Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Unang nag-landfall ang Bagyong Emong sa Pangasinan.
00:03Pinag-ahanda ng mga taga-coastal airs doon na lumikas dahil sa banta ng storm surge.
00:07At may ulat on the spot si CJ Turida ng GMA Regional TV.
00:11CJ?
00:13Roughly, as of 8am, nakataas pa rin ang signal number 2 sa Anda at Bolinaw sa Pangasinan,
00:19dahil pa rin sa Bagyong Emong.
00:21Signal number 1 naman sa nalalabing bahagi ng probinsya.
00:24Itinaas ng pag-asa ang storm surge warning sa labing apat na lugar sa Pangasinan.
00:32Posibleng umabot sa 2.1 hanggang 3 meters ang taas ng alon sa baybayin.
00:36Bunsod pa rin ito ng Bagyong Emong na nakaapekto sa probinsya.
00:40Inaabisuhan ng mga residenteng malapit sa dagat na maging handa sa posibleng paglikas.
00:46Kanselado rin ang lahat ng aktividad sa dagat.
00:48Dahil sa banta ng daluyong, itinaas na ang mga bangka na mga manging isda
00:52sa Barangay Bunawan Gazette sa Dagupan City.
00:55Kagabi pa raon nang maramdaman nila ang paglapit ng alon sa pampang.
00:59Ang hanap buhay sa Tondaligan Beach, mayigit isang linggo ng bagsak dahil sa kalamidad.
01:05Pero ang ilang may-ari ng cottage, pilit pa rin nagbabantay sa kanilang kubo kahit pa may banta ang daluyong.
01:11Hindi rin daw sila makauwi dahil lagpas bewang ang baha sa kanilang bahay.
01:16Handa naman daw silang lumikas kung kinakailangan.
01:19Rafi, bukod sa banta ng daluyong, ay nakataas din ang gale warning sa baybay ng Pangasinan.
01:27Samantala, sa mga oras na ito, Rafi, ay nakararanas tayo ng panakanakanga pagambon at malakas na hangin dito sa Dagupan City.
01:35Rafi?
01:35Maraming salamat si Jay Turida ng GMA Regional TV.
01:40Magkasabay na malakas na hangin at ulan ang naranasan sa La Union.
01:44Ayon kay Youth Cooper Del Colido, nangyari yan bandang alauna-imedia hanggang alas dos ng madaling araw kanina sa barangay Pagdalagan, Sur Sabawang.
01:53Sa lakas ng hangin, tila kinakalampag nito ang mga yero.
01:55Ganyan din ang eksena sa kuha naman ni Youth Cooper Ramilio Peralta sa barangay Central East, na walan para ng kuryente sa bayan.
02:06Sa lungsod naman ng San Fernando sa La Union, bumuhos din ang ulan at humampas ang malalakas na hangin sa isang pier doon.
02:13Nakakunan niya ni Youth Cooper Philrich Saliot bandang alas dos imedia ng madaling araw.
02:19Noong mga oras na iyon, nasa signal number four ang Bawang at San Fernando, La Union.
02:23Humina bilang severe tropical storm ang Bagyong Emong matapos itong dalawang beses na mag-landfall.
02:32Halos mag-alas 11 kagabi ng unang tumama ang sentro ng bagyo sa Agno, Pangasinan, ayon po sa pag-asa.
02:38Kaninang 5.10 ng umaga ng mag-landfall naman ito sa Kandon, Ilocosur.
02:42Sa update ng pag-asa nitong 8am, pinatawid na ng Bagyong Emong ang Bulubunduking Cordillera.
02:48Mamayang tangahali o hapon, posibleng na sa bahaging Babuyan Islands na ang bagyo.
02:52Bukas, inaasahang nasa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility.
02:58Taglay ng Bagyong Emong ngayon ang lakas ng hangin na hanggang 100 km kada oras.
03:03Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang pinakamataas na babala ngayon ng bagyo.
03:08Wala ng lugar na nasa Wind Signal No. 4.
03:10Abangan po dito sa balitang hali ang 11am bulletin ng pag-asa at bagong listahan ng mga lugar na may wind signals.
03:18Dahil po sa Bagyong Emong, nariyan pa rin ang banta ng daluyong o storm surge.
03:23Pusibleng umabot sa 2.1 to 3 meters ang taas ng adon sa dagat sa ilang coastal areas ng Ilocos Norte,
03:29Ilocosur, La Union at Pangasinan.
03:331 to 2 meters na daluyong naman ang aasahan sa ilang coastal areas ng Batanes, Cagayan, Isabela at Zambales.
03:41Patuloy rin pinalalakas ng bagyo ang hanging habagat na siya namang nagpapaulan sa Central at Southern Luzon
03:46kasama na po ang Metro Manila, Visayas at Mindanao.
