Kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na binayaran ng Office of the President ang private jet na sinakyan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte patungong The Hague, Netherlands.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, bahagi lamang ito ng kumpletong kooperasyon ng gobyerno sa isinagawang pag-aresto sa dating pangulo.