Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Nagsama-sama ang mga estudyante at space science experts ngayong Philippine Space Week sa pangunguna ng Philippine Space Agency o PHILSA.
Kabilang sa highlights ng exhibit ang replica ng satellite para sa land and coastal imaging na target i-launch sa susunod na taon, at mga nadiskubreng meteorite sa bansa.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagsama-sama ang mga estudyante at space science experts ngayong Philippine Space Week
00:05sa pangunan ng Philippine Space Agency o FILSA
00:09at kabilang sa mga highlight na exhibit, ang replica ng satellite para sa land and coastal imaging
00:15na target pong ilaunch sa susunod na taon
00:17at ang mga na-discovering meteorite sa bansa.
00:22Nakatutok si Katrina Son.
00:24Mukhang simple ang mga bato pero lahat galing sa kalawakan
00:32at dito sa Pilipinas bumagsak at natagpuan.
00:35Yan ang mga meteorite gaya ng Pampanga Meteorite, Bondok Meteorite at Pongo Meteorite.
00:43Mayroon pang meteorite mula sa buwan at sa planetang Mars.
00:47Tampok ang mga iyan sa ginaganap ngayong Philippine Space Week exhibit sa Quezon City.
00:52Sino-showcase namin yung 6 out of 7 Philippine meteorites.
00:56Parang ordinary rocks lang sila sa unang tingin.
00:58So ang ginagawa namin, sinashare namin kung ano yung significance nila, yung history nila.
01:04Bukod sa mga meteorites na makikita dito, makikita mo rin dito itong tinatawag nila na
01:09the original astronaut space pen.
01:12Ano nga bang kaibahan ng ballpen na ito?
01:14Sa ibang mga ballpen, yung ballpen kasi natin dito,
01:17pag binabaliktan mo, minsan hindi na nakakapagsulat
01:19pero yung ballpen daw na ito, kahit balibalik na rin mo man
01:22at nasa kalawakan ay makapagsusulat pa rin daw ito.
01:27Layo ng exhibit na ilapit sa mga Pinoy,
01:29ang halaga ng pag-aaral at pagtuklas sa mga yaman at hiwagan ng kalawakan.
01:34To promote awareness on space science and technology,
01:37gusto nating i-highlight yung mga contributions
01:39ng mga Filipino scientists and engineers.
01:43Tampok sa exhibit ang ilang aerospace engineer mula sa Ateneo de Davao University
01:48at ang mga ipinanlaban nilang Philippine-made rockets
01:51gaya ng Cibol Rocket at Ciclab Rocket.
01:55Proud daw sila na mapabilang sa International Rocket Engineering Competition sa Texas noong Hunyo.
02:01We were actually the first and still currently the only team joining this competition.
02:07It's something that could spark the future for Philippine aerospace
02:12since right now I think we're focused more on satellite making and development.
02:18Must see rin dito ang replica ng ilulunsad na satellite para sa land and coastal imaging.
02:23Itong satellite na ito is i-target the launch next year sa space
02:29and yung mga applications niya ay for coastal monitoring, agriculture, national security
02:35and disaster risk reduction and management.
02:37Para sa Jimmy Integrated News, Katrina Son, nakatutok 24 oras.

Recommended