03:52Nagkalanslide sa Tagaytay City sa Cavite, isang trabahador ang patay matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang barracks.
03:59Isa naman ang nasagip habang may dalawa pa ang hinahanap.
04:03Balitang hatid ni James Agustin.
04:08Balot pa ng putik ang isang lalaking construction worker na mailigtas siya ng mga rescuer mula sa barracks
04:13na natabunan ng pader at lupa sa barangay Irwin, West Atagaytay City kahapon ng umaga.
04:19Ang biktima dahan-dahang isinakay sa isang spine board.
04:22Isinugot siya sa ospital at nasa maayos ng kalagayan.
04:26Nagsisigaw yung mga rescuer, nagtatanong kung mayroon bang nakarinig sa amin
04:30at kung nakarinig ka ay sumigaw ka.
04:34Luckily, yung isa po ay nakapagsigaw na nandun siya sa area.
04:38So yun, doon nakafocus yung conduct po ng search and rescue.
04:44Walang sinayang na oras sa mga rescuer para hanapin ang tatlo pang biktima.
04:48Hapo na namatagpuan ang bangkay ng isang lalaki.
04:51Nakita namin yung isa na nasa bandang gitna po nung area na nandun yung barracks.
04:59Bago naman po yung ginawa yun, mayroon po yung coast guard na canine unit na nagawa po ng pag-check doon sa area
05:06kasama po yung canine nila na aso.
05:09Tama po, yung nakitaan namin ng isa ay doon po talaga nakita yung tumigil yung aso na.
05:15Ayon sa mga otoridad, ang baracks sa mga biktima ay nakatayo sa isang private property sa Tagaytay City.
05:21Ang bumigay namang pader at gumuhong lupa ay mula sa isa pang private property.
05:25Pero bayan ang silang na nakakasako.
05:27Initially po, ang nangyari ay nagkaroon po ng collapse ng structure, yung wall na retaining wall nag-collapse
05:41kaya po yung lupa doon sa taas ay gumuho po papunta doon sa site ng meron pong barracks, yung worker naman po sa kabilang property.
05:52Yung buong area na yung kahabaan po na sinasabi nila from the kitchen hanggang doon sa mga kwarto-kwarto nila ay talaga pong natabunan ng putik.
06:01Kahit gabi na, nagpatuloy ang search and rescue operations para sa dalawa pang nawawala.
06:06Mano-mano ang pagpapala sa mga putik.
06:08Dahil sa malakas na buhos ng ulan na pagpasyahan ng mga rescuer na itigil muna ang paghahanap pasado hating gabi.
06:13Yung area po ay saturated siya. Putik po talaga siya. Yung area. So the struggle was there.
06:20On the side of the rescuer, even doon sa aming bakho na dinala doon, lumulubog siya ng lumulubog habang patagal siya nandun sa area ng pinangyarihan.
06:34James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:39Ito ang GMA Regional TV News.
06:45Iba pang may init na balita sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
06:49Patay ang isang binatilyo sa Mangaldan, Pangasinan matapos mahulog sa ilog.
06:54Chris, bakit siya nahulog?
06:56Rafi, napabitaw sa pagkakahawak sa handle ng tulay sa ilog ang biktima kaya siya nahulog.
07:05Base sa investigasyon ng Mangaldan MDRRMO kasama ng biktima, ang tatlo niya ng kaibigan malapit sa Old Mangaldan River.
07:13Kinilitirao siya ng isa sa mga kaibigan dahilan para makabitaw siya at mahulog sa ilog.
07:18Ayon sa Mangaldan Public Information Office, pagkalunod ang ikinamatay ng binatilyo.
07:23Inabot pa ng mahigit sa apat na oras ang pag-retrieve sa katawan niya.
07:28Sinampahanan ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide,
07:32ang 18-anyos na kumiliti umano sa biktima. Wala siyang pahayag.
07:37Sa Mangaldan pa rin, patay ang isang pedicab driver ng maluno din sa Payas Creek.
07:42Kinilala ng Mangaldan PIO ang lalaki na si Martin Boclares.
07:46Ayon sa mga taga-barangay, pauwi na noon ang 48-anyos na biktima nang madula siya at mahulog sa sapa.
07:54Posible raw na hindi niya ito napansin dahil sa baha sa lugar.
07:57Nakakapuso na dito po ako ngayon sa barangay San Jose dito po sa Navotas,
08:05isa sa pinaka-apektadong barangay dito po sa kanilang lungsod.
08:09Dahil sa patuloy na paghagupit ng habagat at pinalala pa ng high tide dito sa kanilang lugar,
08:18ang resulta po e talagang halos araw-araw mula noong lunes e talagang baha dito sa kanilang lugar.
08:26At kaya naman po e sinailalim na sa state of calamity ang kanilang lungsod.
