00:00Official na ang iniludsad ng Philippine Coast Guard sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
00:08ang kadiwa ng bagong bayaning mangingisda program sa Palawan.
00:13Ayon sa PCG, ito'y alinsunod sa commitment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:18na tulungan ang mga mangingisda at itaguyod ang responsabling pangingisda kasabay ng pagtiyak sa food security ng Pilipinas.
00:26Isinusulong ng inisyatiba ang paghikayat sa mga Pilipinong mangingisda sa Palawan na i-maximize ang mayamang karagatan ng West Philippine Sea.
00:36Layon din ang programa na padaliin ang proseso ng pagbebenta ng mga mangingisda ng kanilang mga produkto.
00:42Sa tulong nito ay maayos na mabibigyan ng supply ang mga pangunahing pamilyhan sa Maynila at sa Visayas.
00:49Dagdag pa ng PCG, suportado rin ang programa ang kabuhaya ng mga mangingisda sa pamamagitan ng pagbibigay ng fuel subsidy at yelo
00:59para mapalawig ang kanilang pangingisda sa West Philippine Sea.
01:03Inaasahang mapapalago nito ang supply ng isda at madagdagan ang aktibidad sa karagatan.