- yesterday
24 Oras: (Part 1) Nalunod, 'di umano agad narespondehan ng rescue teams dahil sa baha ayon sa misis nito; DPWH, maisusumite sa kay PBBM ang listahan ng "ghost" projects hanggang sa susunod na linggo; 2 pang inmate na tumakas sa Batangas Prov'l Jail, nahuli na, atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00This is Philippine Goldberg.
00:07Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:15Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:19Literal na nagdulot ang pagkamatayang baha sa kalumpit sa Bulacan.
00:23Matapos umanong hindi agad marespondihan ang isang nalunod
00:26dahil sa abala ng baha sa mga rescuer.
00:30Nagpasaklolo na nga ang ilang taga roon sa national government
00:33na malagyan sila ng diking proteksyon sa Pampanga River.
00:37Lalot dalawang linggo ng baha sa ilang lugar doon.
00:40Habang ang iba, matagal ng abandonado dahil pirming baha.
00:43Nakatutong doon live si Mark Salazar.
00:46Mark.
00:50Mel, tingnan mo yung likuran ko.
00:52Para ng pantalan dahil sa bangka-bangka na yan.
00:55Pero ito ay kalsada at bungad lamang papasok sa barangay Misulao
00:59dito sa kalumpit na sa ilang parte ng barangay na ito
01:02lumalampas hanggang sa taas ng tao ang tubig baha.
01:06Dalawang linggo ng hanggang dibdib ang baha sa barangay Maysulao, Kalumpit, Bulacan.
01:17Ganyan katagal na rin walang pagkupa ang baha sa barangay Gatbuka.
01:21Maging sa barangay Frances, kung saan para makalabas, ay dalawang kilometro ang nilalakad
01:27ng ilan sa baha kung ayaw magbayad sa bangka.
01:31Ang hirap lumabas kaya pagkalalabas ka, gawin mo ng lahat.
01:36Diretso pa yan. Malalim doon sa kanila.
01:38Dito, hindi masyado.
01:40Kahit sanay na sa baha, abala pa rin ito ayon sa aking mga nakausap.
01:44Hindi nga po namin alam kung may solusyon pa yung baha na ito. Wala na po kasi.
01:48Sinubok po yung diki po doon. Kaya lang po, hindi po matapos-tapos.
01:53Si Aling Karen ay papunta sa burol ang kanyang asawang nalunod kahapon sa baha.
01:58Natisod po siya. Natisod na po ito. Nalulunod po.
02:03Hindi po agad-agad dumadating yung mga rescue. Gawa nga po ng baha.
02:07Sa barangay San Miguel, lampas tao pa rin ang baha.
02:10May mga komunidad na matagal nang inabanduna dahil hindi na ito nakabangon pa sa dati ng baha.
02:16Pero itong habagat na ito raw ang pinakamalalang nangyari sa barangay.
02:21Lampas 1,400 na kabahayan. Ang lubog pa rin.
02:25Kung hindi pa po tayo magpapapump out or magpapalimas papunta sa ilog ng Pampanga,
02:33hindi na po matutuyoon yan.
02:35Dati-dati po hindi binabahan lugar na ito.
02:38Ngayon po, hindi na po natutuyuan ng tubig.
02:41Maraming residente ang nasa bagong gawang evacuation center,
02:45pero nakaligtaan lagyan ng banyo, ng kontraktor ang gusali.
02:50Hayaan na yan ayon sa barangay dahil mas urgent sa kanila ang diking panangga.
02:55Panangga nila sa Pampanga River na national government lang ang makakagawa.
02:59Yan nga po, malaking gastos po dahil mula po Pampanga,
03:04apalit Pampanga hanggang mga baby Pampanga,
03:07sako po yan, i-aabot po yan ng mga 3 and a half kilometer.
03:14Sa inyo lang yan?
03:15Opo, sa inyo lang yan.
03:16O po, less than 4 kilometer po siguro.
