Sa pagdinig ng Senado sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte, inungkat ni Senator Imee Marcos ang mga dating pahayag ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos ukol sa posisyon nito sa jurisdiction ng International Criminal Court (ICC).
Nitong Huwebes, March 20, 2025, itinanong ni Imee kay Justice Secretary Crispin Remulla kung bakit inaresto pa rin si Duterte taliwas umano sa mga naunang pahayag ng pangulo.
“Our views evolve at times, and I don’t know if it still has the same view as of today. Because we are talking about a clip which was done one and a half year ago... Our minds can change, ma’am,” saad ni Remulla.