Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Natagpuang nakalibing sa isang construction site sa Cavite ang motorcycle taxi rider
na mahigit dalawang linggong nawawala.
Tinitingnang person of interest ang lalaki na huling nakitang angkas niya na dati palang kinakasama ng live in partner ng biktima.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Natagpo ang nakalibing sa isang construction site sa Cavite,
00:04ang motorcycle taxi rider na mahigit dalawang linggong nawawala.
00:08Tititing ng person of interest ang lalaki na huling nakitang angkas niya
00:11na dati palang kinakasama ng live-in partner ng biktima.
00:15Nakatutok si Jonathan Andal, Exclusive.
00:20Ang mahigit dalawang linggong pagkahanap ng pamilya kay JJ Caluza,
00:2431-anyos na motorcycle taxi rider mula Santa Maria, Bulacan,
00:29na uwi sa matinding gulat at tighati.
00:32Natagpuan siyang nakabaon sa lupa sa isang construction site sa General Mariano Alvarez Cavite.
00:39Noong po'y nanunasoko, labing dalawa po saksak niya.
00:42Apat daw po dito sa mahihibaga, tapos walo daw po sa likod.
00:46Parang talagang ginawa na po nilang haip yung anak ko.
00:49Kasi pati po yung mga ganyan-ganyan niya, pati yung ganito niya, parang naano na, nahiwa na.
00:55Madaling araw ng June 24, huling nakitang buhay si JJ.
00:58May angkas siyang lalaki sa Trece Martire City, papuntang Dasmarina City.
01:03Primary person of interest ng pulisya ang lalaking angkas,
01:06na four-man sa construction site kung saan ibinaon ang biktima.
01:10Napakasakit ng ginawa mo.
01:15Ano ko sobrang bahit.
01:17Napakabahit naman ako na yan.
01:18Siya rin ang dating kinakasama ng live-in partner ngayon ni JJ, na si Grace.
01:33Selos ang motibong nasisilip sa investigasyon.
01:36Kwento ni Grace tatlong araw bago nawala si JJ,
01:39pinuwersa raw siyang dalihin ng dating partner papuntang Naik.
01:42Binantaan niya po si JJ na papatayin kung hindi daw ko sumama.
01:47Kaya sumama na po ako.
01:48Wala po ang pagmamahal doon sa lalakang yun eh.
01:50Yung suntesto lang po talaga niyang pera yung inaano ko.
01:54Kasi may anak din po kami nun.
01:56Maayos daw silang nagsamang tatlo sa iisang bubong ng tatlong araw.
02:01Hanggang nitong June 24, alas tres imedya ng madaling araw,
02:04nagpahatid daw ang person of interest kay JJ mula na ikpapuntang trabaho nito sa Dasmariñas.
02:10Pero hindi na naka-uwi si JJ.
02:13Natuntun si JJ nang lumabas sa GPS ng kanyang motorsiklo ang huling lokasyon nito,
02:18na isang construction site sa General Mariano Alvarez.
02:21Naghinala ang mga polis pagdating doon.
02:23Bukod kasi sa nagtakbuhan daw ang mga nadatnan nilang trabahador,
02:27nakita rin sa GPS ng backhoe sa construction site na noon June 24,
02:31kung kailan nawala si JJ, gumalaw ang backhoe ng mas maaga
02:35kumpara sa regular na oras ng kanilang trabaho.
02:38Sa permiso ng construction company, nahukay ng mga polis ang labi ni JJ,
02:42pero hindi na nakita ang motorsiklo nito.
02:44More than 2 ang nakikita namin na person of interest.
02:51Actually marami po kaming nakausap dyan.
02:52Noong nga lagi isa ang sinasabi, na hindi nila kilala, hindi nila alam.
02:57Isang linggo lang sila na nakapira doon.
02:59Hindi lang po isang gumawa noon.
03:00Tiyak po ako kasama yung mga pinsan niya doon eh.
03:03Nasabi na niya po yun eh, na ano yun niya eh.
03:06Baka pagtulongan nila rin sa JJ eh.
03:09Baga hindi ko pa doon tinigilan yun eh.
03:11Sobra sobat, ginawaan nila sa pao.
03:14Nagtiwala po yun eh.
03:15Sana po mahanap na siya at sinuman po ang kasama niya.
03:18Gusto ko pang mabigyan ng ustensya yung anak ko na matay.
03:21Nananawagan din ang pamilya ng tulong pinansyal,
03:24pambayad sa punirarya at sa pagpapalibing kay JJ.
03:26Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.

Recommended