- today
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00.
00:00Mananagot ang mga nangurakot sa mga palyado at guni-guning flood control project.
00:14Pabalaya ni Pangulong Bongbong Marcos matapos bahain ng batikos ang pamahalaan sa gitna ng malawakang bahakamakailan.
00:22Ang iba pang iniulat ng Pangulo sa ikaapat niyang State of the Nation address sa report ni Ivan Mayrina.
00:31Kakabit ang tadhana ng Pilipinas tuwing tagulan ang malunod sa kabikabilang baha.
00:36Ngunit tila lumalayan sa mga bagyo at habagat kamakailan.
00:39May mga pinondohan namang proyekto para panlaban sa baha.
00:42Pero sa pag-iikot daw ni Pangulong Marcos sa mga nagdaang araw,
00:45naging malinaro sa kanyang may flood control projects na kahit bilyong-bilyong piso ang pondo ay palpak naman o kaya tila guni-guni lang.
00:54Sa kanyang State of the Nation address isinumbat ng Pangulo ang korupsyon sa mga nasabing proyekto.
00:59Sa mga nakikipagsabwatan upang kunin ang pondo ng bayan at nakawin ang kinabukasan ng ating mga mamamaya.
01:07Mahiya naman kayo sa inyong kapo Pilipino.
01:10Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa mga pagbaha.
01:27Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo na binuksan nyo lang ang pera.
01:36Inatasan ng Pangulong DPWH na magsumitin ang listahan ng lahat ng flood control projects sa nakalipas sa tatlong taon.
01:45Ilalathala ang listahan para malaman ng publiko kung sino ang mga dapat managot.
01:50Sa mga susunod na buwan, makakasuhan ang lahat ng mga lalabas na may sala mula sa investigasyon.
01:57Pati na ang mga kasabwat na kontratista sa buong bansa.
02:02Kung sa 2025 national budget, ilang flood control projects na isiningit ang binito o tinagal ng Pangulo.
02:09Sa 2026 budget, mas magihigpit daw ang Pangulo.
02:12For the 2026 national budget, I will return any proposed general appropriations bill
02:20that is not fully aligned with the national expenditure program.
02:24And further, I am willing to do this even if we end up with a re-enacted budget.
02:47Bukod sa problema sa tubigbaha, pinalutang din ang Pangulo ang problema ng ilang water customer.
02:52Titiyakin ng luwa na may lalagay na sa ayos ang servisyo ng tubig
02:58ng milyong-milyong nating mga kababayan at gawin mas abot kaya naman ang presyo.
03:04Higit sa lahat, titiyakin natin mapapanagot ang mga nagpabaya
03:08at nagkulang sa mahalagang servisyong publiko na ito.
03:14Sa kaso ng mga nawawalang sabongero, tiniyak din ang Pangulo na pananagutin ang nasa likod nito.
03:19Ha-habulin at pananagutin natin ang mga utak at mga sangkot si billion man o opisyal.
03:25Kahit malakas, mabigat o mayaman, hindi sila mangingiwabaw sa batas.
03:41Positib siya bo.
03:43Sa kanyang administrasyon naman daw, mas nakatoon ang kampanya kontra-droga
03:47sa mga naaresto at nasasamsam na kontrabando.
03:50Sa tatlong taon lamang, halos mapantayan na ang kabuwang huli nung nakaraang administrasyon.
03:57Sa kabila ng mga ito, tila nagbabalikan daw ang mga pusher.
04:02Kaya patuloy ang ating mga operasyon laban sa mga drug dealer,
04:06sila man ay big time o small time.
04:09Binanggiti ng Pangulo ang pinalawak ng mga programa ng PhilHealth
04:12at ang mga pasyenteng magpapagamot sa mga ospital na hawak ng Department of Health,
04:18wala na raw mabayaran.
04:19Itinuloy na po natin ang zero balance billing. Libre po.
04:30Ibig sabihin, ang servisyo sa basic accommodation sa ating mga DOH na ospital,
04:38wala nang babayaran ang pasyente dahil bayad na ang bill ninyo.
04:45Mas pinigting din daw ang suporta ng administrasyon sa sektor ng sports
04:50at matapos ibida ang mga atletang Pinoy.
04:53Sumut-sunood sila sa yapak ng ating mga kampiyon at world-class na atlet
04:58tulad ni Sen. Manny Pacquiao, ni Heideline Diaz, ni Caloy Yulo.