03:20Unti-unti po pong nagtataas nga po ng riprap.
03:23Ang problema nga po, yung unang gawa po ng riprap, may kababaan po.
03:29Emil, ang mga sinadya namin barangay dito sa Kalumpit ay yung mga nasa gilid ng Pampanga River.
03:40Ito yung mga komunidad na unang binabaha kapag umapaw ang ilog.
03:45Ito rin ang komunidad na unang binabaha pagka nakakahightide sa Manila Bay.
03:49At ito rin ang mga komunidad na sumasalo ng mga tubig-baha mula sa mga mas matataas na lugar
03:54gaya ng Pampanga ng Nueva Ecija.
03:57Kaya ito ang komunidad na nangangailangan ng tulong.
04:01Tulong na national government lang anila ang makakatulong at makakagawa ng solusyon.
04:06Emil.
04:07Maraming salamat, Mark Salazar.
04:10Lumikas ang daang-daang tenants na isang kondo sa Maynila.
04:14Kasunod ng pagputok ng transformer ng gusali.
04:17May senior citizen pang kinailangan ng atensyong medikal.
04:22Nakatutok si Jomer Apresto.
04:24Kung meron po please!
04:29Kuha yan sa loob ng isang low-rise condominium sa Tondo, Maynila, pasado alas 9 kagabi.
04:34Kita ang pagkislap at pagputok ng isang transformer na nasa Building 13.
04:39Dahil sa nangyari, lumikas ang daang-daang apektadong residente mula sa Building 12 at 13.
04:45Isang senior citizen ang kinailangan ng atensyong medikal matapos mahirapang huminga sa kasagsagan ng paglikas.
04:52Aalam ko po, aabutin sila ng may 500.
04:55Wala po akong nakausap ng management, sir.
04:57Sa oras nga ito.
04:58Ayon sa tauhan ng security office ng kondo, may problema sa wiring ang transformer.
05:03Puputuli na raw sana nila ang supply nito at gagamit na lang ng generator nang biglang pumutok ang transformer.
05:09Sabi ng mga residente, umaga pa lang, kumikislap na raw ang transformer.
05:14Gano'n gano'n yung ilaw, parang nag-Christmas party kami.
05:18Bakit inon pa yung elevator?
05:20Bakit hindi inaan sa mga tao na huwag kayo mag-aircon, mag-ref?
05:22Ganon, walang paalala.
05:26Ang residente namang si Elizabeth, tumambay na lang sa kanyang eat right kasama ang kanyang mga anak at talagang aso.
05:32Malaking kapirwisyon to, hindi sa matutulog na kami, paano kami makakatulog ng maayos ng ganyan?
05:37Mahirap yan kasi, siyempre nagbabayad kami ng kondo dyan, tapos updated kami, tas ganyan, reaction ang kawawa naman kami.
05:46Patuloy na inaalam ng Bureau of Art Protection na naging sanhin ang pagputok ng transformer.
05:51Sinisikap ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng kondo management sa insidente.
05:56Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok, 24 oras.
06:01Samantala, nahuli na ang dalawang inmet na pumuga sa Batangas Provincial Jail kahapon,
06:08kabilang ang isang umuwi sa kanyang dating tirahan.
06:11Sa kabila niyan, hindi pa tapos ang usapan ayon kay Batangas Governor Vilma Santos,
06:16ang kanyang iniutos sa pagtutok ni Chino Gaston.
06:19Nakaalalay sa operasyon ng Batangas Provincial Police Office ang thermal imaging drone na ito
06:29habang sinusuyod na mga pulis ang masukal at madilim na bahagi ng barangay sa laban sa ibaan, Batangas.
06:36Katuwang din nila ang mga K9 units para mahanap ang nagtatagong inmate o persons deprived of liberty
06:42na isa sa mga pumuga sa Batangas Provincial Jail.
06:45Matapos ang ilang minutong paghahanap, nakita rin sa thermal camera ang preso.
