na 210 meters.
01:26Tatlong gate naman ang nakabukas sa Angbuklaw Dam sa Benguet.
01:30Nasa 751 meters ang water level nito kung saan isang metro na lamang alayo sa 752 meters na critical level.
01:39Una nang nagbigay ng babala ang pag-asa sa barangay Angbuklaw sa Bukod Benguet sa posibleng epekto nito.
01:46Ang tubig naman nito ay mula o dito ay napupunta sa Binga Dam sa Itogon Benguet na nasa 572.66 meter ang water level.
01:56Na malapit yan sa normal high water level na 575 meters.
02:02Dito ay tatlong gate din ang nakabukas.
02:05Nagpaalala naman po ang pag-asa simula pa noong weekend sa posibleng epekto nito.
02:10Manatili naman tayong updated sa kasunod pang advisory ng pag-asa tungkol dito.