Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ticklo ang dalawang lalaking ng molestya at ng abuso umano ng dalawang menor de edad sa magkahiwalay na insidente.
00:08Nakatutok si John Consulta, exclusive.
00:21Pagkakuha ng timpre mula sa kanilang asset, agad tinungo ng District Special Operations Unit ng NPD ang kanilang pinakapakay sa kalokan.
00:30Ayun po, base po dun sa report na natanggap natin.
01:00Itong suspect natin yung nagtatago dito sa kalokan city.
01:05Sa hiwalay na operasyon, paspasang pinasok ng tracker team ng NPD ang bahay na ito sa probinsya ng Masbate.
01:13Inaresto ang suspect na may areswarat sa kasong rape dahil sa pang-abuso na naganap noon pang 2020.
01:19Ang victim niya po dito ay 12 years old.
01:22Very challenging itong pag-tugis sa mga suspect natin pero gustong-gusto kasi ni General Abad na makuha at madakip itong mga suspect natin para mabigyan ng hostisya yung ating mga biktima.
01:35Wala pang pahayag ang mga suspect na nakakulong ngayon sa Northern Police District.
01:40Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 horas.
01:46Bukod kay Dondon Patidongan, isa pang posibleng testigo sa missing Sabongeros case ang nagparamdam ng maghahayag ng mga nalalaman ayon sa National Police Commission.
02:08Nakatutok si June Veneracion.
02:09Kasunod ng paglantad ni Dondon Patidongan alias Totoy, isa pang testigo ang nagpadala ng filler kay National Police Commission Vice Chairman Rafael Kalinisan para maglahat din umano ng nalalaman sa kaso ng mga missing Sabongero.
02:27Mukhang malalim yung gusto kong lumapit eh. Mukhang malalim. So let's see. Sana nga matuloy.
02:35Very interesting yung story. In fact, yung umabot sa aking filler.
02:39Inaasahang makatutulong ito kung tugma sa mga nao ng sinabi ni Patidongan.
02:44Malupit yung sustansa niya. Malaga siya.
02:48Anyone who builds on the story of another, anyone who corroborates, I think builds on the credibility of that witness.
02:55Bukas naman ang pulisya na makipagtulungan sa investigasyon.
02:58Ang ilan sa labing limang pulis na idinawi ni Patidongan at nasa restrictive custody.
03:03That's one of the directions that we can take. If some of them will volunteer to be state businesses or they've decided to...
03:12But even without that, we can solve this case even without the cooperation of the suspect.
03:19Lieutenant Colonel ang may pinakamataas na ranggo sa labing limang pulis. Pero sabi ng NAPOLCOM.
03:24Ayaw ko magsalita ng tapos na Lieutenant Colonel lang. Kasi sa karera, simulang-simula pa lang ito eh.
03:31At let's just say, kung ikaw naman ang nag-iimbestiga dito, papapaisip ko eh. Doon lang ba ang level na yan?
03:41Di ba kaya meron pang mga involved dyan?
03:44Patuloy na nananawagal ang Justice Department sa iba pang sangkot at pinangalalan sa kaso na makipagtulungan.
03:50Marami sa kanila ang lumutang na aniya.
03:53There are other people who are actively getting in touch with the DOJ now who want to clear their names or who wish to cooperate.
04:00Para sa GMA Integrated News, June Venerasyon Nakatutok, 24 Horas.
04:06Tila may peking testigo umano sa kasong hinaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC ayon kay Vice President Sara Duterte.
04:15Ang pasehan niya ang nabasang salaysay ni alias Rene na nakasama nito sa isang safe house ang ilang tetestigo sa ICC.
04:23Nakatutok si Marisol Abduramad.
04:25Mula sa The Hague, Netherlands, may aligasyon si Vice President Sara Duterte tungkol sa mga ihaharap na saksi sa International Criminal Court laban sa amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
04:40Sabi ng vice, tila meron daw kasama dito mga peking witness.