06:50Ginamina po natin ng drone na may thermal imaging at may tinap rin po tayong K9 na private.
06:57Nagtatago siya at nung masukul na rin, barangay mismo po ang nagturo kung nasan siya.
07:02Naging susi rin sa operasyon ang bagong binoong drone squad ng Police Provincial Office
07:06sa paghabol sa sinakyang bus ng limang sospek na naaresto sa Toll Plaza ng Santo Tomas kahapon.
07:13Tatlong iba pang tumakas din ang nadakip sa bayan naman ng ibaan.
07:17At kaninang alas 10 ng umaga, nahuli ang pangsampung tumakas sa bayan ng Bawan kung saan ito dating nakatira.
07:24Sasampahan sila ng PNP ng karagdagan reklamo ng robbery at direct assault dahil sa pag-atake sa nagbabantay na jail guard.
07:31Samantalang ang mga kumuha ng baril ng gwardya at nahulihan ng patalim,
07:36sasampahan ng reklamong illegal possession of firearms at possession of a bladed weapon.
07:41Bagamat patuloy ang ginagawang investigasyon, posibleng may pananagutan rin daw ang mga jail guard.
07:47Pupwedeng maharap sa kaso na evasion through negligence yung mga provincial guards.
07:55Kahapon, sinabi ng ilang tumakas na pinabubugbog daw sila sa ibang mga jail guard.
08:00Sinusubukan pa naming kuna ng pahayag ang Batangas Provincial Government na nangangasiwa sa provincial jail.
08:06Pero bago nito, ipinag-utos na ni Gov. Vilma Santos Recto ang malawakang investigasyon dahil saan niya ay hindi maayos na security protocols ng bilangguan.
08:17Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok? 24 oras.
08:22Sinampahan ng Napolcom ng mga kasong administratibo ang labindalawang polis na isilangkot ng whistleblower na si Dondon Patidongan sa pagkawala ng mga sabongero.
08:39At bukod kay Patidongan, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Rebulla na may lulutang daw na isa pang testigo na may hawak-umanong evidensya.
08:49Narito ang aking pagtutok.
08:52Labing limang araw makaraang maghain ng administrative complaint ang whistleblower na si Dondon Patidongan alias Totoy at labing pitong kamag-anak ng mga nawawalang sabongero.
09:04Formal ng kinasuhan ng National Police Commission on Napolcom sa kanilang legal service ang labing dalawang polis na isinasangkot ni Patidongan sa kaso ng mga missing sabongero.
09:16Grave misconduct, grave neglect of duty at conduct unbecoming of a police officer ang ikinaso laban kay Police Col. Jacinto Malinaw Jr.
09:28Hiwalay na kaso naman ng 6 na counts ng grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer ang ikinaso laban kay na Police Lieutenant Col. Ryan J. Orapa, Police Major Mark Phillip Almedilla at siyam na iba pang polis.
09:43They will be given time to file their answers. After which, magkakaroon ng hearings dito. Kung kinakailangan, magpafile sila ng kanilang proper pleadings or position papers.
09:56I'm not prejudging the case. But since these are grave offenses, ang lowest penalty for a grave offense is suspension.
10:04Ang middle penalty for grave offenses ay demotion. At ang pinahamalupit na parusa para sa grave offenses ay dismissal from the police service.
10:15And of course, for the future of all benefits.
10:17Sinusubukan ng GMA Integrated News na makuha ang kanilang panig.
10:21Nagsadya kami sa Cab Crame Headquarters Support Service kung saan sinasabing nakakostody ang mga kinasuang polis pero wala kaming nakausap.
10:29Nakipaguglayan din kami sa PNP Public Information Office para makuha ang abugado ng mga kinasuhan pero wala pa silang tugon sa amin.
10:37Bukas ang GMA Integrated News sa reaksyon ng mga polis na sangkot.
