Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Winner by default si PNP Chief General Nicolás Torres sa kanilang boxing match ni Davao City Acting Mayor Baste Duterte na hindi dumating.
00:09Pero gayet ni Duterte, hindi naman niya hinamon si Torre. Nakatotok si Katrina Son.
00:19Naghiyawan ang mga tao sa Rizal Memorial Coliseum nang lumabas si PNP Chief General Nicolás Torres III.
00:26Suot ang kanyang pulang boxing jersey at gloves, handa na.
00:30Para sa boxing match nila ni Davao City Acting Mayor Baste Duterte.
00:35Maya-maya, nag-countdown. At nang matapos ang bilang at wala si Duterte.
00:43Winner by default si Torre dahil sa hindi pagdating ni Duterte.
00:47May mga statements na rin siya na hindi na rin darating.
00:50Kaya itunuloy na lang natin sapagkat marami ang nagbayad.
00:55Nakalikom na ng mga 350,000 sa gates.
00:58So we have to show up and give the people what they expect.
01:04Ayon pa kay Chief PNP Nicolás Torres na ito na raw ang huling beses na papatol siya sa hamon ni Acting Mayor Baste Duterte.
01:12Pagbibigay din din niya na pinatulan lamang niya ang boxing match dahil gusto niya makalikom ng pondo para makatulong sa mga kababayan natin na nasalantaan ng sunod-sunod na bagyo.
01:23Ayon kay Torre, 16.3 million na cash donation ang nalikom sa event.
01:29May donasyon pa raw na isang truck ng mga bigas at delata.
01:33Nagbigay rin si boxing champ na ni Pacquiao ng belt para i-auction.
01:37Dagdag ni Torre, walaan niya silang nagastos sa event.
01:41Matapos niyan ay nagpunta siya sa baseko para mamigay ng ayuda.
01:45In-organisa ni Torre ang laban matapos ang pahayag na ito ni Duterte noong nakaraang linggo.
01:51Kasi matapang ka lang naman, we have the position eh, pero kung suntukan tayo, arat ko makaya bitas.
01:57Pero sabi ni Duterte sa kanyang bagong podcast.
02:00Hindi naman kita hinamon, sinabi ko talaga, pag nagsuntukan tayo, babobogbog kita.
02:07Nauna ng sinabi ni Duterte na hindi siya makakapunta ngayong linggo dahil may mga gagawin siya.
02:12Pwede raw sana siya kung sa martes o miyerkules ng susunod na linggo.
02:22Sabi ni Torre, hindi raw niya mahihintay ang schedule ni Baste, lalot marami rin anya siyang trabaho.
02:29Katrina Son, nakatutok! 24 oras!

Recommended