04:44Ang kanyang basihan, ang nabasang muna niyang affidavit ni Michael Morello alias Rene, ang testigo inhirap sa Senado ni Senado Risa Ontiveros.
04:52Para din noon si Pastor Apollo Quibuloy at ang mag-amang Duterte.
04:56Pero kalaunan ay binawi ang kanyang mga sinabi sa pamamagitan ng isang video.
05:00Nabasa ko na yung affidavit niya bago pa man siya lumabas publicly.
05:07In fact, merong mga nakalagay doon na nakasama niya ang mga witnesses ko ng ICC doon sa isang bahay kung saan siya pinatirang ni Senado Ontiveros.
05:25Sinabihan ko din ng lawyer ni President Duterte noon na meron nga gano'n na statement yung witness against Pasto Quibuloy na ngayon ay nagsasabi na hindi totoo yung mga sinabi niya.
05:40Sinabi niya na nakasama niya sa tirahad, mga witnesses ng ICC.
05:47Aligasyon ni Morello, binayaran umano siya noon para humarap sa pagdinig ng Senado, kaugnay ng mga pangaabuso umano ng pastor.
05:54Sabi ng BICE, seryoso ang ligasyon kaya dapat daw maghahin ng kaso si Morello.
06:00It should be answered no, clearly kung ano ba talaga ang nangyari.
06:07And kung sa tingin ni Alias Rene na dapat siya ay mag-file din ng kaso, ay dapat gawin niya din yun.
06:14Para nasasabi niya yung totoo sa loob ng korte at nakakasagot din ang maayos yung mga akusado sa loob din ng korte.
06:25Sa isang pahayag, sinabi ni Ontiveros na pinaninindigan niya ang kanyang mga sinabing kasinungalingan ang mga sinabi ng Morello sa video.
06:32Kung meron daw bagong affidavit si Morello na naglalaman ng mga kasinungalingan laban sa kanya at mga biktima ni Kibuloy, sa tingin niya maaari siyang kasuhan ng perjury.
06:42Gusto rin malaman ni Ontiveros kung paano nakuha ni BP Sara ang salaysa ni Morello bago pa ilabas ang kanyang video na tinawag niyang fake news.
06:51Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, nakatuto, 24 oras.
07:02Alamin po natin ang magiging lagay ng panahon at kung hanggang kailan ang malalakas na ulan.
07:08Makakasama natin ang weather presenter ng GMA Integrated News Weather Center na si Amor La Rosa.
07:14Amor.
07:15Salamat Vicky, mga kapuso. Posibling maulit pa rin po yung mga pagulan sa ilang bahagi ng ating bansa ngayong gabi at sa mga susunod na araw.
07:26Nakamonitor pa rin po ang pag-asa sa sama ng panahon sa paligid po ng ating bansa.
07:30Suunahin po natin yung dating Bagyong Bising o yung may international name na Danas.
07:35Bahagya pong bumababa yung paghilos po niyan pa east-south-east po ito sa bilis na 10 km per hour.
07:42Bagamat medyo malapit na po ulit dito sa bahagi po ng Taiwan, ay naman po sa pag-asa ay mababa naman po yung tsansa na pumasok ulit yan dito sa ating Philippine Area of Responsibility.
07:53Yun namang low-pressure area o LPA sa silangan po ng PAR, mas mababa na po ang tsansa ngayon na ma-develop bilang isang bagyo.
08:01Huli po yung namataan, 1,655 km east-northeast ng Basko Batanes.
08:07Paliwanag po ng pag-asa, bahagya pong nai-impluensyahan ng mga weather disturbance, yung hanging habagat o yung southwest monsoon, kaya po patuloy rin po yung epekto niyan dito sa Pilipinas.
08:18Mga kapuso, yung habagat po ay binubuo ng hangin galing po dito sa may southwest o timog kanluran at warm and moist po yung katangian nito.
