Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/22/2025
Sa pagsipa na naman ng presyo ng petrolyo, handa raw ang gobyerno na magbigay ng fuel subsidy. Pero tingin ng isang eksperto, kailangan ng contingency plan sa ayuda
kapag nagtuloy-tuloy ang taas-presyo. Ang isang grupo ng mga tsuper, pag-aaralan ang paghingi ng taas-pasahe.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa pagsipa na naman ng petrolyo, handa raw ang gobyerno na magbigay ng fuel subsidy.
00:05Pero tingin ay sa eksperto, kailangan ng contingency plan sa ayuda kapag nagtuloy-tuloy ang taas presyo.
00:12Ang isang grupo ng mga chuper, pag-aaralan ng paghirit ng taas pasahe.
00:16Nakatotok si Mav Gonzalez.
00:20Tila wala ng preno ang oil price spikes sa Martes.
00:23Ayon sa industry source, 4 pesos and 90 centavos hanggang 5 pesos and 20 centavos ang itataas kada litro ng diesel.
00:313 pesos and 20 centavos hanggang 3 pesos and 50 centavos naman sa gasolina.
00:36Nagpatawag na raw ng meeting ang mga opisyal ng Department of Energy.
00:40At malamang hihiling sila sa oil companies na utay-utayin ang dagdag presyo.
00:44Nakahanda na ang Department of Transportation para magbigay ng fuel subsidy sa PUV drivers.
00:49Sinabi po dito ni Pangulong Bobo Marcos Jr. na handa po ang pamahalaan para po magpaabot ng fuel subsidy sa mga sektor na lubhang tatamaan po ng oil disruption dahil na po sa conflict sa pagitan po ng Israel at Iran.
01:04Ibibigay na raw ng DOTR ang listahan ng mga posibleng beneficaryo sa LTFRB na siyang mag-aayos ng guidelines sa pamimigay ng fuel subsidy.
01:13Mahigipag-ugnayan din ang DOTR sa mga lokal na pamahalaan.
01:17Mabibigyan din ang fuel subsidy maging yung mga hindi nagpalista sa PUV modernization program.
01:22Pero may fuel subsidy man, mariing pa rin kinundina ng transport group na piston ang big-time oil price hike.
01:29Tingin nila, minamanipula lang ng mga negosyante ang presyo ng petrolyo.
01:33Wala pa man pong nagaganap-nagaganap na gira, ituloy-tuloy na pong tumataas yung presyo ng petrolyo dito sa ating bansa.
01:40Malaking dagok ito, malaking pahirap. Sa bawat pagtataas at paggalaw ng presyo ng petrolyo, ay ang kaakibat niya na yung pagtaas ng mga pangunahing mga bilihin.
01:51Pag-aaralan daw ng piston ang paghingi ng taas-pasahe.
01:54Pero ayaw raw talaga nilang maapektuhan ang mga commuter.
01:57Lalo't halos hindi nila ramdam ang ginhawa kung piso lang ang ibibigay.
02:01Kailangan po natin bulugligin ng administrasyon ni Bungbong Marcos na up-action siya at maglabas siya ng isang system order na i-suspendin muna yung implementation ng mataas na buwi sa produkto ng petrolyo.
02:14Dahil sa oil price hike, may mga kilos protesta bukas at martes ang piston sa Filcoa, Quezon City. Pero hindi raw ito tigil pasada.
02:22Tingin naman ng isang ekonomista, hindi ayuda ang sagot lalo kung lumawak pa ang gera sa Middle East.
02:27Mauubos ang kaban ng bahay pagka tayo po tuloy-tuloy na nag-ayuda.
02:33At hindi pa po ito ang katapusan ng pagtaas ng presyo ng fuel.
02:39Kailangan po talaga magkaroon ng contingency plan ang pamahalaan kung papaano makakapagbigay ng tulong
02:47nang hindi masyadong gagalawin ang ating mga buwis o kaya hindi na po papataasin.
02:53O kaya po, bigyan ng subsidiya yung tamang sektor.
03:00Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.

Recommended