Tulad ng inaasahan, dumating sa ikatlong pagdinig ng Senado sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang opisyal ng gobyerno. Muling tinalakay ang legalidad ng arrest warrant at pagpapadala kay Duterte sa International Criminal Court.
Iginigiit ni Justice Secretary Crispin Remulla na isinagawa nito ang pag-surrender sa dating Pangulo alinsunod sa batas. Ngunit ayon kay former Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuna, may paglabag sa proseso ng pag-aresto.