Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/21/2025
Nakauwi na ng bansa ang 21 Pinoy government officials na naipit sa gitna ng tensyon ng Israel at Iran. Ikinuwento rin nila ang takot at mala-bangungot na tagpong nasaksihan nila sa Israel.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakauwi na na bansa ang 21 Pinoy government officials na naipit sa kita ng tensyo ng Israel at Iran.
00:07Ikinwento rin nila ang takot at malabangung tatagpong nasaksihan nila sa Israel.
00:13Nakatutok si Bea Pinla.
00:17Nagpapasalamat kami sa Panginoon dahil nabigyan kami ang pagkakataon na makauwi ng ligtas.
00:23Emosyonal si Lupica Marina Swer Mayor Lilian Matamorosa nang makauwi siya mula Israel.
00:28Ninamnam niya ang mahigpit na yakap at mga salitang welcome home na sumalubong sa kanya
00:35at sa dalawampu pang opisyal ng gobyerno na nakabalik matapos maipit sa tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
00:43Sa bawat pagputok at pagdinig ng sirena, paglabas sa kwarto, kailangan mong katukin ang bawat kwarto
00:51para malaman mo na nandoon na sila, kasama mo sila sa pagbaba sa isang ligtas na lugar.
00:59Binalikan din ng ilang nakasama niya sa Israel ang malabangungot na tagpong nasaksihan nila.
01:05Talagang nakakatruma po. Kasi pag nakakarinig po kami ng sirene, talagang we have only like 60 to 90 seconds para pumunta po sa bunker.
01:15Siyempre yung agam-agam na naramdaman namin na nandoon kami.
01:19Hindi mo alam kung makakauwi ka.
01:21Ayon sa DILG, matapos tumawid papuntang Jordan, Lula ng bus, bumiyahe pa Dubai ang mga opisyal sakay ng chartered plane.
01:31Mula roon, sumakay ulit sila ng isa pang chartered plane pabalik ng Pilipinas.
01:36Ang apat sa kanila galing sa Department of Agriculture.
01:41At ang iba naman, mga pinadala roon sa tulong ng Israeli government para sa isang eco-study tour.
01:47Just to be clear, hindi po sila sa path of danger. Wala po pumutok na bomba na malapit sa kanila.
01:53Pero siyempre yung stress, yung stress ang mahirap dyan eh, yung pinagdaanan nila.
01:56Mabuti na lang na walang napinsala sa kanila.
01:59Handa naman daw ang DILG na bigyan ng psychological at emotional assistance ang mga opisyal.
02:06Gagawa po ng plan of action ng DFA natin at ang Office of the President.
02:12Na kung ito po ay hindi huhupay, ay gagawa po ng paraan para makauwi po lahat ng lahat ng mga Pilipino.
02:21Para sa GMA Integrated News, Beya Pinlang, nakatutok 24 ora.

Recommended