Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/24/2025
24 Oras: (Part 1) 4 patay, 12 sugatan nang tangayin ng ragasa ng ilog ang sinasakyang rescue vehicle; ilang flight pa-Middle East, kanselado hanggang June 30, apektado ang mga OFW; nag-amok at nanugod ng ilang kaanak, pinagbuntungan ng galit ang isang aso, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00This is Philippine Gold.
00:07Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:15Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:20Trahedya ang sinapit na nabing-anin na sakay ng isang rescue vehicle
00:25na sa kagustuhang makahanap ng shortcut
00:28ay dumaan sa spillway ng isang ilog sa Zamboanga del Norte.
00:33Ang rescue vehicle ang kinailangang sagipin matapos tangayin ng malakas na ragasan ng tubig.
00:39Apat na sakay nito ang patay kabilang ang isang menor de edad.
00:43Nakatutok si Efren Mamak ng GMA Regional TV.
00:50Kinakailangang gumamit ng payloader para maiahon mula sa Dapitan River
00:53ang isang rescue vehicle na nahulog nitong lunes.
00:56Alas tres ng hapon nang dumaan ito sa spillway ng ilog
00:59sa barangay El Paraiso, La Libertad, Zamboanga del Norte
01:02habang may sakay ng labing-anim na miyembro ng isang religious organization.
01:07Pero sa lakas ng Agos, tinangay ang sasakyan.
01:12Alas seis ng gabi na naiahon ng payloader.
01:14Patay namang na-recover ang apat sa mga sakay.
01:16Ang 37-anyos na kapitan ng isang barangay sa Dumingag, Zamboanga del Sur.
01:22Ang 11-anyos niyang anak na lalaki at dalawang babaeng kaanak.
01:27Sugata naman at ginamot sa ospital ang labing dalawang iba pa.
01:31Sa investigasyon ng kapulisan,
01:33galing ang mga biktima sa isang fellowship activity sa Calamba, Misamis Occidental
01:38at pauwi na sa bayan ng Dumingag.
01:41Ayon sa ilang residente,
01:43naganap umano ng shortcut ang driver.
01:55Siguro akala ng driver, kaya lang.
01:58Nag-gambol siya na dumaan.
02:00According sa report na natanggap natin,
02:02habang dumadaan siya sa spillway,
02:04dahil sa lakas ng current,
02:05nahulog yung isang gulong niya sa spillway
02:08hanggang sa nahulog na nga sir yung buong sasakyan.
02:11Naanod sila.
02:12Sa ngayon, naiuwi na sa Dumingag ang mga bangkay at mga nakaligtas.
02:16Pero, nasa kustodian na rin ng PNP
02:19ang driver na sinisikapang mahinga ng pahayag
02:21ng GMA Regional TB1 Mindanao.
02:25Nilinong naman ang munisipyo ng Dumingag
02:27na may pahintulot nito ang pagpagamit sa rescue vehicle sa mga biktima.
02:31Kato si Kapitan, may mido-oldering moanyo.
02:35Magamit sila ito, rescue vehicle,
02:36kayo ng tambong philo ship,
02:38two days philo ship dito sa Kalamba.
02:39Naipagtugo ito.
02:40Napito sila yung request later legal ang pagbihaya ito.
02:43Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News,
02:47Efren Mamak, nakatutok 24 oras.
02:50Apektado ng tensyong yan maging mga OFW na babalik sa ng Middle East.
02:56Kanselado kasi ang ilang flight papunta roon.
02:59Kung hanggang kailan, alamin sa live na pagtutok ni Mark Salazar.
03:03Mark!
03:07Emil, pinulsuhan natin dito sa airport.
03:09Yung direktang epekto sa mga OFW ng pagsasara ng airspace sa Middle East.
03:15Masaklap na nga na marami ang hindi nakalipad.
03:17Pero Emil, mas stressful dun sa ilan na hindi alam kung kailan sila makakalipad.
03:27Kasabay ng biglaang pag-atake ng Iran sa isang American military base sa Qatar,
03:33nagkumahog ang mga eroplano sa pang-iwas sa airspace ng Qatar.
03:38Maraming commercial airlines ang napilitang mag-divert
03:41habang ang iba bumalik sa mga pinanggalingan.
03:44Habang walang kasiguruhan,
03:45maraming airlines ang nagkansela na ng flights sa buong Middle East hanggang sa katapusan.
03:51Sa atin, pitong biyahe ng palang kanselado ngayong araw.
03:55Apat na biyaheng mula Doha, Riyadh at Dubai, pa-uwi sa Pilipinas.