08:27Dahil marami po itong moisture, very favorable po yan sa pagkakabuo ng mga kaulapan, kaya po nagdadala rin po yan ng mga pag-ulan, gaya po nang nararanasan ngayon sa ilang bahagi ng bansa.
08:38Bukod po dyan, patuloy rin po minomonitor yung kumpol ng mga ula po cloud cluster dito po yan sa silangan ng Taiwan na posible rin mabuo bilang bagong LPA ayon po sa pag-asa.
08:49Dahil po sa habaga, tuulan rin pa rin ang ilang bahagi ng ating bansa. Base po dito sa datos ng metro weather, ngayong gabi posible pa rin yung mga pag-ulan sa ilang bahagi po ng Ilocos Region,
09:00ganoon din sa May Zambales, Bataan, iba pang bahagi po ng Central Luzon, Calabar Zone, Mimaropa, ganoon din dito sa ilang lugar sa Western Visayas at pati na rin sa May Zamboanga Peninsula.
09:12Pusible rin po ang mga pag-ulan sa ilang lungso dito po sa Metro Manila, gaya po nang naranasan natin kagabi, kaya dobli ingat.
09:20Kinaumagahan naman, may mga kalat-kalat na ulan pa rin po, lalong-lalong na dito sa Western Sections po ng Luzon.
09:25Kasama po dyan ang Ilocos Region, pababa po dito hanggang sa Mimaropa, kasama po dito ang Mindoro at ganoon din ang Palawan.
09:33Halos buong Luzon na po ang uulanin bukas ng hapon. May mga malalakas sa pag-ulan dito po yan sa May Cagayan Valley, pati na rin sa Ilocos Region,
09:41ilang lugar dito sa May Central Luzon, Mimaropa at meron na rin po mga pag-ulan sa ilang bahagi naman ng Bicol Region at Calabar Zone.
09:50Pusible rin po ang ulan sa Metro Manila bukas bago po magtanghali ay meron po tayong mga nakikita mga pag-ulan na.
09:55At pwede po yung maulit sa hapon o kaya naman po ay sa gabi, kaya panatilihin po ang pag-monitor sa advisories ng pag-asa.
10:04May mga pag-ulan din po sa Visayas at Mindanao bukas, meron po tayong nakikita, lalong-lalo na po pagsapit ng hapon.
10:10Pusible po yung mga malalakas na ulan dito po yan sa Western Visayas, Negros Island Region at malaking bahagi po ng Mindanao.
10:17Nakikita po natin, meron po mga heavy to intense rains na pusible pa rin po magdulot ng mga pagbaha o pag-uhuna lupa.
10:24At para po sa mga nagtatanong hanggang kailan nga ba itong mga pag-ulan, ayon po sa pag-asa,
10:28posible po maranasan pa rin natin ang epekto ng habagat hanggang sa biyernes.
10:33Pero patuloy po natin niyang imonitor.
10:36Yan muna ang latest sa lagyan ng ating panahon.
10:38Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
10:46Hanggang bewang naman ang baha sa ilang lugar sa Baco or Cavite sa lakas ng ulan kagabi.
10:51May residente pang ang nakagat ng daga. Nakatutok si Jomer Apresto.
10:55Hindi nag-aano kalalim ang baha sa Mambong 4 sa Baco or Cavite pasado alas dos ng madaling araw kanina.
11:06Pero umabot hanggang bewang ang lalim ng tubig rito kagabi kaya hindi nakadaan ang mga sasakyan.
11:11Ang naka-e-bike na ito, nag-aalangan pang dumaan kahit hindi na ganon kalalim ang tubig.
11:16Naabutan naman namin ang tricycle driver na si Tonton na nagkawang gawa ng magtanggal ng mga nakabarambasura mula sa drainage.
11:23Kasi barado na po eh. Para mabis po bumaba yung tubig.
11:29Ang 32 years old naman na si Jomar nakagat ng daga kagabi.
11:34Naninigarilyo ako dito. Kinagat na lang akong bigla.
