Dahil sa mga hamong hinaharap ng mga batang gustong magsanay sa skimboarding sa San Roque, Northern Samar—may mga miyembro ng komunidad na hindi nag-aatubiling tumulong.
Isa na rito si Gerald Mora na unang namulat sa skimboarding sa Catarman, Northern Samar. Ngayon, siya na mismo ang gumagawa ng mga skimboard para sa mga batang gustong matuto.
Panoorin ang ‘Kampeon ng Alon,’ dokumentaryo ni Atom Araullo sa #IWitness. FULL EPISODE: https://youtu.be/RqONW742qQI