08:31Baha dito sa kanilang lugar dahil sa panibago na naman na pader na gumuho
08:36matapos nga po yung malakas na pagragasa ng tubig dun sa ilog, dun sa Malabuan na Botas River.
08:42Kanina po, nandun po tayo sa lugar na yun, dun sa may tabi lang nung pader mismo na gumuho.
08:49Pero kinailangan po tayong lumikas dun dahil yung nilagay po nilang mga temporary na mga sandbag
08:55na magsisilbing proteksyon para hindi umapaw sana yung tubig ng agad-agad
09:01papunta dito sa mga kalsada dito sa lugar, ay bumigay na rin.
09:05At dahil din po yun sa malakas na pagragasa pa rin ng tubig sa ilog.
09:09Kaya ang resulta, kung makikita ninyo, hanggang tuhod ko na po yung baha dito sa kanilang kalsada.
09:17Sa kabila po ng sitwasyon, meron pa rin mga tao, mga residente rito na patuloy na naglalakad sa may baha,
09:26sinusuong yung baha pero halos kakaunti na lamang yung mga motorista na nakita natin
09:30dahil syempre baka tumirik po yan. Karamihan mga pedicab na lang yung sinasakyan ng mga residente rito.
09:35Mahigit 1,800 na individual na po nasa mga evacuation center.
09:40Yan po muna ang pinakasariwang sitwasyon mula pa rin dito sa Navotas.
09:45Ako po si Maris Umali, nag-uulat para sa GMA Integrated News.
09:51Silipin natin ang sitwasyon sa Baguio City kung saan may kabi-kabilang landslides,
09:55may mga bumagsak ding puno at may ulat on the spot si EJ Gomez.
09:59EJ?
10:00Raffi, dalawang babae ang nirescue ng mga otoridad matapos silang matrap at matabunan ng putik
10:12dulot ng landslides sa kanilang lugar.
10:14Apat na bahay ang apektado.
10:16Isa rito ay tuluyang natabunan ng lupa at putik.
10:20Ang mga apektadong pamilya naman inilikas sa ligtas na lugar.
10:24Sa lakas ng ulan, sa buong magdamag, rumagasa ang tubig sa mga kabahayan sa Purokto Outlook Drive sa Baguio City
10:34kaninang alasais ng umaga.
10:36Apat na bahay ang apektado.
10:38Isa sa mga ito ay tuluyang natabunan at na-wash out ng landslide.
10:42Dalawang babae ang pinagtulungang ilaba sa kanilang mga bahay matapos matabunan ng lupa at tubig dulot ng landslide.
10:49Inilikas naman ang iba pang apektadong residente at ngayon ay nananatini sa evacuation center.
10:55Sa Outlook Drive pa rin, humambalang sa kalsada ang malaking puno.
10:59Ilang bahagi nito ang tumama sa mga linya ng kuryente.
11:03Nabagsakan din ang isang van.
11:05Nabasag ang windshield.
11:07Kaninang umaga, nagpulong ang Baguio City LGU na pinangunahan ni Mayor Benjamin Magalong.
11:13Sa tala ng lokal na pamahalaan, 30 ang bilang ng insidente ng pagbagsak ng mga puno.
11:1934 ang landslide, erosion at rockfall.
11:23Narito ang pahayag ng isa sa mga residente at ni Mayor Benjamin Magalong.
11:31Relatively affected tayo rito.
11:34We are now under signal number 3.
11:37That could translate to about 80, 81 or 82 individuals.
11:41We have about 17 houses na damaged.
11:49Actually, out of the 17, dalawa doon ang totally damaged.
11:54Nagising ako, akala ko lang po may gumiba na bahay.
11:58Yun po pala lahat, yung buong bambu po, pumunta na sa bahay namin.
12:02Tapos, yung bahay po na nag-iba dyan, dumiretsyo na din po sa tapat namin.
12:06Binaha ang dinarayong strawberry farm sa La Trinidad, Benguet.
12:16Nagbistulang lawa ang taniman dahil sa walang tigil na malakas na ulan dulot ng bagyong Emong.
12:22Ilang bahagi ng Benguet ang isinailalim sa wind signal number 3 at 2 dahil sa bagyo nito mga nakalipas na oras.
12:28Yan po ang video ng matagumpay na pagsagip sa dalawang manging isda matapos anurin ang malakas na alo ng kanilang bangka sa Mamburaw, Occidental, Mindoro.
12:44Unang nag-deploy ng mga rubber boat ang mga rescuer para mahanap ang mga manging isda.
12:49Nang makalapit sa baybayin, nagtulong-tulong ang mga otoridad at residente na hilahin sila gamit ang lubid.
12:55Nasa ligtas na kalagayan ng dalawang manging isda.
12:58Dahil sa ilang araw na pagulan, lumampas na sa critical level ang water level sa Laguna Dibay.
13:05Baka raw magtagas na yan bago bumalik sa normal level.