11:38Laki ng daga eh. Lumalaban sa tao eh.
11:40Agad naman daw siyang magpapaturok ng anti-rabies.
11:43Sa kasagsagan ng baha, naabutan din namin ang lalaking ito na may napulot pang plaka ng sasakyan.
11:49Madalas rao mayroong nalalaglag na plaka dito lalo kapag mataas ang baha.
11:53Isinasabit naman nila ito sa poste para agad makita na mga may-ari ng plaka.
11:58Napasilip pa ang lalaking ito dahil nalaglagan din daw pala siya ng plaka kagabi.
12:02Pero bigo siya na makita ang ganyang plaka.
12:0510pm po. Mga hanggang bewang po yung baha simula dito.
12:09So alam ko kaya naman ang pickup ko eh.
12:11Kaya dinaan ko siya.
12:13At nalabas sa atin pag-uwi ko ngayon, napansin ko wala na yung harapan na plaka ko.
12:18Sabi ng mga residente, matagal na nilang problema ang baha sa bahaging ito ng Mambog Road.
12:23Kaunting ulan lang kasi, mabilis na tumaas ang tubig.
12:26Kaya ang karamihan ng mga residente rito,
12:28naglalagay ng mga sandbags sa labas para hindi pasukin ang loob ng kanilang bahay.
12:33Bukod sa Mambog, mataas rin ang baha sa bahagi ng Bayanan Road,
12:37kung saan nag-aalangan dumaan ang mga motorista.
12:40Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
12:46Nagsampa ng reklamong child abuse ang PWD na pinugbog at kinuryente sa isang bus
12:52laban sa driver, konduktor at pasahero nitong security guard.
12:57Siya rin ang PWD na nangagat umano ng konduktor sa isa pang bus sa Elsa Carousel
13:03na inaimbestigahan ng Department of Transportation.
13:06Nakatutok si Joseph Moro.
13:10Sinamahan ng Department of Transportation para maghain ng reklamo sa Makati City Fiscal's Office
13:17ang 25-anyos na person with disability na binugbog sa loob ng bus at tinaser pa.
13:23Binigyan ng abogado ng DOTR ang kanyang pamilya para makapaghain ng reklamong child abuse
13:31laban sa driver at konduktor ng bus na umunay kasama sa mga nanakit.
13:35Under the law, there is also that word neglect.
13:39And then also, it also includes yung failure to provide immediate medical treatment.
13:44Pinabayaan nila, nakita nila na binubugbog.
13:48Nauna ng itinanggi ng driver at konduktor ang paratang.
13:51Pero ang pasaherong security guard na siya umunong gumamit ng taser o panguryente,
13:56sabit din sa asunto.
13:57Ayon sa DOTR, nakilala siya dahil nahagip siya sa video na siya rin pala ang kumukuha.
14:03Tadtad daw ng taser mark ang biktima.
14:05May taser mark siya sa ulo, may taser mark siya sa paa, may taser mark siya sa katawan.
14:11Hinahanap din ang DOTR ang iba pang pasaherong nang bugbog sa biktima.
14:15Ayon sa Transportation Department, child abuse.
14:18Ang inihain nilang reklamo, batay na rin sa mental na kapasidad ng biktima.
14:22Yun ang recommendation ng lawyers kasi even if above, I think, 23 years old, I think, or 25 years old,
14:29ang kanyang mental state is that of a 13 or 12 year old.
14:33So under our laws, child abuse is the correct case to be filed.
14:39Mas mabigat ang kaso ng child abuse kasi presyon mayor, almost 6 years ang parusa dito.
14:44Pero kung physical injury lang ito, ay hindi yan naabot kahit na isang buwan.
14:53Iniimbestigahan naman ng DOTR ang ikalawang insidente nitong biyernes
14:57kung saan nangagat umano ulit ang biktima ng isang konduktor ng bus
15:01habang sakay ulit ito sa EDSA bus carousel.
15:03The first incident is a clear incident of abuse.
15:09Kasi nakita lang natin na CCTV footage yung nangagat.
15:13Hindi natin nakita pa yung nangyari before that.
15:16Paliwanag ng kanyang pamilya, pinapayagan nilang gumala ang biktima.
15:20Pag may sinabi naman po siya na oras, ando na po siya.
15:24Tapos susundoyin po ng kuya niya minsan pag nasa school po yung kuya niya,
15:29nagkocommute po siya.
15:30Ang kailangan nga po natin ay mas inclusive ang ating society.
15:34Hindi po sagot ang pagkulong sa kanila sa kanilang bahay
15:37kasi mas nakakasira po ito sa kanilang pangkalahatang pagkatao.
15:42Ang mga may kapansanan po ay gaya din po natin.
15:44May karapatan po sila na mag-travel.
15:47May karapatan po sila na ma-enjoy ang ating serviso ng ating gobyerno.
15:52Bukod sa DOTR, tinutulungan na rin ng Department of Social Welfare and Development of DSWD
15:58ang biktima at ang kanyang pamilya.
16:00Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
16:06Isang dinarayong beach sa Zambales ang mayaman sa natural hydrogen gas.
16:11Ayon sa isang pag-aaral.
16:14Kaya naman maaari itong magamit sa produksyon ng kuryente.
16:18Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
16:23Dahil sa ganda ng tanawin,
16:25madalas dayuhin ang nagsasab beach sa San Antonio Zambales lalo na kapag tag-init.
16:31Pero kamakailan, ay denyo rin ito ng ilang researcher para sa native hydrogen
16:37ayon sa Department of Energy.
16:39Lumabas kasi sa pag-aaral ng mga eksperto na may mataas na natural hydrogen gas sip
16:45sa San Antonio na magagamit sa produksyon ng enerhiya.
16:50Binisita rin ng researchers ang Pangasinan.
16:53The DOE technical team conducted field assessment in the Mangatarem hot spring in Pangasinan
17:00and the Botulan hot spring in Nagsasa Sips in Zambales.
17:05Pag-ahanda rin ito lalot inaabangan ang pagpirma ni Pangulong Marcos sa service contract
17:11para sa native hydrogen exploration na bahagi ng paghahanap ng mapagkukuna ng kuryente sa bansa.
17:19Sa parehong press conference ng Energy Department,
17:22ay tinanong din kung meron bang kartel sa oil industry sa bansa.
17:26Bagamat aminadong halos pare-pareho ang mga oil price adjustment ayon sa Energy Department.
17:33If you look at some of the competition ng mga oil companies, pare-pareho yung adjustment
17:38because isa lang yung tinitignan natin, yung benchmark natin,
17:41the Mino Plus Singapore for the biggest petroleum products and Dubai crude.
17:45I would not say that there is no cartel.
17:50Who they are, that is something to confirm.
17:53I do believe that there are still players na hindi pa playing according to the rules.
17:59There are still distortions in the reporting.
18:02Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, nakatutok 24 oras.
18:09Posibling inip na ang taong bayan sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte
18:14at naimpluensyan sila ng mga tatayong Senator Judge.
18:18Yan po ang basa ng ilang House Prosecutor,
18:21kaugnay ng resulta ng survey sa sentimiento ng publiko sa impeachment.
18:26Nakatutok si Tina Panginiban Perez.
18:28Dalawang punto ang lumabas sa pinakahuling non-commissioned survey
18:35ng social weather stations.
18:36Una, mas marami ang 42% na hindi sang-ayon sa impeachment complaint
18:41kumpara sa 32% na sang-ayon.
18:45At pangalawa, mas marami ang 44% na naniniwalang sadyang dinidelay
18:50ng Senato ang impeachment proceedings
18:52kumpara sa 25% na hindi naniniwalang pinatatagal yan.
18:57Paniwala ng isang House impeachment prosecutor,
19:00posibleng naiinip na ang taong bayan
19:03at naiimpluensyahan ang mga sinasabi ng ilang Sen. Judge.
19:07I think with our interpretation of the word forthwith,
19:12medyo na-frustrate ang ating mga kababayan
19:15that we did not proceed right away to trial.
19:18Hindi natin po pwedeng panghawakan yung survey na yan
19:22dahil napakadami pa rin talagang undecided
19:25at gustong makita kung ano talaga yung nilalaman na ebidensya.
19:30Ayon sa ilang kongresista,
19:33ano man ang resulta ng survey,
19:34kailangang idaos pa rin ang impeachment trial.
19:37At naniniwala silang makukumbinsi nila
19:40ang mga kontra sa impeachment
19:42na magbago ng posisyon
19:43kapag nailatag na ng House Prosecution Panel
19:46ang mga ebidensya sa impeachment trial.
19:51Kapag nandyan na yung ebidensya,
19:53nananalig kami, umaasa kami,
19:56na maiiba yung pananaw ng mga nagsasabi na yan
19:59na hindi nila gusto ang impeachment.
20:02Nai-impluensyahan din yan ng komento
20:05ng ilang mga senator judges
20:07na in the first place,
20:09hindi dapat sila nagbibigay ng mga komento.
20:11Pero si Senador Bato de la Rosa,
20:13natatayong impeachment judge,
20:15balak pang kwestyonin ang jurisdiksyo ng Senado.
20:18Siguro, pinakaulang mosyon ko is to determine
20:22whether or not the Senate of the 28th Congress
20:27is willing to be bound by the actions
20:32of the previous Senate.
20:35Yun lang ang tanongin ko,
20:35para mas hitil natin yung issue on jurisdiction.
20:38Sabi tuloy ng ilang kongresista.
20:41If they're so confident about the survey,
20:44then why are they still pushing for dismissal
20:46of the impeachment case?
20:50Para sa GMA Integrated News,
20:52Tina Pangaliban Perez,
20:54Nakatuto, 24 Horas.
20:57Short but sweet ang naging Japan trip
21:02ni nakapuso couple Ruru Madrid at Bianco Valley.
21:05Sinulit yan dahil bihina raw silang mag-out of town
21:08due to their own projects.
21:10At katunayan yan,
21:11may work na muli si Ruru after lolong season 2.
21:15May chika si Athene Imperial.
21:20Nagpunta sa Japan si Ruru Madrid
21:22to have a break from his work and projects.
21:24Gusto raw niyang i-enjoy ang fruits of his hard work
21:27after ng success ng GMA Prime series niyang lolong,
21:31Pangil ng Maynila.
21:32Gin-rob na rin daw itong opportunity ni Ruru
21:34para makapag-quality time with girlfriend
21:37na si Bianca Umali,
21:38na no ay nasa Japan din for work.
21:40Bitin kasi parang sumunod lang ako kay Bianca dun
21:44parang nag-extend siya for 3 days.
21:46So 3 days lang ako nasa Japan.
21:47Sobrang nag-enjoy pa rin kahit pa paano
21:50because it's my first time din na maikot ang Osaka.
21:54So nakapag-dotonbori kami.
21:56Kumain ako ng mga ilang beses sa ramen.
22:01Siguro yun naman din talaga
22:02pagka nasa Japan ka food trip.
22:04Di mo talaga isipin yung diet.
22:05Pagbalik naman sa Pilipinas,
22:07back to work agad si Ruru.
22:09Thankful ang sparkle actor
22:10sa tiwala ng long-time bread collabs niya.
22:13So it's been 10 years
22:15at parang every year lagi nadadagdagan
22:18yung pagmamahal at tiwala nila sa akin.
22:22Ito naman din talaga yung gusto kong dalin
22:25like kahit saan ako mapunta
22:27you know to represent our country,
22:30mahalin yung sariling atin,
22:32love local.
22:33Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings.

Recommended