Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Hanggang sa susunod na linggo maisusumite na raw ng Department of Public Works and Highways ang listahan at estado ng flood control projects sa nakalipas na tatlong taon, gaya ng ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos. Layon nito, malaman kung alin ang mga proyektong pinagkakitaan lamang ng mga tiwaling indibidwal.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Joseph Moro
00:30Sa mga nungurakot sa mga proyektong dapat ay pangontra sa baha, mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:38Mahiya naman kayo, lalo sa mga anak natin, na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo na binuksan nyo lang ang pera.
00:47Ayon kay Department of Public Works and Highway Secretary Manuel Bonoan, isusumintin nila hanggang sa susunod na linggo ang hinihinging listahan ng Pangulo ng mga flood control project sa nakalipas sa tatlong taon.
01:00Dito tutukuyin alin ang mga natapos na maayos at alin ang mga ghost project lamang.
01:05Status of completed projects, whether they are still standing or medyo ba na damaged, papakita namin it will be open to public.
01:14Sa pagsasiriksik ng GMA Integrated News Research, aabot sa isang trilyon ang budget ng DPWH para sa mga flood control projects base sa mga General Appropriations Act mula 2023 hanggang 2025.
01:29O lampas 300 billion pesos yan kada taon.
01:33Pero bakit pahapa rin?
01:37Sa 2023 COA Audit Report, sinabing may ilang foreign assisted flood control projects ang naaantala ang implementasyon.
01:45Tulad ng Pasig-Marikina River Channel Improvement Project na magpapalanin sana sa Pasig at Marikina River para hindi ito umapaw.
01:53Metro Manila Flood Management Project na magre-rehabilitate ng mga drainage system sa Kamaynilaan.
01:59Ang Cavite Industrial Area Flood Risk Management Project at Cagayan de Oro Flood Risk Management Project.
02:06Paliwanag ng DPWH sa antala ang ilang proyekto dahil na-delay o nabawasan ang pondo para rito.
02:13We have been already cautioned by the lending institutions actually because napapansin daw nila that the appropriations that we are putting into these projects are not adequate actually to sustain the momentum of implementation.
02:27Ayon sa DPWH, isa sa mga suliranin nila ay yung mga programa na hindi dumaan sa National Expenditure Program o NEP ng pamahalaan.
02:36Kumakain daw ito sa pondo ng ilang mga proyektong existing na dahilan para ma-delay ang ilan sa mga ito.
02:42Dapat kasi ang mga flood control project dadaan sa Regional Development Council na magre-recommendan ang proyekto sa DPWH.
02:51Na siya naman maglalagay nito sa proposed budget o national expenditure program na isusimite sa Kongreso.
02:58Pero ayon kay Bunuan, pagdating sa Kongreso...
03:01Maraming dagdag nga, yun ang sinasabi ng Presidente, maraming dagdag.
03:05Kung saan ang galing yan?
03:06Yeah, and to the detriment of the program of the President na hindi dumaan sa amin for betting o for preparation.
03:16Saan galing?
03:17Ito na nga yung pinag-uusapan na, alam mo naman, Congress has the power of the purse and dito na yung mga additional items.
03:25Sa budget para sa 2025 nga, 16.72 billion pesos para sa mga flood control project ang vinito o tinanggihan ng Pangulo.
03:36Sa kanyang State of the Nation address, nagbabala ang Pangulo sa Kongreso na tatanggihan niya ng buo ang anumang budget na naglalaman ng alokasyong hindi naaayon sa National Expenditure Program.
03:48Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
03:55Sa kanyang State of the Nation

Recommended