10:42Ang kaanak ng mga nawawala. Ikinatuwa ang pagsasampa ng reklamong administratibo laban sa mga itinuturong polis.
10:50Lalo ro silang nabuhayan ng loob nang mabanggit pa ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang Sona kahapon ang kasong ito.
10:57Hahabulin at pananagutin natin ang mga utak at mga sangkot si Billion Man Opsyal.
11:03Nagpapasalamat po kami sa presidente na nabanggit niya sa Sona na hindi niya lulubayan yung samisin sa bongero.
11:09Sana nga po, inintay namin makasuhan talaga pong ang mastermind.
11:13Ayon kay attorney Rafael Vicente Calinisan ng Napolcom, tuloy ang investigasyon para sa iba pang maaring sangkot sa kaso.
11:21Isiniwalat din niyang may mga gumagapang umano para impluensyaan ang kanilang investigasyon.
11:27There are two groups. Yung una, isang bossing ng sabong.
11:31Doon sa pangalawang grupo, tinawagan yung isang very very close sa akin.
11:37Ano sa tingin nyo, nababayaran kami dito? Hindi kami nababayaran dito.
11:41Sa pulong naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Rebulia at PNP Chief General Nicolas Torred III,
11:48napag-usapan ng paglutang ng isa pang testigo na magpapatibay sa mga pakayag ni Pati Dongan.
11:54Sibilyan, hindi lang itong testimonial evidence, may real evidence na involved dito.
11:58Meron ditong totoong ebidensya na bukod sa kwento, meron itong sariling ebidensya pa na kalakit.
12:06Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil, nakatutok 24 oras.
12:12Pinalaga ni Senate President Cheese Escudero ang lumabas na ulat na may isiningit umano siyang pondo para sa ilang proyekto sa 2025 national budget.
12:20In ako sa kanya ang kamera na pinanggalingan ito.
12:23Sagot ng kamera, bakit sila tinataasan ng kilay?
12:28Nakatutok si Maaf Gonzales.
12:32Isang demolition job, ganyang tinawag ni Senate President Cheese Escudero,
12:37ang lumabas na ulat sa isang website na mayroon daw siyang isiningit sa 2025 budget
12:42na mahigit 142 billion pesos na flood control projects at iba pang infrastruktura.
12:48150 billion? No, of course not.
12:51Kahit po sa Sorsogon.
12:54Sa Sorsogon, kung meron din po kayo mga changes.
12:579 billion? No.
12:59May changes sa Sorsogon, yes, pero hindi 9 billion.
13:02Hindi porkit Sorsogon, akin yun.
13:05Hindi porkit Bulacan kay Sen. Villanueva yun.
13:09Hindi porkit Tigadon ang isang mambabatas, e lahat na ng pondoron ay sa kanya.
13:14Ulitin ko, sino bang nagsabi niyan?
13:16That is a mere insinuation.
13:19Again, bahagi ng ika nga, PR job, PR campaign.
13:24So, hindi automatic yun.
13:26Aniya, malino na paninira daw ito na inilabas bago magbotohan para sa Senate President ng 20th Congress.
13:33Gaya raw ng aligasyon na pinuntahan niya si House Speaker Martin Romualde sa Kamara
13:37para siguruhing na isama sa budget by cam ang mga insertion niya.
13:41Malamang galing din sa kanila yan dahil ang paninira, na-trace naming paninira laban sa amin, ay nanggagaling din sa Kamara.
13:47Hindi nga lang siguro dalawang behes ako bumisita, pero hindi sa tanggapan ni Speaker Romualde.
13:52Sa tanggapan kung saan, sa opisina kung saan isinasagawa ang by cam.
13:57So, bawal na rin magpunta at gawin ang trabaho bilang by cam member.
14:00Bawal bilang Senate President. Tingnan kung ayos yung staff na gumagawa ng by cam. May insinuation.
14:09Sagot ng Kamara.
14:10Bakit kami? Ba't kami may kasalanan?
