Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/22/2025
May mga pauwi nang Pilipino galing Israel at Iran na nagpasaklolo matapos maipit sa gantihan ng airstrikes ng 2 bansa.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May mga pauwi na Pilipino galing Israel at Iran na nagpasaklolo matapos maipit sa gantihan ng mga airstrike ng dalawang bansa.
00:08Nakatutok si Danu Tingkung.
00:13Sa gitna ng hidwaan ng Israel at Iran na nauwi ngayon sa pagtarget ng Amerika sa Iranian nuclear facilities,
00:19sinabi ng Department of Foreign Affairs na walang Pilipinong nasaktan o nasawi sa Iran.
00:231,200, almost all are members of our Iranian families, meaning nag-asawa na...
00:31Remember, oh you would remember sir.
00:33Pero may mga nagpasaklolo.
00:36Ayon sa DFA, posibleng sa Webes dumating galing Iran ang anim na OFW at dalawang turistang naipit sa gulo.
00:43Halos dalawang po naman ang nagpahayag ng intensyong umalis ng Iran.
00:47Tinatrabaho na raw ng DFA kung paano sila mailikas.
00:50Sarado kasi ang airspace ng Iran at Israel at tanging komunikasyon lang palabas ng Iran ang nakalulusot.
00:58Na-announce namin na first batch ng a few OFWs should be leaving Iran through Turkmenistan.
01:09Kasama sa mga inaayos daw ng DFA na mapayagan ding sumama sa repatriation ng mga asawa ng mga Pilipino na Iranian pero may Filipino nationality.
01:18Sa Israel naman, apat na turistang sinundo ng embahada natin matapos tumawid sa Aman, Jordan ang inaasahang darating ngayong araw.
01:26Bukas naman inaasahang darating ang nasa 26 na OFW at isang turista.
01:32Sa kabila ng sitwasyon, ayon sa DFA, nananatili ang alert level 3 sa Israel at Iran.
01:37Ibig sabihin, voluntaryo ang pag-alis.
01:40Walang plano sa ngayon na iakyat sa level 4 ang alert level doon.
01:43Mas maraming Pilipino sa Israel ang walang balak umuwi.
01:47Bukod sa mga pauwi na, halos dalawandaan pa lang ang nagpahayag ng intensyon na umuwi.
01:52Most naggustong umuwi, ito yung mga hindi pa veterano na OFW.
01:56Siguro last mga 2 or 3 years lang nandun.
02:00Kasi yung mga naka 10 years na 20 years na lang, going home, sanayin na sanayin sila dito.
02:05Lahat ng uuwi, bibigyan ng kuuulang tulong kabilang ang psychosocial counseling,
02:09livelihood scholarship at ano pang ibang mga kailangan.
02:12Para sa mga kamag-anak na nahihirapang kontake ng kanilang mga mahal sa buhay sa Israel o Iran,
02:18maaaring makipag-ugnayan sa DFA, Department of Migrant Workers o sa Embahada ng Pilipinas sa Iran o Israel.
02:25Para sa GMA Integrated News, daan natin kuhang ko na katutok 24 horas.

Recommended