00:00Sa kabila ng pag-unlad ng bansa na nanatiling hamon ang malnutrisyon sa maraming Pilipino,
00:05lalo na sa mga kabataan.
00:07Kung kaya't kasabayan ng pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong Hulyo,
00:11may mga inisyatiba na isinusulong upang masiguro ang sapat at masustansyang pagkain para sa lahat.
00:17Kung ano yan, panuunin po natin ito.
00:20Marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi nakakakain ng sapat at masustansyang pagkain araw-araw.
00:27Sa katunayan, karaniwan ng malnutrisyon sa Pilipinas lalo na sa mga bata.
00:33Madalas silang kulang sa tamang vitamina at mineral tulad ng iron, iodine at vitamin A.
00:39Ayon sa datos, isa sa bawat apat na batang Pilipino ay bansot o hindi akma ang kanilang tangkad sa kanilang edad.
00:47Isang issue na hindi lang tungkol sa kakulangan sa pagkain, kundi sa kalidad ng pagkain na mayroon sa hapag.
00:53Kasabay ng pagdiriwang sa Nutrition Month ngayong Hulyo, layuni ng isang food company katuwang ang isang professional organization para sa Nutrition and Dietetics
01:04na gumawa ng mga paraan na maaaring magbigay solusyon sa tumataas na bilang ng malnutrisyon.
01:10The PSND actually allows us to provide more nutrition education to more communities and more families.
01:20So we will be doing different events with them, cooking demos as we go to different barangays,
01:26and create education materials because that's also important to spread the news that nutrition actually starts from the home.
01:34Ang nasabing organisasyon ay binubuo ng mga nutritionist-dietesian na layuning itaguyod ang food and nutrition security sa bansa.
01:42Binibigyang halaga rin nila ang pakikipagtulungan sa mga food industry para sa food fortification at consumer education.
01:49With this partnership, we can really fight malnutrition and promote good nutrition in the Philippines.
01:57Nais nilang tutukan ang pag-formulate ng family meal recipes na may mataas na vitamin A, C, and vitamin E na malaking tulong sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan.
02:08We aim to recreate everyday recipes into nutrient-dense ones, also considering the portfolio of the ingredients we have available.
02:19We aim to end malnutrition because it has been a long-standing problem in the Philippines.
02:23Ang kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya, lalo na ng mga bata, ay nakadepende sa kung ano ang kinakain-pagkain araw-araw.
02:32Hindi kailangan maging mahal para maging healthy ang pagkain.
02:36Kailangan lang ng kaalaman para maitaguyod ang mas masustansyang pamumuhay.