Ihanda ang mga bulsa dahil malamang maramdaman na nito ang epekto ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran. Una na sa presyo ng langis na nagbabadyang tumaas ng hanggang halos P5/litro. At posibleng magdere-deretso ang taas-presyo kung hindi huhupa ang tensyon na posibleng may epekto sa presyo ng pagbiyahe ng mga produkto at sa mismong presyo ng mga bilihin.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Magandang gabi po, Luzon-Risayas at Mindanao.
00:05Ihanda ang inyong mga bulsa dahil malamang maramdaman na nito ang efekto ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
00:15Una na po, sa presyo ng langis na nagbabadyang tumaas ng hanggang halos limang piso kada litro.
00:22At posibleng magdered-diretsyo ang taas presyo kung hindi hukupa ang tensyon na posibleng may efekto sa presyo ng pagbiyake ng mga produkto at sa mismong presyo ng mga bilihin.
00:33Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:38Nagpa-full tank na ang TNVS driver na si Rentine Fernandez nang malaman ng nakaambang big-time oil price hike sa Martes.
00:46Kahit kalahati pa lang, nagpa-full tank na ako. So lalo na ngayon, talagang dapat talaga full tank ka sa mga medyo murang player.
00:55Hanggang 4 pesos and 80 centavos ang posibleng dagdag singil sa litro ng diesel.
01:00Ayon sa taya ni Department of Energy, base sa apat na araw na trading.
01:05Hanggang 3 piso naman sa gasolina at hanggang 4 pesos and 40 centavos sa kerosene.
01:10Kung sakaling matuloy, ito na ang pinakamalaking taas presyo sa loob ng mahigit tatlong taon.
01:17Bago nito, pinakamalaking oil price hike ang mahigit 13 pesos para sa diesel noong March 15, 2022.
01:24Tatlong linggo matapos ang pagsalakay noon ng Russia sa Ukraine.
01:28Tulad noon, gantihan din ang pag-atake ng dalawang bansa ang mitya ng oil price hike ngayon sa pagitan naman ng Israel at Iran.
01:35Sumabay pa dyan ang paghina ng piso laban sa dolyar, kaya mas mahal ang pag-import sa produktong petrolyo.
01:41Bagamat hindi po tayo direktyo na kumukuha kay Iran or kay Israel, still yung mga bansang po pinukuha na natin,
01:50lalo namin ang mga petrolyo products kagaya ng gasolina, diesel at keratin, e sinosource po nila doon sa mga Middle East garbage.
01:59At kung magpapatuloy ang gulo at mabarahan ang rutang dinaraanan ng langis mula Middle East,
02:05ay maaaring masundan pa ang taas presyo.
02:08Nalo na kung magyayari yung aktual na disruption.
02:13Swerte pa nga ang mga kaya magpa-full tank tulad ni Rentine.
02:16Ang iba, walang panluwal na pera sa gitna ng araw-araw din pa ang kailangan ng pamilya.
02:21Kaya papasanin na lang yan pag may pampagas na.
02:24Mawawalan ako ng isandaan araw-araw ulit. Ngayon, sa loob ng 30 days, ibig sabihin, 3,000 ang nawalan na kita ko.
02:34Masyadong matas yun. Sa piso nga lang, mabigat ka eh. Kagalang, peace lang talaga.
02:39Sa kabila ng big time na dadagsigil sa produktong petrolyo, paalala ng DOE sa mga motorista,
02:45bumili lang ng sakto sa pangangailangan para maiwasan ang artificial shortage.
02:49On the part ng Deportless of Energy, sinisigurado po namin talaga na meron po tayong sublay na magagalit.
02:57Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatuto, 24 Horas.