Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Walang kahina-hinalang nakuha sa Taal Lake ngayong araw ang mga diver na naghahanap sa mga nawawalang sabungero. Inilabas naman ng Philippine Coast Guard ang underwater video ng pagsisid nila sa lawa.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Walang kahina-hinalang nakuha sa Taal Lake ngayong araw ang mga diver na nagahanap sa mga nawawalang sabongero.
00:06Inilabas naman ng Philippine Coast Guard ang underwater video na pagsisid nila sa lawa.
00:12Bula sa Laurel, Batangas, nakatutok live si Bon Aquino.
00:16Bon!
00:18Ivan, sa unang pagkakataon ipinakita ng Philippine Coast Guard ang isa sa kanilang underwater video
00:24ng kanilang search and retrieval operation para sa mga nawawalang sabongero na umano'y itinapon dito sa Taal Lake.
00:34Sa drone at underwater footages na kuha kahapon ng Philippine Coast Guard,
00:39makikita kung gaano kalabo ang tubig na sinisisid na mga technical divers sa ilalim ng Taal Lake.
00:45Merong mga talagang sacks dun sa bottom, probably from feeds.
00:49Pero yun yung iniisa-isa na check natin yung mga laman, kinakapa ng ating mga divers para to really help.
01:00Ganito rin daw kalabo ang tubig sa kanilang diving operations ngayong araw.
01:04Pero kumpara noong mga nakarang araw, wala silang nakuhang suspicious objects.
01:09Nag-move tayo ng northeast, 10 meters northeast using the jack stay search method na tinatawag,
01:21which is a straight line then going back.
01:23Initially dun sa area na yun, negative yung nakuha natin, so we will be adjusting to another part.
01:31We will move again.
01:32So hanggat makover natin yung buong circumference ng buong search area natin.
01:38Sabi ng PCG, lubhang mapanganib para sa mga technical divers ang pagsisid sa ilalim ng lawa dahil malabo at maburak ito.
01:47Masusi po ang ginagamit nating mga search pattern and search strategy talaga.
01:53We always wanted to maximize.
01:55Bawat baba po ng ating mga divers ay meron po tayong makikita as much as possible.
02:01Kasi again, we are compromising the lives of our divers here.
02:05May hyperbaric doctor na tumitingin sa mga diver bago at pagkatapos nilang mag-dive.
02:11Dahil buhay ang nakataya sa bawat diving operation,
02:14naway mawala naan nila mga espekulasyon ng tanim sako o tanim buto.
02:18That's normal. We cannot please everyone.
02:23Basta kami yung inyong Philippine Coast Guard, katuwang yung Philippine National Police and the Department of Justice.
02:29Tuloy-tuloy lang namin gagawin yung aming trabaho professionally, diligently and properly as much as possible
02:37until such time that matapos namin yung area na i-search.
02:42Dismayado naman ang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun sa ginagawang recovery.
02:48Apparently, based on the picture, sinabog nila yung contents, nilipat sa ibang sako.
02:56And you know, for you to do that at the scene, alanganin yun.
03:01Kasi yung contents lahat, pati yung sako mismo, dapat yan in-examine mabuti kasi you consider that as evidence.
03:09Dapat, Anya, may forensic doctor din sa lugar.
03:13Welcome naman sa PCG ang mga ekspertong gustong tumulong.
03:17Pero paliwanag ng PCG, kapag may nakapa sa ilalim, iniinform muna nila ang DOJ at Soko kaugnay nito
03:23at kapag may go signal na, tsaka lang nila iaangat ang object.
03:27Agad din, Anila, itong ito-turn over sa Soko para matiyak na masusunod ang chain of custody na mga ebidensya
03:33at walang malabag na lihitimong proseso.
03:36Ang NBI Forensic and Scientific Service, sinabing wala pa silang natatanggap na sample mula sa mga narecover sa Taal Lake.
03:43Oras na matukoy na buto ng tao nga ang mga nakita.
03:47Saka lang daw maaaring magsagawa ng DNA test sa mga buhay na kaanak na mga missing sa bongero.
03:52Ivan, kinumpirma naman ang PCG na darating na rito sa Taal Lake bukas, yung kanilang remotely operated vehicle o ROV.
04:04Malaki yung maitutulong nito, Ivan, dahil may kapasidad ito na makita yung ilalim ng lawa na hanggang 1,000 feet.
04:10At kapag may nakita raw itong suspicious object, ay dito na nila pwedeng pababain yung kanilang mga divers.
04:17Ivan?
04:18Maraming salamat. Buon Aquino.
04:22Maraming salamat.

Recommended