14:13Bakit pag may mga criticism sa kanya, tinataasan niya ng kilay ang House of Representatives?
14:19Siguro yung tanong, bakit nga siya nandito dito?
14:22Kung tungkol yan sa by cam, kasi ang Speaker hindi naman po nakialam sa by cam ng budget.
14:29Mahirap din daw ang gusto ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi niya papayagan ang budget na hindi alinsunod sa National Expenditure Program ng Pamahalaan.
14:38Hindi naman nga pwedeng walang baguhin.
14:40Again, Congress has the power of the purse. No NEP is perfect.
14:45But as long as it is based on discussions made openly with transparency and accountability, wala akong nakikitang problema.
14:53Kalihim mismo ng Pangulo ay humihiling sa Kongreso ng dagdago pagbabago sa kanika nilang budget.
14:59So siguro, kung may ganyang uri ng kautosan ng Pangulo, dapat pagsabihan din niya yung kanyang mga kalihim
15:05na kapag kami sinuminta ng budget ang DBM para sa kanilang departamento, huwag na silang humirit pa.
15:13Mas alam din, Anian, na mga kongresista ang pangangailangan sa baba dahil sila ang ibinotong representante ng taong bayan.
15:20Pero para mas maging transparent ang proseso, imumungkahi raw ni Escudero na buksan ang bicameral conference committee
15:26at maglabas ang listahan ng mga pinabago ng bawat senador.
15:30Si House Speaker Martin Romualdez, binuksan na ang kanilang proseso sa publiko.
15:34We will open the bicameral conference to civil society observers.
15:42Following the President's lead, this is indeed a historic first because transparency is not just a value, it is a weapon against corruption.
15:52Nag-ha-in na rin ng joint resolution na ang ilang senador para buksan sa publiko at i-livestream ang mga deliberasyon ng budget bicameral conference committee
16:01suportado ito ng Ehekutibo at ng Kamara dahil nauna na rin naman daw nila itong iminungkahi noon.
16:07Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatuto, 24 Oras.
16:12Nakasilid sa drum naman ang bangkay na natagpuan sa tabi ng isang creek sa tagig.
16:17Pasintabi po, dahil sensitibo po ang balitang ito. Nakatutok si Oscar Oida.
16:28Magdatanim na sana ang mag-asawang Josephine at Ronil sa tabi ng creek sa barangay Palingon, Tagig.
16:34Nang makita nila ang drum na ito, alas 5.30 na umaga.
16:39Inakala pa nilang napag-iwanan naman sila ng ninakaw na gamit, pero nang subukang iangat ni Ronil ang drum.
16:45Uy! Magbigat!
16:47Sabi ko, nagtaka ko kung anong laman, hindi sinilip ko. Pagsilip ko, tao. Nakita ko ito. Sabi ko, eh, tao.
16:58Agad silang tumawag sa mga otoridad.
17:01Bago lang, eh. Bagong ano lang, dami dugo yung dami.
17:04Kagabi lang yun, sir. Kasi hindi naman, ano, hindi pa naman mabaho, eh. Ang dugo, eh. Hindi pa naman gaano, ano, eh.
17:11Ayon sa mag-asawa, dito ang unang pagkakataong may natagpo ang bangkay sa lugar.
17:17Kasi malayo sa CCTV, dito yung CCTV.
17:21Hindi, ano, dun, walang maano, dahil kasi sa likod pala, eh, nakiyat.
17:28Nagsadya kami sa tanggapan ng tagig polis, pero tumanggi muna silang magbigay ng anumang pahayag
17:33habang isinasigua-umuno ang inisyal na imbisigasyon.
17:37Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida nakatutok, 24 oras.
17:51Hanggang sa susunod na linggo, maisusuminti na raw ng Department of Public Works and Highways
17:56ang listahan at estado ng flood control projects sa nakalipas na tatlong taon,
18:01gaya ng pinagutos ni Pangulong Bongbong Marcos.