05:04Naisingit pa ng Pangulo ang boxing match sana ni na PNP Chief Nicolás Tore
05:09at Davao City Acting Mayor Baste Duterte.
05:12Sama na rin natin yung bago nating kampiyon si PNP Chief Eran Niktora.
05:16Ang bunga ng Pangulo sa kanyang talumpati.
05:42I-pinarating ng mga botante sa eleksyon 2025 ang kanilang disgusto sa mga nanunungkulan.
05:49Ang leksyon sa atin ay simple lamang.
05:52Kailangan pa natin mas lalong galingan.
05:55Kailangan pa natin mas lalong bilisan.
05:58Sa mga matitinding hamon na binabato at hinaharang ng ating mundo ngayon,
06:03nasa likod ninyo ang pamahalaan.
06:06At huwag tayong matakot.
06:08Huwag tayong titiklo.
06:09Huwag tayong mawawalan ng pag-asa.
06:13Dahil ang Pilipino ay likas na matapang, magaling, masipag, matibay at mabuti.
06:22Ivan Mayrina nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:27Ibinida rin ni Pangulong Bongbong Marcos ang ilan sa mga napagtagumpaya ng kanyang administrasyon sa nakalipas na tatlong taon.
06:35Partikular na binanggit ng Pangulo ang 20 pesos na bigas na mabibili na sa lahat ng kadiwa centers sa buong bansa.
06:42Sabi ng Pangulo, dapat tunayan ang kanyang administrasyon ng 20 pesos kada kilo na bigas nang hindi malulugi ang mga magsasaka.
06:49Nagbanta rin ang Pangulo na habuli ng mga magsasamantala sa presyo ng bigas.
06:55Pinabibilisan na rin daw niya sa Department of Agrarian Reform ang pamahagi ng CLOA o Certificate of Land Ownership Award at E-Title bilang patunay na wala ng utang ang mga beneficiary ng reforma sa lupa.
07:08Panawagan pa ng Pangulo sa mga negosyante, mamuhunan sa sektor ng agrikultura.
07:14Gumanda rin daw ang ekonomiya at tumaas ang kumpiyansang mamuhunan ng mga negosyanteng dayuhan.
07:20Pumubaharin niya ang inflation at dumami ang trabaho.
07:24Huspusan din niya ang pagsasayos ng sistema ng edukasyon.
07:28Punto ng Pangulo, sinimula ng Deped ang Academic Recovery and Accessible Learning o Aral Program at pinalakas din ang Early Childhood Care and Development.
07:38Nakako rin ng Pangulo na daragdagan ang mga daycare center para sa kabataan.
07:45Ngunit ang lahat ito ay palamuti lamang, walang saisay, kung ang ating kababayan naman ay hirap pa rin at nabibigatan sa kanilang buhay.
07:56Kaya sa huling tatlong taon ng administrasyon, ibubuhus pa natin ang lahat-lahat.
08:01Hindi lamang upang mapantayan, kundi mahigitampah ang pagbibigay ginhawa sa ating mga kababayan.
08:09Nakukulangan ng ilang mambabata sa mga iniulat yung Pangulong Marcos sa kanyang lagpas isang oras na sona.
08:17Mga pangakong napako naman ang administrasyon ng daing ng ilang realista habang nagtipon-tipon ng ilang makamarcos.
08:25May report si Sandra Aguinaldo.
08:26Winasak na mga ralihista ang mga effigy na mga opisyal ng administrasyong Marcos sa Quezon City.
08:45Tandaan nila ng puot ng taong bayan sa mga napakumpangako at mga problemang di pa rin nalulutas ng administrasyon.
08:52Tawad!
08:54Itaas!
08:55Asia!
08:56Itaas!
08:57Kabilang sa mga idinadaing ang mababang pasahod at pagmahal ng mga bilihin.
09:02At aming palawagan, kasiguruan sa trabaho, hindi mas leo.
09:08At itaas!
09:10Kasama sa sinisingil ang pagkapanagot sa pinakamatataas na opisyal ng bansa.
09:15I-prinotesta rin ng environmental groups at youth group ang pagtugo ng gobyerno sa mga isyong pangkalikasan.
09:23Bala weather report ang kanilang puna sa pananalasan ng Anilay Bagyong Marcos.
09:29Bagsak siya sa aspeto ng kalikasan.
