Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Aired (July 27, 2025): Kilalanin ang pambihirang alaga ni Tatay Resting. Ang baka raw niya kasi, may dalawang ulo! Samantala, ang kambal na baka ni Ambet, pinaniniwalaang may hatid na swerte?!

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Dahil pambihirang hayop naman ang bumibida,
00:03Becky and I mean, mapawak kayo sa bakang ito mula sa Batangas.
00:07Isang baka, dalawa ang ulo?
00:11Ang may-ari ng kambal na ulo ng baka,
00:14ang kawander nating si Tatay Resting,
00:17na mahigit limampung taon nang nag-aalaga ng baka.
00:21Noong bata pa kasi kami,
00:23yan ang paggawa sa amin ng magulang,
00:26tumulong sa pag-aalaga ng mga hayop na tulad ng baka.
00:29Malakihan ay tulong ng pagbabaka.
00:31Pag nakapagpalaki ka, naibenta,
00:35o ay di doon tayo nakakaroon ng kaunting kita,
00:38nakakapagpaaral.
00:41Kaya nang mabuntis ang isa sa kanyang mga inahing baka,
00:44Thunder Loving Care ang ibinigay ni Tatay Resting.
00:47At nang dumating ang araw ng panganak nito,
00:51laking pagtatakaraw ni Tatay Resting dahil ilang oras na ang nakalipas,
00:55hindi pa rin lumalabas ang guya o ang batang baka.
00:57Kahit anong hila ang gawin ko,
01:00hindi ko siya kayang makuha.
01:02So doon ako nag-isip, sabi ko,
01:03hindi siya normal na baka.
01:06Tumawag na ako sa Department of Agriculture ng Taysan.
01:11To the rescue naman ang Agricultural Officer ng Taysan,
01:14na si Tito Ortega.
01:15Dali-dali ako kung tumakbo dito sa barangay nila.
01:20Then pagtingin ko nga, hindi na makatayo na yung inahing.
01:22Pagod na pagod na.
01:24Ang napansin ko, malaki ulo.
01:26So nag-decide ako na hilahin na lagyan ng tale.
01:31At nang tuluyan ng lumabas ang guya,
01:33laking gulat ni na Tatay Resting.
01:35Eh, numakita ko agad na gayon,
01:40eh, siyempre, nagulat ako.
01:41Kasi hindi ko inaakalang ganun na mangyayari.
01:46Talagang may halong kabata ko.
01:48Eh, ba't ganun?
01:49Sa haba-haba nga ng panahon lang tayo nag-aalaga,
01:52eh, ngayon lang tayo naka-enkwentro ng ganyan.
01:55Akala ko nga, eh, sa comics lang yan.
01:57Ang mga kambal-ulong hayop,
02:00bihira namang mangyari dito sa atin.
02:03Kagaya ng biik sa Ilocos Norte noong 2020
02:06at ang kalabaw sa Sambuang Gadalsur noong 2022.
02:11Sa kasamaang palad, hindi na buhay
02:13ang mga naturang pambihirang hayop.
02:17I wonder, ano ang dahilan
02:19at may mga hayop na dalawa ang ulo?
02:24Pagkakaroon ng dalawang ulo,
02:25medyo bihira yan, eh.
02:27Hindi siya madalas na nakikita.
02:28Ang tawag sa kanya ay dicephaly.
02:31Meaning, ito yung conjoined twin, eh.
02:33Kambal yan, na nag-split yan
02:36doon sa embryonic niya,
02:38yung egg, nag-split yan,
02:40pero hindi siya tuloy-tuloy naghati.
02:42So, hindi siya nag...
02:43Sa bayan ng Taysan, Batangas,
02:48ipinanganak ang kambal-ulong baka
02:51na alaga ni Tatay Resting.
02:53Nangyayari daw ang ganitong pambihirang kaso
02:57kapag hindi maayos ang pagbubuntis ng hayop.
03:01Bihira lang mangyayari ang ganito sa atin.
03:03At madalas, binabawian na agad ito ng buhay.
03:07Kaya hindi na rin daw umasa si Tatay Resting
03:12kahit pilit nilang sinasagip ang buhay
03:15ng kanilang kambal-ulong baka
03:18na matay rin ito.
03:21Kung nawala nang hininga,
03:23ay nagdesisyon na akong
03:24agad-agad siyang ilibing.
03:26Pero malungkot din.
03:28Eh, ganun talaga.
03:29Bihira lang daw mga anak
03:31ng higit sa isa ang hayop
03:33na tulad ng baka.
03:35At isa nga si Gilbert
03:36sa nabiyayaan
03:38ng kambal na baka.
03:40Aba, hindi lang ho talaga tuwa.
03:42Talagang sobrang tuwa.
03:43Dahil akalahin nyo na
03:44dalawa agad.
03:47Double the baka,
03:48double the swerte.
03:49Double the baka,

Recommended