18:04Layo nito, malaman kung alin ang mga proyektong pinagkakitaan lamang
18:08ng mga tiwaling individual.
18:10Nakatutok si Joseph Moro.
18:15Sa mga nungungurakot sa mga proyektong dapat ay pangontra sa baha,
18:20mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos.
18:22Mahiya naman kayo, lalo sa mga anak natin,
18:26na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo,
18:29na binuksan nyo lang ang pera.
18:32Ayon kay Department of Public Works and Highways,
18:34Secretary Manuel Bonoan,
18:35isusuminti nila hanggang sa susunod na linggo
18:38ang hinihinging listahan ng Pangulo ng mga flood control project
18:41sa nakalipas na tatlong taon.
18:44Dito tutukuyin alin ang mga natapos na maayos
18:47at alin ang mga ghost project lamang.
18:49Status of completed projects,
18:52whether they're still standing
18:54or medyo ba na damaged,
18:56papakita namin it will be open to public.
18:59Sa pagsasiriksik ng GMA Integrated News Research,
19:02aabot sa isang trilyon ang budget ng DPWH
19:05para sa mga flood control projects
19:07base sa mga General Appropriations Act
19:10mula 2023 hanggang 2025.
19:13O lampas 300 billion pesos yan kada taon.
19:17Pero bakit paha pa rin?
19:20Sa 2023 COA Audit Report,
19:23sinabing may ilang foreign-assisted flood control projects
19:26ang naaantala ang implementasyon.
19:28Tulad ng Pasig-Marikina River Channel Improvement Project
19:32na magpapalaliw sana sa Pasig at Marikina River
19:35para hindi ito umapaw.
19:37Metro Manila Flood Management Project
19:39na magre-rehabilitate ng mga drainage systems sa Kamaynilaan.
19:42Ang Cavite Industrial Area Flood Risk Management Project
19:46at Cagayan de Oro Flood Risk Management Project.
19:50Paliwanag ng DPWH naantala ang ilang proyekto
19:53dahil na-delay o nabawasan ang pondo para rito.
19:56We have been already cautioned by the lending institutions actually
20:00because napapansin daw nila that the appropriations
20:04that we are putting into these projects
20:06are not adequate actually to sustain the momentum of implementation.
20:11Ayon sa DPWH, isa sa mga suliranin nila
20:14ay yung mga programa na hindi dumaan sa National Expenditure Program
20:17o NEP ng pamahalaan.
20:19Kumakain daw ito sa pondo ng ilang mga proyektong existing na dahilan
20:24para ma-delay ang ilan sa mga ito.
20:27Dapat kasi ang mga flood control project dadaan
20:30sa Regional Development Council
20:31na magre-recommendan ang proyekto sa DPWH
20:35na siya naman maglalagay nito sa proposed budget
20:38o National Expenditure Program na isusimite sa Kongreso.
20:42Pero ayon kay Bunuan, pagdating sa Kongreso,
20:45Maraming dagdag nga, yun ang sinasabi ng Presidente,
20:48maraming dagdag.
20:49Kung saan ang galing yan?
20:50Yeah, and to the detriment of the program of the President
20:53na hindi dumaan sa amin for betting or for preparation.
20:59Saan galing?
21:01Ito na nga yung pinag-uusapan.
21:04Alam mo naman, Congress has the power of the purse
21:06and dito na yung mga additional items.
21:09Sa budget para sa 2025 nga,
21:1216.72 billion pesos para sa mga flood control project
21:16ang vinito o tinanggihan ng Pangulo.
21:20Sa kanyang State of the Nation address,
21:21nagbabala ang Pangulo sa Kongreso na tatanggihan niya
21:24ng buo ang anumang budget na naglalaman ng alokasyong
21:28hindi naayon sa National Expenditure Program.
21:32Para sa GMA Integrated News,
21:34Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
21:39Sous-titrage ST' 501
Recommended
3:11
|
Up next