09:31Yung flood control projects, hindi naman natin naramdaman dahil napakarami pa rin lubog.
09:35GPM! GPM!
09:39Nagtipon-tipon din ang mga taga-suporta ng administrasyong Marcos.
09:43Mula sa tatay, mula hanggang sa anak, nandito pa rin kami lumalaban ng loyalista.
09:49Tumataas ba nang tumataas yung sahod?
09:51O, na kailangan tumas pa.
09:53Tumatas ang bilihin.
09:54Tumatas ang bilihin.
09:56Pataasan niya ng sahod?
09:56Tumataas.
09:57Pataasan niya ng sahod?
09:59Pataasan niya ng bigas.
10:00Tumaas naman po, kahit papano.
10:02Wala nga yung patayan masyado.
10:04Walang mga AJK.
10:07So, peaceful sa three years niya.
10:10May mga nagagawa naman po siya maganda eh.
10:12Tulad ng ano po?
10:14Na mga sumasaklolo po sa mga nabahaan.
10:19Yun lang po.
10:20Ano ang pinaka gusto niya nabawa?
10:24Bigas yung mabababa.
10:26Napabababa bigas.
10:27Napabababa daw po yung ibang bigas.
10:29Sa inyo po?
10:30Yung sa akin na may trabaho po ako.
10:33Ang mga mambabatas namang nasa Batasang Pambansa,
10:37halo-halo ang reaksyon sa may gitsang oras na zona ng Pangulo.
10:40Puna ni Senadora Riza Ontiveros,
10:43hindi natalakay ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa
10:45at pagtugon sa problema sa online gambling.
10:49Manipis na manipis itong zona tungkol sa ating mga manggagawa.
10:53Sinabi ni Presidente,
10:54accomplishment yung 20 pesos per kilo na bigas.
10:57Pero ilang economists na ang nagsasabi sa atin,
11:02hindi talaga sustainable yan.
11:04Pero pinuri niya ang pagbanggit ng Pangulo
11:07sa pagpapanagot sa mga questionabling flood control project
11:10at planong papapaganda sa servisyo ng tubig.
11:13Si ML Partylist Representative Laila Delima
11:16natuwa rin na nagbabala ang Pangulo
11:18kaugnay sa flood control projects.
11:21Pero may di raw nabanggit ang Pangulo.
11:23ICC case and then the impeachment case.
11:27Yung pagpapanagot sa dating Pangulo
11:29and then yung sa Confidential Intelligence Funds,
11:33yung sa Vice President.
11:34Nabiti naman daw si Akbayan Partylist Representative
11:37Chell Diokno pagdating sa isyo ng edukasyon.
11:40Kailangan kasi natin mawala na tayo doon sa iba ba
11:43pagdating sa reading, math, science, and critical thinking.
11:47Wala akong narinig kanina na patungong solusyon doon.
11:50Kailangan din daw abangan kung matutupad ang mga benepisyon
11:54ng PhilHealth na ibinida ng Pangulo.
11:57This is a reaction eh to all of those scandals.
12:00Will the people under him actually carry it out?
12:03Kung bibigyan ko ng so, ng creditong so na ng Pangulo
12:06ang ibibigyan ko incomplete.
12:07Biti na bitin tayo.
12:09Kasi yung mga nabanggit nga,
12:10ito yung mga regular functions ng gobyerno.
12:12Walang nabanggit about wage hike.
12:14Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:17Sampung PDLO Persons Deprival of Liberty
12:33sa Batangas Provincial Jail, Tumakas.
12:36Lima ang arestado matapos makorner sa sinakyang bus
12:39sa Santo Tomas City, Batangas.
12:41Tatlo naman ang nadakip sa bayan ng ibaan
12:43ayon sa Calabarzon Police.
12:45Pinagahan na pa ang dalawang iba pa.
12:47Mahaharap sa kalagdagang kaso
12:49ang mga tumakas na inmate
12:50na nahulihan ng baril, patalim at cash.
12:54Dating Court of Appeals presiding justice
12:56Marie Flor Ponsalan Castillo
12:58ay tinalagang acting ombudsman.
13:01Kasuro dito ng pagriritiro
13:02ni Ombudsman Samuel Martires.
13:05Special prosecutor sa ombudsman
13:06si Ponsalan Castillo
13:08mula noong October 2024.