03:59At tatlong flights mula Manila papuntang Doha, Riyadh at Dubai.
04:04Direkta ang epekto nito kay Abigail at Susana na parehong pabalik na sana sa Doha, Qatar.
04:09Mag-ihintay na lang po kung kailan po yung update.
04:14Anong kita mo?
04:16Wala po.
04:18Wala po. Stay muna sa accommodation hanggang wala pa pong flight.
04:24Hindi ka uuwi sa Nueva Ecea?
04:26Hindi pa po siguro.
04:27Bakit?
04:28Wala pong pera po. Masahe pa po e.
04:30Sa totoo lang, mas natatakot doon silang mawala ang trabaho nila sa Qatar kaya sa banta ng mga missile.
04:36Ang nag-aalala din naman po, for safety po din po, syempre.
04:41Nag-aalala din po, pero kailangan din talaga.
04:44Mas mayhirap dito, walang trabaho, walang hanap buhay sir.
04:49Kaya kailangan lumaban para sa pamilya.
04:51Sa missile?
04:52Opo. Sa missile.
04:55Walang missile attack sa Saudi pero maraming international flights ang nagkansila ng lipad doon sa panganib ng GPS interference.
05:03Hindi na yan masyadong concern ng mga OFW.
05:07Focus lang sa dapat makabalik sa trabaho nila sa Jeddah.
05:12Kinakamahan naman, pero kaya.
05:14Bakit? Pag hindi natuloy ang biyahe, ano ba mangyayari sa inyo?
05:19Iiyak. Walang trabaho.
05:24Ipipwede dito?
05:25Pwede.
05:26Ibagdasal po na sana maging okay na po.
05:30Nauunawaan naman daw ng mga amo nila sa Middle East kung bakit stranded ang mga OFW pabalik sa trabaho.
05:36Nakausap po na yung company at wala naman daw magagawa kung cancel.
05:42Meron naman ng flight bukas kaso puno na po.
05:46Hindi na po kami nakarevoke para bukas.
05:48Kaya sa 29 na po ang available na.
05:51Hindi naman siyempre nakaschedule kung kailan yung susunod na missile attack o kung saan man gagawin yung susunod na missile attack.
06:04Masyado ikang malikot ang sitwasyon sa himpapawid.
06:09Kaya ang panawagan ng mga airlines sa mga pasahero palagi kung mag-check muna online ang status ng kanila mga flights bago dumiretso dito sa airport.
06:18Balik sa'yo, Emil.
06:19Maraming salamat, Mark Salazar.
06:23Matapos magamok at manugod ng mga kaanak, isang aso naman ang pinagdiskitahan na isang lalaki sa Maynila.
06:32Walang awa niyang pinagpapalo ang walang kalaban-laban na aso.
06:37Babala po, dahil sensitibo ang nahulikam na tagpo na katutok si EJ Gomez.
06:49Kalunos-lunos ang sinapit ng isang aso sa punta Santa Ana, Maynila.
06:54Matapos pagpapaluin ng isang lalaking tila nag-amok umano sa lugar noong linggo.
07:01Ayon sa barangay, napagbalingan ng init ng ulo ng 26-anyos na sospek ang aso.
07:07Nang makaaway niya ang ilan niyang kaanak.
07:09Ang kaaway niya muna, yung kanyang tatay.
07:15So, nag-aamok.
07:18Ang nabalingan niya yung pinsan.
07:23Nung mapalo niya yung pinsan, nabalingan naman yung aso.
07:27Sa pool sa CCTV, ang panunugod ng sospek sa kanyang lalaking pinsan na nakatambay sa labas ng isang tindahan.
07:35Hindi na nakuna ng CCTV ang mga sumunod na tagpo, pero doon na raw ang paulit-ulit na pananakit ng lalaki sa aso.
07:42Pagdating po doon, bigla pong parang nangingisay yung aso.
07:53Nung nakita pong nakaano na yung aso na parang wala na siyang malay, inaresto na po agad ng mga tanod.
08:02Narecover sa sospek ang ginamit na pamalo.
08:05Ang pangaabuso sa aso, nasaksihan ng kanya mismong amo.
08:08Naaawa po ako sa aso po. Wala pong ginagawang masama po sa kanya, pinalo niya po.
08:15Isinugod sa veterinaryo ang aso na posibli raw nagtamo ng mga fracture sa katawan at ulo.
08:21Desidido ang may-ari ng aso na sampahan ng lalaki ng reklamong paglabag sa Philippine Animal Welfare Act of 2013.
