Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mahigit tatlong po ang naiulat na nasawi sa gulo sa pagitan ng Thailand at Cambodia.
00:05Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Thailand ng mga Pilipinong malapit sa border.
00:10Nakatotok si Darlene Cai.
00:19Webes nang magsimula ang sunod-sunod na pagsabog sa border ng Thailand at Cambodia,
00:24punsod ng palitan ng pag-atake ng mga militar ng dalawang bansa.
00:27Napatakbo at nagtago ang ilang residente.
00:35Sa videong ito na inilabas ang militar ng Thailand,
00:38kita ang paghulog nila ng bomba mula sa drone sa military depot ng Cambodia.
00:44Isang convenience store sa isang gaso linahan naman ang nasunog sa Sisaket province sa Thailand,
00:49kasunod ng pag-atake ng Cambodia.
00:53Mahigit tatlong po na ang naiulat na nasawi.
00:56Labing siyam ang patay sa Thailand ayon sa kanilang health ministry,
00:59habang limang sundalo at walong sibilya ang nasawi sa Cambodia ayon sa kanilang defense ministry.
01:06Ang ilang residente ng Cambodia, kitang bit-bit ang kanilang gamit para lumikas.
01:11Wala na rin mga tao, mga sasakyan at sarado na ang mga tindahan sa isang distrito sa Surin province.
01:17Ayon sa Thailand, sumiklab ang tensyon matapos masugatan ang ilan nilang sundalo
01:22dahil sa mga landmines sa border na ang nilay inilagay ng Cambodia.
01:26Pero mariin itong itinanggi ng Cambodia at sinabing Thailand ang nagsimula ng pag-atake.
01:32Ayon sa mga ulat, dekada na ang nakakaraan ng magkahidwaan ng Thailand at Cambodia
01:37sa hangganan ng kanilang teritoryo kung saan naroon ang isang templo
01:40na ipinagkaloob sa Cambodia ng International Court of Justice.
01:44Tumaas ang tensyon ang subukan ng Cambodia na irehistro ito bilang isang UNESCO World Heritage Site.
01:50Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Thailand ng mga Pilipinong malapit sa border.
01:53Hinihimok nilang iulat ang kanilang kinaroonan sa Philippine Embassy
01:57at subaybayan ang kanilang mga anunsyo.
02:00Nauna nang sinabi ng Philippine Embassy sa Cambodia na iwasan ang mga lugar kung saan may tensyon.
02:05Ayon sa DFA, may mahigit na 7,000 Pilipino ang nasa Cambodia
02:09habang nasa 33,000 Pilipino ang nasa Thailand.
02:13Para sa GMA Integrated News, Darlene Cai, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended