- yesterday
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Maginahapon po, nag-amok at namaril ang isang umanoy retiradong miyembro ng Philippine Marines sa Caloocan City
00:09at ang kanyang pinag-initan ang mga naabutan niyang nakatambay.
00:13Sugatan ang kanyang kaibigan na tinamaan ng bala ng umawat. Nakatutok si Bea Pinlak.
00:21Pauwi mula sa inuman sa barangay 8, Caloocan ang 59 anyos na lalaking ito kasama ang kanyang kaibigan.
00:27Napatigil sila sa gitna ng kalsada, nang tila na pag-initan ng lalaki ang ilang nakatambay roon.
00:34Pilit naman siyang inawat ng kanyang kaibigan.
00:38Ang lalaki na retiradong miyembro umano ng Philippine Marines, armado na pala ng baril habang nag-aamok.
00:45Adik ka? Okay ka lang yan? Okay ka lang po ba?
00:49Adik kong inugan ko rito.
00:52Adik ka ba?
00:54Hindi nagpaawat ang sospek na winasiwas pa ang kanyang baril.
00:59Maya-maya, kinasa na niya ito.
01:01At saka umalingaungaw ang sunod-sunod na putok ng baril.
01:08Nagtakbuhan ang ilang nakaalita ng sospek pati ang kanyang kaibigan.
01:12Muli pang nagpaputok ng baril ang sospek.
01:15Nadaanan niya itong mga kabataan na ito na kumakain sa isang karindirya.
01:19At sinita niya ito.
01:22Sabi niya ay napagkamalan niya itong mga adik.
01:25So nasagot siya ng isa sa isang kabataan.
01:28At yung po ang dahilan upang bumunot ng baril itong sospek natin.
01:32At bigla na lang po silang pinutukan.
01:35Dinala sa ospital ang kaibigan ng sospek na umawat sa kanya matapos itong tamaan.
01:40Pinamaan po sa ita.
01:41The place lang naman po ito kaya pinauwi rin po siya sa bahay.
01:45Naaresto ang sospek sa kanyang bahay.
01:48Dahil nakainom at armado pa ng baril ang sospek.
01:51Nagpanggap po akong barangay kagawad.
01:54At sinabi ko kung mayroon siyang reklamo na kailangan ayusin.
01:57So naniwala naman po siya.
01:59At pag bukas niya po ng gate, yun na po.
02:03Nadaatmako na po siya at nagpambuno kami.
02:05At naaresto na po namin.
02:07Sundalo ka!
02:09Minura mo pa kami ha!
02:11Narecover din ang baril na ginamit niya sa krimen.
02:14Nang kuhanan namin ng panigang sospek,
02:19ayon sa pulisya, hindi na siya inireklamo ng kanyang kaibigan.
02:23Pero may kinakakarap pa rin siyang reklamong attempted homicide at alarms and scandal.
02:28Para sa GMA Integrated News,
02:31Bea Pinlak, nakatutok 24 oras.
02:38Pinagpapaliwanag ng toll regulatory board ang pamunaan ng North Luzon Expressway
02:42kagno'y sa matinding pagbaha sa NLEX
02:44na naging sanhinang ilang oras na pagkastranded ng mga motorista.
02:48Ang sabi po ng NLEX, may mga ginagawa rin silang hakbang para maywasan itong maulit.
02:54Nakatutok si Darlene Kai.
02:56Dahil sa magdamag na malakas na buhos ng ulan,
03:05unti-unting tumaas ang baha sa NLEX malintawak southbound sa North Luzon Expressway noong lunes.
03:11At humaba na rin ang humaba ang pila ng mga sasakyan.
03:15Dahil sa matinding baha, ilang bahagi ng NLEX ang hindi madaanan.
03:19Mahigit anim na oras stranded ang mga motorista dahil sa magdamag na walang galawan.
03:25Naglabas ang Tool Regulatory Board ng Show Cost Order sa NLEX Corporation
03:30para ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat patawa ng administrative sanctions
03:34kaugnay ng matinding baha.
03:37Sabi ng TRB, mayo pa lang daw ay nagpaalala na sila sa tool operators na maghanda para sa tag-ulan.
03:44Gusto natin magaman, ano ba nangyari? Ano ba ang problema?
03:47Magaman natin kung anong problema para tugong-tugong tayong masogusyonan yung mga problema.
03:52Bahagi raw ito ng imbesigasyon ng DOTR para malaman kung paano sosolusyonan ang pagtaas ng tubig sa NLEX
03:57kapag tuloy-tuloy at malakas ang ulan.
04:01Sabi ng NLEX Corporation, nagpadala na sila ng sagot sa TRB.
04:04Nag-inspeksyon din ang NLEX team sa mga ilog at estero na nagsisilbing labasan ng tubig
04:09mula sa mga pumping station ng expressway, pati sa water pumping stations.
04:13Sinusuportahan daw ni Valenzuela Mayor West Gatchalian ang pagtutulungan sa pangmatagalang solusyon sa pagbaha sa NLEX.
04:20Sana raw magkaroon ng programa sa flood control ng NLEX.
04:23Kami alone inside our city, we're already fixing our issues.
04:28So what more sa kanila, di ba, na binabato na lang yung problema sa LG.
04:33They have more expertise, they're a bigger company with more resources.
04:38So I expect more from them.
04:40Winner by default si PNP Chief General Nicolás Torres sa kanilang boxing match
04:53ni Davao City Acting Mayor Baste Duterte na hindi dumating.
04:57Pero giyinti Duterte, hindi naman niya hinamon si Torre.
05:01Nakatotok si Katrina Zon.
05:02Nag-hiyawan ang mga tao sa Rizal Memorial Coliseum nang lumabas si PNP Chief General Nicolás Torres III.
05:13Suot ang kanyang pulang boxing jersey at gloves.
05:16Handa na para sa boxing match nila ni Davao City Acting Mayor Baste Duterte.
05:22Maya-maya, nag-countdown.
05:25At nang matapos ang bilang at wala si Duterte.
05:28Winner by default si Torre dahil sa hindi pagdating ni Duterte.
05:35May mga statements na rin siya na hindi na rin darating.
05:37Kaya itunuloy na lang natin sapagkat marami ang nagbayad.
05:41Marami ang nagbayad.
05:42We nakalikom na ng mga 350,000 sa gates.
05:45So we have to show up and give the people what they expect.
05:52Ayon pa kay Chief PNP Nicolás Torres na ito na raw ang huling beses na papatol siya
05:56sa hamon ni Acting Mayor Baste Duterte.
06:00Pagbibigay din din niya na pinatulan lamang niya ang boxing match
06:04dahil gusto niya makalikom ng pondo para makatulong sa mga kababayan natin
06:08na nasalantaan ng sunod-sunod na bagyo.
06:11Ayon kay Torre, 16.3 million na cash donation ang nalikom sa event.
06:17May donasyon pa raw na isang truck ng mga bigas at delata.
06:20Nagbigay rin si boxing champ man ni Pacquiao ng belt para i-auction.
06:24Dagdag ni Torre, walaan niya silang nagastos sa event.
06:29Matapos niyan ay nagpunta siya sa Baseco para mamigay ng ayuda.
06:33Inorganisa ni Torre ang laban matapos ang pahayag na ito ni Duterte noong nakaraang linggo.
06:38Kasi matapang ka lang naman, we have the position eh.
06:41Pero kung suntukan tayo, arat kumakaya bitas.
06:44Pero sabi ni Duterte sa kanyang bagong podcast.
06:48Hindi naman kita hinamon.
06:49Sinabi ko talaga, pag nagsuntukan tayo, babogbog kita.
06:53Nauna nang sinabi ni Duterte na hindi siya makakapunta ngayong linggo dahil may mga gagawin siya.
07:00Pwede raw sana siya kung sa Martes o Mierkules ng susunod na linggo.
07:05Pwede raw sana siya kung sa Martes o Mierkules ng susunod na linggo.
07:09Sabi ni Torre, hindi raw niya mahihintay ang schedule ni Baste.
07:14Lalo't marami rin anya siyang trabaho.
07:16Katrina Son, nakatutok.
07:1924 oras.
07:20Tingin na ilang retiradong maestrado ng Korte Suprema,
07:25taliwas sa umiiral na patakaran ang desisyon ng Korte Suprema
07:29kagno'y sa impeachment complaint labang kay Vice President Sara Duterte.
07:33Hindi raw maaring basta ipatupad na lamang ng Korte Suprema
07:36ang anilay mga bagong patakaran.
07:39Nakatutok si Joseph Moro.
07:41Ang pagdismissdown ng House of Representatives sa tatlong naon ng impeachment complaint
07:49ang dahilan kung bakit pawal na ang paghahain ng ikaapat na impeachment complaint
07:54na nasa Senado ngayon laban kay Vice President Sara Duterte.
07:57Sa desisyon ng Korte noong biyernes na isinulat ni Supreme Court Associate Justice Marvick Lohnen,
08:04magsisimula ang one-year bar mula sa inisiyasyon o pagsisimula ng isang impeachment complaint
08:09kung hindi inaksyonan o kapag dinismiss o kaya'y bagyang naaksyonan o partially acted upon.
