- 5/23/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mainit-init na balita, nag-hain na po ng civil case ang Department of Transportation laban sa Pangasinan Solid North sa Quezon City Prosecutor's Office.
00:09Kaugnay yan sa Karambola sa Subic Clark Tarlac Expressway o SCTex noong May 1.
00:14At sampung tao po ang namatay sa insidente niyan. May halos apat na po ring sugatan.
00:20Ayon sa DOTR, inihain nila ang kaso sa City Prosecutor's Office para sa pamilya ng mga biktima na taga Quezon City.
00:28May mga biktima rin mula sa Antipolo, Rizal.
00:33Pumihingi ng Danyos ang pamilya ng mga biktima mula sa kumpanya.
00:36Susubukan pa namin kunan ng pahayag ang Pangasinan Solid North.
00:40Tutulag po dito sa balitang hali para sa iba pang detalye.
00:45Sa kulungan ng bagsak na isang lasing na nanaksak na isang lalaki sa Quezon City.
00:49Ayon sa suspect, pinagbantaan siya ng mga tao sa lugar matapos siyang magpasama-sanan na hanapin ng isang alias, pangit.
00:56Balita hati ni James Agustin.
01:01Nagtamo ng sugat sa kanyang mukha ang 30-anyo sa lalaki matapos saksakin sa barangay Payatas, Quezon City.
01:07Naaresto ng mga rumurondang pulis ang 36-anyo sa lalaking sospek.
01:12Lumabas sa imbisigasyon ng pulisya na hindi magkakilala ang dalawa.
01:16Pumuntalan daw sa lugar ang lasing na sospek dahil inahanap niya ang isang alias, pangit,
01:20na umanay ka relasyon ng kanyang kinakasamang babae.
01:24Nagkataon na napagtanungan niya itong biktima at nung sinagot siya ng biktima na hindi niya kilala yung hinahanap nito,
01:32ay nainis itong sospek at naging simula nung naging ugat ng kanilang pagtatalo na hanggang sa uwi sa pananaksak.
01:41Nabawi mula sa sospek ang ginamit na kitchen knife.
01:45Sa ospital, positibong kinilala ng biktima ang sospek na sumaksak sa kanya.
01:48Ayon sa pulisya, nagkakaso na rin ang pananaksakang sospek sa Marikina noong 2015.
01:54Base dito sa bisigasyon, lumalabas na ito pong sospek ay may previous na record at ito po ay nakulong ng sampung taon sa kasong homicide.
02:07Aminado ang sospek na nasaksak niya ang biktima, pero self-defense lang daw ang nangyari.
02:12Dumaan po ako rin, may tatanong lang po sana ako sa mga tao rin.
02:18Sabay, biglang mainit po yung ulo nila, sabay sabi nila,
02:24kuwa kayong matalas dun, kaya pinagtanggol ko lang po yung sarili ko, kaya po nangyari.
02:30Nagpapasama ako sa kanya para natanong ko sa kanya kung saan naatira si Pangit.
02:39May tatanong lang po sana ako kay Pangit.
02:41Nasaan pa na ang sospek na reklamong frustrated homicide.
02:45James Agustin nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:49Patay na ng matagpuan ang isang lalaki matapos tangayin ng ilog sa Alamada, Cotabato.
02:59Tumatawod daw sa ilog nitong Martes ang 60 anyos na biktima.
03:03Kasama ang kanyang 30 anyos na anak.
03:06Pareho sila ang inanod ng tubig na rumaragasa kasunod po ng pagulan sa lugar.
03:11Maswerteng nakaligtas ang anak.
03:13Nahanap naman ang katawan ng biktima kinabukasan.
03:15Ayon sa pag-asa, epekto ng Intertropical Convergence Zone ang masamang panahon sa Alamada, Cotabato.
03:22Magpapatuloy po ito ngayong araw.
03:24Katunayan, isinailalim sa heavy rainfall outlook ang Cotabato at ilang pang bahagi ng Soxargem.
03:31Ngayon din po ang Zamboanga Peninsula, Davao Region, BARMM at Misamis Occidental.
03:37Asahan muli ang malalakas na buhos ng ulan sa mga nasabing lugar.
03:41Uulinin din ng husto ang ilang bahagi ng Mindanao bukas dahil sa ITZZ.
03:47Pinaalerto po ang mga residente mula sa Bantanang Baha o Landslide.