08:29Itutuloy po talaga namin yung kaso po. Dahil sa una pa lang po talaga, sakit sa ulo po talaga siya doon sa lugar po namin.
08:36Di naman magsasampan ang reklamo ang pinsa ng sospek na una niyang pinalo.
08:41Wala naman daw siyang tinamong injury.
08:43Depensa naman ng sospek na tumangging humarap sa kamera,
08:47natutulog daw siya nang bigla siyang maalimpungatan at binitbit ang pamalong nakuha sa kanyang kwarto.
08:54Ayon sa barangay, marami na ang reklamo sa sospek dahil sa panggugulo umano sa lugar.
08:59Gumagamit din umano ang lalaki ng iligal na droga.
09:02Walang pahayag ang sospek tungkol dito.
09:04Para sa GMA Integrated News, E.J. Gomez, nakatutok 24 oras.
09:19Ipinaliwanag ni Vice President Sara Duterte kung bakit dapat i-dismiss ang ika-apat na impeachment complaint laban sa kanya.
09:26Gate niya, hindi siya guilty sa alinmang ibinibintang.
09:29Nakatutok si Mav Gonzalez.
09:34Not guilty. Ito ang sagot ni Vice President Sara Duterte sa summons ng Senate Impeachment Court.
09:41Ang kopya ng 35 pahin ang sagot, ibinigay sa media ng isang partido sa kaso.
09:46Sa kanyang sagot, pinabulaanan ng B.C. ang mga aligasyon laban sa kanya na bribery, korupsyon, betrayal of public trust, misuse of funds, contracting an assassin at political destabilization.
09:56Anya, sinampahan siya ng impeachment complaint dahil kumukontra siya sa Administrasyong Marcos.
10:03Dagdag pa ni Duterte, wala o mano siyang kailangan sagutin sa summons dahil wala raw nakasaad na statement of ultimate facts doon.
10:10Kaya maituturing lang daw itong isang pirasong papel.
10:13Gate pa ni Duterte, walang dahilan para magpalabas ng summons ang impeachment court para pasagutin siya dahil wala na itong hawak na impeachment complaint.
10:22Ipinunto niyang ibinalik na ng korte ang reklamo sa Kamara.
10:25Matatandaang bago nag-adjourn ang 19th Congress, ibinalik ng Senate Impeachment Court ang reklamo sa Kamara para humingi ng sertifikasyon na walang nalalabag sa saligang batas
10:35at para tanungin ang Kamara sa 20th Congress kung desidido pa itong ituloy ang kaso.
10:40Pero sabi ngayon ni Duterte, walang probisyon sa 1987 Constitution na nagsasabing pwedeng tumawid ang impeachment trial sa susunod na Senado.
10:49At dahil lahat ng pending sa 19th Congress, kinukonsidera ng terminated, wala ng jurisdiction ang impeachment court sa reklamo sa pagtatapos ng 19th Congress.
10:58Kung itutuloy naman ang 20th Congress ang reklamo, naniniwala ang bise na kailangan itong ihain muli na parang inihahain sa unang pagkakataon.
11:07Pag nangyari, lalabag na umano ito sa one-year barrel sa konstitusyon.
11:11Sa saligang batas, may probisyong nagbabawal ng paghahain ng mahigit isang reklamo laban sa isang opisyal sa loob ng isang taon.
11:19Sabi ni Duterte, labag dito ang nakahaing reklamo laban sa kanya dahil pang-apat na umano ito.
11:25Kaya wala aniya itong visa.
11:27Pagpunto ng bise, may tatlo ng naonang impeachment complaint laban sa kanya bago ang natransmit na reklamo sa Senado.
11:34Hindi rin aniya sinunod ng Kamara ang rule sa pag-initiate ng impeachment complaint.
11:38Dahil sa mga ipinunto ni Duterte, hinihingi niyang ibasura ang aniya'y ikaapat na impeachment complaint laban sa kanya.
11:45Sa lunes ang deadline ng House Prosecution Panel para tumugo naman sa sagot ng bise.
11:51Sabi ni House Prosecutor Rep. Jervil Luistro, pinag-aaralan ito ngayon ng prosecution team at magre-reply sila sa loob ng limang araw alinsunod sa rules.
12:00Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, nakatutok 24 oras.
12:05Naubusan ng langis na pambenta ang ilang gasolinaan, ilang oras bago ang unang bagsak ng big-time oil price hike ngayong linggo.
12:17Nakatakda namang ilabas na ang fuel subsidy sa mga pampublikong sasakyan, kabilang ang mga unconsolidated chimney.
