‘HINDI BA SIYA 'YUNG NAWAWALA SA PILIPINAS NGAYON?’
Ito ang pasaring ni Palace press officer Claire Castro kay Vice President Sara Duterte matapos umano nitong sabihin na papunta sa “dumpster” ang Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil patuloy na “nawawala” ang pag-asa ng taumbayan.
Kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands ang bise presidente para suportahan ang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte na naka-detain sa kustodiya ng International Criminal Court.