13:10Dati na rin siya nagsirbi sa ombudsman
13:12noong ito'y Office of the Tanud Bayan pa.
13:15Naging west siya sa Quezon City
13:16mula 1993
13:17hanggang na ay talaga sa Court of Appeals
13:20mula 2004 hanggang 2024.
13:24June Veneracion nagbabalita
13:25para sa GMA Integrated News.
13:29Nananatili sa pwesto
13:31ang mga pinuno ng Senado at Kamara
13:33ngayong 20th Congress.
13:35Senate President pa rin si Sen. Cheez Escudero
13:37matapos makakuha
13:39ng suporta ng supermajority ng Senado.
13:41Si Sen. Gingoy Estrada pa rin
13:44ng Senet Pro Tempore
13:45habang napiling majority leader
13:47si Sen. Joel Villanueva.
13:50Otomatikong minority leader
13:51ang natalo sa Senate Presidency
13:53na si Sen. Tito Soto.
13:55Sa Kamara naman,
13:57si Congressman Martin Romualdez pa rin
13:58ang House Speaker
13:59matapos makuha
14:01ang 269 sa 290 na boto
14:04ng mga kapwa-kongresista.
14:06Senior Deputy Speaker naman
14:07si Congressman David J.J. Suarez.
14:09Majority leader naman
14:11ang anak ng Pangulo
14:12ng Pangulong
14:13si Congressman Sandro Marcos.
14:15Minority leader
14:16si Congressman Marcelino Libanan.
14:19Sa gitna ng butohan
14:20sa Kamara,
14:21nag-walk out
14:22ang tatlong Duterte congressmen
14:23na si na Paulo Duterte,
14:25anak niyang si Omar Vincent,
14:27at pinsanib Paulo
14:28na si Harold.
14:29Gayun din ang kaalyado nilang
14:30si Congressman Isidro Ungap.
14:33Sabi ni Congressman
14:34Paulo Duterte,
14:35ginawa nila yan
14:36dahil ang kinakatawa nila
14:37ay ang mga mamamaya
14:38ng Davao City,
14:40hindi ang anyay
14:41political puppeteers
14:42o ang mga nagpapanggap lang
14:44na public servants
14:45sa kongreso,
14:46pero pansariling interes
14:47ang habot.
14:52PBB's big winner,
14:54Mika Salamangka,
14:55personal na naghatid ng tulong
14:56sa mga nasalantan
14:58ng magkakasunod na bagyo
15:00at habagat.
15:01Kasama niyang nag-volunteer
15:02sa isang soup kitchen,
15:04ang kapwa sparkle artist
15:06na si Will Ashley.
15:08Isa pang housemate
15:10na si AZ Martinez,
15:12nakiisa sa pamamahagi
15:13ng relief goods
15:14sa Montalban, Rizal.
15:18Sa Quezon City naman,
15:20naghatid ng tulong
15:21ang Dustby duo
15:22o sina Dustin Yu
15:23at Bianca Devera.
15:27Stars on the Floor
15:28host Alden Richards,
15:29dumayo sa Malolos, Bulacan
15:31para mag-relief operations.
15:33I need to get out of my way
15:35and help.
15:36Sino-sino bang magtutulungan
15:37kundi mga,
15:38tayo lang mga Pinoy,
15:39diba?
15:40Napakalaking tulong po nito.
15:41Wala pong katulad yung biyaya
15:43na pinamimigay po
15:44ng kapwa at tao
15:46na bukas palad po
15:48para sa lahat.
15:50Black carpet premiere
15:52ng P77,
15:53dinagsa ng stars
15:54at fans.
15:56Pinagbibidahan ni Barbie Forteza
15:58ang first horror film
16:00ng GMA Pictures
16:01in 14 years.
16:03I'm just so overwhelmed
16:04right now
16:05kasi
16:06ang ganda
16:08ng
16:08set-up
16:10ng aming premiere night.
16:12Pinakaabalahan talaga
16:13and ang daming tao.
16:15I'm so so happy.
16:17Mapapanood
16:17ang P77 nationwide
16:19sa July 30.
16:21Aubrey Carampel
16:22nagbabalita
16:23para sa
16:23GMA Integrated News.
16:25Huwag magpahuli
16:26sa mga balitang
16:27dapat niyong malaman.
16:29Mag-subscribe na
16:30sa GMA Integrated News
16:31sa YouTube.