13:08Balita ang hatid ni Von Aquino.
13:13Lumampas na sa critical level ang water level ng Laguna Dibay.
13:17Ayon sa Laguna Lake Development Authority o LLDA, umabot na ito sa 12.51 meters.
13:23Mas mataas sa 12.50 meters na critical high threshold nito.
13:27Kapag ganito, sa assessment ng LLDA, aaputi ng ilang buwan bago ito bumalik sa normal level kahit mabawasan na pagulan.
13:36Ganito po yung sitwasyon dito sa Aplaya Baywalk sa Calamba City sa Laguna.
13:40Kung saan may kita po natin yung tubig ng Laguna Dibay ay narito na po sa Aplaya.
13:45Yun nga po pagitan halos hindi na makita dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig.
13:50At sa kabila nga ng delikadong sitwasyon dito sa lawa, ay nagpatuloy pa rin yung ilang mga manging isda sa pagpalaot.
13:56Kalmado pa naman.
13:57Inormal lang naman nangangangin sa laot eh.
14:00Pag masama ang panahon, pinagbabawa ka lang, pag may signal, bawal na kami lumayag.
14:05Medyo tumakas ngayon ang tilapya.
14:07Buwan ng masama ang panahon.
14:09Pahirapan naman ang paglikas ng ilang residente sa barangay Parian, Calamba City, Laguna dahil ayaw nilang iwan ang kanilang bahay.
14:17Nagdulot naman ang mabigat na daloy ng trapiko ang baha sa Main Road, Manila-Calamba Road.
14:22Sa Paete, Laguna, pumasok na sa Manila East Road National Highway ang tubig ng Laguna Lake,
14:28kaya naman nahirapang makaraan ang mga motorista.
14:30Nanawagan ng lokal na pamahalaan sa mga nakatira sa mababang lugar na lumikas na.
14:35Pwede na pong mag-apply ng emergency loan ng members at pensioners ng GSIS sa ilan sa mga nasa lantang lugar.
14:48Bukas na ang application para sa apat sa calamity-declared areas.
14:52Hanggang August 23 pwede mag-avail ang mga tagaumingan Pangasinan at Kalumpit Bulacan.
14:58Hanggang October 23 naman para sa mga taga-Kavite at Quezon City.
15:02Abos sa 20,000 pesos ang pwedeng hiramin ng first-time borrowers.
15:07Hanggang 40,000 pesos naman para sa mga may existing emergency loan na.
15:11Mas madali na rin daw ang pag-apply gamit ang GSIS Touch Mobile App.
15:16Sabi ng GSIS, asahang madaragdagan pa ang mga bubuksang area sa mga susunod na araw.
15:21Inihintay na lang daw nila ang calamity declaration ng iba pang LGU.
15:25Bip-bip-bip sa mga motorista, may nakaambana ulit na pagbabago sa presyo ng ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
15:38Ayon sa Department of Energy Oil Industry Management Bureau batay sa 4-day trading,
15:42humigit kumulang 50 centavos kada litro ang posibleng taas presyo sa diesel sa susunod na linggo.
15:48Pusibleng bawas presyo naman na humigit kumulang 10 centavos o halos walang paggalaw sa presyo ng gasolina.
15:55Habang sa kerosene, may nakikitang humigit kumulang 30 centavos kada litrong taas presyo.
16:01Ayon sa DOE, isa sa mga nakaka-apekto sa taas presyo ng mga produktong petrolyo,
16:05ang mga pagbabago sa U.S. trade policies.
16:08Maulang biyernes mga mani at pare, nakibahagi ang ilang sparkle artists sa repacking ng relief goods ng GMA Kapuso Foundation
16:22para sa mga apektado ng masamang panahon.
16:26Kabilang sina Sofia Pablo, Alan Ansay, Jess Martinez, Aya Domingo, John Vic de Guzman at Mad Ramos.
16:36Tumulong din sa repacking sina Arnold Reyes at Tart Carlos.
16:41Para sa kanila, patunay itong tayo ay isa sa puso ngayong may kalamidad.
16:48Gusto rin talaga namin itong gawin kasi syempre para sa mga kapuso natin na talagang nabaha ngayon.
16:53Ang daming tao ulit na nawala ng bahay, na-stranded ulit, syempre wala rin sinupus.
17:01So dito kami para tumulong.
17:02Si Ding Dong Dantes naman nag-donate ng mga germicidal soap sa GMA Kapuso Foundation
17:09para ito sa mga residenteng lubhang apektado ng baha at unang pananggarin sa sakit na leptospirosis.
17:16Sa mga panahon kagaya ng ngayon, tuwing may sakuna, bawat tulong kasi napakahalaga.
17:25Napakalayo ng nararating ng bawat kontribusyon ng lahat ng mga kababayan natin through bayanihan.

Recommended