12:28Pero may ilang pa rin nagbabalak tumigil sa pagpasada.
12:31Nakatutok si Bernadette Reyes.
12:33Pila ang sumalubong sa mga motoristang naghahabol bago ipatupad ang dagdag sinil sa petrolyo kanina umaga.
12:44Sobrang laki eh, kaya nagpapakarga na ako ngayon, pinupultang ko na ito, motor motor.
12:50Maaga pa lang nagkaubusan na sa ilang gas station sa Quezon City.
12:54Kabilang sa FPJ Avenue na premium na lang ang natira.
12:57Natapos lang ng pila, 11 ng gabi. Ubos yung gas namin.
13:06Pero ang good news sa mga PUV, kasado na ang fuel subsidy.
13:10Ayon sa Department of Transportation, kahit yung mga GP na hindi pa consolidated, kasamang mabibigyan ng subsidy.
13:17Gayon din ang mga bus, taxi at UV Express.
13:20Pati TNVS at iba pang ride hearing service at delivery service na pangangasiwaan ng DICT.
13:27At mga tricycle na pangangasiwaan ng DILG.
13:30Good news.
13:31Nakit po?
13:31Pinagpapasalamat na ilang transport group ang fuel subsidy, pero sana raw, hindi na maulit ang mga naging problema noon.
13:48Ang ibang mga card na inisyo ng landang ay mga walang bondor. Maraming operator ang may problema dito sa Pasada Card na ito ng landang. Kanya hindi sila nakarokohan ng fuel subsidy.
14:05Sa kabila ng anunsyo ng fuel subsidy, nagkilos protesta pa rin ang piston.
14:10Ayon sa grupong piston, tatagal lang daw ang ayuda ng ilang araw. Kaya naman panawagan nila ang pangmas matagalang solusyon.
14:18At pag sumampa sa 60 pesos per liter ang diesel, posibi raw silang magtigil pasada.
14:23Hindi lamang dito sa National Capital Region kundi sa buong bansa.
14:27Dahil siya naman ang pangulo ng ating bansa, pwede siya maglabas ng isang ex-step order na isuspindi yung usapin ng mataas na buhi sa produktong petrolyo sa ilalim ng bat at saka ng isa-isak sa langis.
14:39Pero sabi ng DOE, wala sa kanilang kamay ang kapangyarihan na gawing ito.
14:44Wala tayo sa lugar, yan ay isang gawain at wisdom na panggagalingan ng Congress.
14:53Pag-usapan yan kung sakasakali, magpatawag, doon dapat mapag-usapan ano magiging effect niyan.
15:01Dahil pag nawala yung 400 billion pesos collection ng revenue ng gobyerno, halimbawa, ano ang ipapalit?
15:09Sa ngayon, patuloy raw ang paghahanap ng mga programa ng DOE para maibisan ang epekto ng tumataas na presyo ng petrolyo.
15:16Babalik ulit ang usapin ng DOE at ng oil company, doon na mga discount promo.
15:25Bukod sa mga motorista, nangangamba na rin ang ilang nagtitinda at mga mamimili na baka tumaas din ang presyo na mga bilihin.
15:32Possible po natataas kasi yung sa mga delivery.
15:36Pag tumaas naman yung presyo ng gasolina at sa ka-diesel, saka naman siguro magtataas yung sa isda.
15:42May nakalaan namang pondo sa Department of Agriculture para tulungan ng mga magsasakat maing isda.
15:48Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
15:53Ilang polis ang isinangkot ni Alias Totoy sa pagkawala ng 34 na sabongero at kabilang sa 30 pinangalanan niya sa kanyang affidavit.
16:04Kasama rin sa mga isisiwalad niya ang may-ari ng lugar sa Taal Lake kung saan ibinaon-umano ang labi ng mga biktima.
16:11Narito ang aking eksklusibong pagtutok.
16:13Hindi bababa sa 30 tao ang pinangalanan ni Alias Totoy sa kanyang affidavit na may kinalaman-umano sa pagkawala ng mahigit paan niya sa 34 na sabongero.
16:27Ilan silang lahat, bali?
16:28Sa pagkakalam ko, 108 plus 1 sa Lipa Farm at saka sa Siniluan Farm.
16:37Bukod sa mga sibilyang sangkot, meron din umanong mga security guard ng sabongan at mga pulis.
16:44Aabot ng 30 yan. Kasama na yung mga pulis at sibilyan niyan.
16:50Mga ilan sibilyan?
16:52Dimited ko lang ha, mga sampu yung sibilyan o mahigit pa.
16:57Yung mga nasa servisyo?
16:59Sa servisyo, mga 20 yan, nasa 20 yan sila.
17:04Dapat anyang kasuhan din ang mga gwardiya ng sabongan dahil?
17:07Sila yung mga tao nag-turnover, nag-bit-bit para i-turnover doon sa mga uniformado.
17:15At pag na-turnover nasa umano yung mga pulis?
17:17Sila ang tumatanggap ng tao at sila yung nagdala doon kung saan nila ipinas lang yan.
17:25Kasamaan niya sa kanyang isisiwalat ang may-ari ng lugar kung saan naman o ibinaon ang mga labi ng mga biktima.
17:31Pinakitaan nila ako ng video, dyan lang yan sa talisay, wala isdaan po yan.
17:35May-ari kasama sa kakasuhan. Uniformado yan.
17:39Polis?
17:39Yes.
17:40Dakil sa alam niya, may mga bantana umano sa kanyang buhay.
17:44Kalipat-lipat ng tirahan kasi matitris nila ako kung saan at magagaling ang mga yan.
17:49Kahapon, sinabi sa panayam ni Justice Secretary Jesus Crispin Rebulia na isa sa ilalim na si Elias Totoy sa Witness Protection Program.
17:56Ayon kay Elias Totoy, may hinihintay na lang siya bago iharap ang sarili sa mga otoridad.
18:02Sa ngayon, inaayos lang yung dokumento tulad nung sinabi ko doon sa kamag-anak,
18:07bago matapos ang buwan, siguro sisikapin naman ang otoridad.
18:14Para sa GMA Integrated News, Emil Subangil, nakatutok 24 oras.
18:20Good evening mga kapuso!
18:26Maraming naintriga nang ipasulyap kagabi sa Encantadio Chronicle Sangre,
18:31ang ekseno kung saan kita si Amihan at Ibrahim.
18:34Ang gumaganap sa huli na si Rudo Madrid,
18:37excited sa pagbalik sa set ng Biggest Telefantasia kung saan,
18:41bidang nobyang si Bianca Umali.
18:43Makitsika kay Larson Chagol.
18:45Ipapanganak na ang bagong tagapagliktas ng Encantadio na si Sangre Tera.
18:58Ang anak ni Sangre Danaya at mortal na si Theo.
19:02Pero sa pagsilang ng bagong tagapagliktas, may pangitaing ipinasilip kagabi.
19:09Ang prinsipe ng Sapiro na si Ibrahim na tila nakahimlay
19:14at si Sangre Amihan galing sa Devas?
19:19Kung pangitain ito o panaginip lang, magkakaalaman pa lang.
19:25Ang Chagol, pareho ng bahagi ng mundo ng Encantadio,
19:29ang gumanap na Ibrahim na si Rudo
19:31at ang kasintahan niyang si Bianca Umali na gumaganap na Tera.
19:37Bagamat matagal nang ditumuntong sa Encacet,
19:41alam pa rin ni Rudo ang salitang enchan.
19:44Abisala, Abisala Eshma, Estasec 2, Ag2, mga ganyan.
19:50Kasi syempre, titular, parang taon din ang buhay ko
19:53ang inalay ko dyan at ang Encantadio
19:57ang unang nagbigay po sa akin ng Best Actor Awards.
20:01Magsisimula na rin maghanda si Ruru
20:03para sa series of shows sa Canada
20:05kasama si Nakaydin Alcantara,
20:08Ayaydalas Alas at Jessica Villarubin.
20:11Magsis-stay kami doon for 22 days.
20:15Medyo matagal-tagal.
20:17Matagal din kami di magkikita ni Bianca.
20:20Si Bianca kasi magbabakasyon naman sa Europe.
20:24Actually, para sa amin okay lang yun.
20:26Kahit hindi kami magkasama,
20:29basta malinaw naman yung tiwala namin sa isa't isa.
20:32Pitong taon nang magkarelasyon si Naruru at Bianca
20:36at napag-uusapan na rin ang kasal ayon kay Ruru.
20:40Malinaw na sa amin na yun na talaga yung pupuntahan.
20:44But syempre, yung timing lang,
20:47iniintay namin kailan ba yung tamang pagkakataon.
20:50May ideal wedding ba si Ruru?
20:54Very sacred siya eh.
20:56Syempre, dapat nasa loob po kami ng church.
21:01At at the same time,
21:03hindi kailangang mag-aarbo.
21:05Kasama namin yung mga taong malalapit sa mga puso namin.
21:09At masaya kami.
21:10Lor Santiago updated sa Showbiz.
21:14Happy name.

Recommended