08:17December 2024 may inihain tatlong impeachment complaint pero in-archive ito ng Kamara
08:22at pinaburan ang ikaapat na complaint na siyang pinagbotohan ng mayorya at iniakyat sa Senado.
08:29Sabi ng Korte Suprema, binigyang prioridad dapat ng Kamara ang mga naunang reklamo.
08:34Ang pagdismiss daw sa mga ito pabor sa ikaapat na complaint ay nag-trigger o nagpagana sa one-year bar
08:42Sa separate concurring opinion ni Associate Justice Rodil Salameda,
08:46ang hindi raw pag-aksyon ng Kamara sa tatlong naon ng complaint ay nagsalbah kay Duterte
08:51para hindi na sumagot sa mga aligasyon laban sa kanya.
08:56Dagdag pa ng Korte, nilabag ng Kamara ang karapatan ng vice para sa due process.
09:00Dahil sa isinulat na yung sagot ng Kamara, kinumpirma nitong hindi raw nabigyan ang pagkakataon ng vice
09:07na marinig tungkol sa mga ebidensya laban sa kanya.
09:11Sabi ng Kamara, hindi na ito kailangan sa ilalim ng konstitusyon.
09:15Sabi ng Korte, ang pagkiling sa ikaapat na complaint at paglabag sa karapatan ni Duterte
09:20grave abuse of discretion o pag-abuso sa kapangyarihan ng Kamara.
09:25Kaya void ab initio o walang visa mula sa simula pa lamang ang articles of impeachment na nasa Senado.
09:32Hindi raw ito magagamit ng Senado sa impeachment.
09:36Pero sabi rin ng Korte, hindi nila inaabswelto si Duterte sa mga aligasyon.
09:41Ang unamang desisyon daw ay makakamit lamang sa pamamagitan ng isa pang impeachment process na didinggin at lahatulan ng Senado.
09:48Pero para kay dating Supreme Court Associate Justice Adolf Azcuna, tila nagbigay ng bagong depenisyon ng Korte kung kailan nagsisimula ang isang impeachment case na taliwas sa umiiral ngayong patakaran.
10:01Sa ngayon kasi, batay sa desisyon ng Korte sa Francisco Jr. v. House of Representatives noong 2003,
10:08itinuturing na initiated ang isang impeachment complaint kapag nailagay na ito sa order of business ng Kamara at ni-refer sa komite.
10:16Pero sa bagoan niyang depenisyon, batay sa desisyon ng Korte Suprema,
10:20maituturing na rin na nasimula ng isang impeachment complaint kapag hindi ito na-refer sa komite, dinismiss o inarchive tulad ng nangyari sa tatlong naon ng reklamo.
10:30Apelan ni Azcuna sa Korte Suprema, ituring na valid o may visa ang mga aksyon na nakaayon sa dating depenisyon sa ilalim ng Doctrine of Operative Facts
10:41at gamitin na lamang ang bagong depenisyon sa mga susunod na kaso.
10:45Ganito rin ang pananaw ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.
10:49Ang ginagawa ng Supreme Court, riniretroact nila to this case.
10:54Wala rin daw pagdinig na hinihingi ang unang depenisyon sa mga impeachment complaint na pinagbotohan ng mayorya.
11:23Ang sabi niya hinihingi ng Supreme Court, it cannot be an ex-party hearing. It has to be an actual hearing. That will require time.
11:33Para kay dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, maaaring umapela ang kamara sa Korte Suprema para maitama ang mga umunoy pagkakamaling ito.
11:42I think out of courtesy naman to the Supreme Court, itay nila yung motion for reconsideration.
11:49Let's give the Supreme Court an opportunity to correct itself.
11:53So kahit na unanimous sila, we can point out na first of all, meron namang approval.
12:01Maaaring nalabag din daw ang karapatan ng kamara.
12:04That's normally the case, no? Dapat may oral argument. In this case, there are two petitions sa Supreme Court, kay VP Sara at saka kay Atenitor yun.
12:16The House was never made to comment. Kasi pag you were not heard through a comment, through an answer, walang due process yun eh.
12:24Ito, walang order for the House to comment.
12:27Para kay retired Chief Justice Artemio, panganiban, respetuhin daw ang desisyon ng Korte Suprema pabor man ang publiko dito o hindi.
12:35Pero maaari para umapela o humingi ng klarifikasyon ang kamara.
12:40Kung siya lamang daw sa halip na tila, magmadali maglabas ng desisyon, dapat daw nag-issue muna ng status quo order ang korte
12:46o huwag muna dinggin ang Senado ang impeachment complaint habang may dinidinig na petisyon.
12:51Sana rin daw nagsagawa ng oral arguments para rito bago nagkabotohan.
12:55Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Recommended
13:58
10:44