03:50Sa mga motorista, may posibleng rollback sa presyo ng ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
04:01Sa estimate ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, base sa 4-day trading,
04:06walang paggalaw o rollback na hanggang 40 centavos kada litro ang inaasahan sa Martes para sa diesel.
04:11Posibleng may 15 centavos na bawas presyo hanggang 30 centavos na taas presyo naman sa kada litro ng gasolina.
04:18Habang sa kerosene, may posibleng bawas presyo na 20 hanggang 40 centavos kada litro.
04:24Ayon sa DOE, kabilang sa mga nakaapekto sa dagdag bawas sa presyo ngayon ng mga produktong petrolyo,
04:30ang paghupa ng tensyon sa pagitan ng Amerika at China,
04:33at ang tingin ng OPEC na sisigla ang global demand.
04:36Ilang pamilyang nakatira sa kalsada sa Quezon City ang sinagip sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare and Development.
04:47Ang mainit na balita, hatid ni James Agustin.
04:49Maagang nagsagawa ng reach-out operations sa DSWD sa New Year Road sa Quezon City.
04:58Inabutan ng mga pamilyang naninirahan sa gilid ng kalsada.
05:01May mga nakatayo ng makeshift tents sa bangketa.
05:04Hindi alintana ng mga pamilyang panganid na maaring maidulot nito sa kanila.
05:08Personal silang kinausap ni DSWD Sekretary Rex Gatchalian at pinakiusapan na sumama sa social workers.
05:15Sinagip sila sa ilalim ng pag-abot program ng ahensya.
05:34Kabilang din sa napakiusapang sumama ang babaeng ito, nakarga pa ang anim na buwang gulang niyang anak.
05:45Pero matagal na po ba kayo nakatira dyan sa gilid ng kalsada?
05:47Hindi naman po sir. Mga months pa lang po.
05:50O si dati po kami ng upaan sa looban.
05:52Kaso?
05:53Eh, medyo humihin na po ang hanap buhay.
05:55Hindi na po kayo magbayad ng two months kada buwan, korente tubig.
06:01Umabot sa labing tatong pamilya, katumbas sa 26 na individual ang nasagi.
06:05Dagdag pa dyan ang siya na individual lang iba'y natutulog sa karito.
06:08Ito talaga yung nakapilitan ng tumina sa lansangan dahil walang hanap buhay, walang tahanan.
06:15So binibigyan natin sila ng panibagong buhay.
06:19Importante yan kasi we need to help those that need it the most.
06:23Delikado dahil una, kalsada to.
06:26Pag umulan, yung init, lahat yan kasama.
06:30Pero more than anything, yung dignidad ng tao.
06:32Ang mga nasagip na pamilya, dinala sa processing center ng DSWD sa Pasay.
06:38Doon sila papakainip, sasa ilalim sa check-up ng doktor at i-interviewin ng social worker.
06:43Kailangan masigurado natin na nasa maayo silang kalagayan physically.
06:47Sisiguraduhin natin na yung kanila mga issue o yung mga concern nila na a-address natin.
06:51Iba-iba eh.
06:52Yung isang pamilya gusto lang niya na makasundo niya ulit yung biyanan niya.
06:56Yung iba wala talagang titirahan.
06:58Sa datos ng DSWD, mahigit 10,000 pamilya na ang naiprofile nila
07:02na nakatira sa lansangan sa Metro Manila simula ng ilunsad ang pag-abot program noong 2023.
07:08Sa bilang na yan, mahigit 5,200 pamilya na ang napakiusapang sumama sa social workers.
07:14Siniguro naman ang ahensya na araw-araw silang nagsasagawa ng reach-out operations.
07:18Wala naman tayong layunin na tumira sila sa ating shelter pang habang buhay.
07:22Ang sa atin, maunawaan yung kanilang pangangailangan, maibalik sila sa komunidad na kasama ang tulong ng DSWD
07:28kasi yan ang mandato ng Pangulo sa amin.
07:31James Agustin, nagbabalita para sa Gem Integrated News.
07:37Sumalpok ang motorsiklong yan sa isang tricycle sa barangue San Jose, Santipolo Rizal.
07:41Napagapang sa kalsad ang sumemplang na rider habang inaalalayan siyang makatayo ng kanyang angkas.
07:48Agad din silang sumakay ng motor.
07:50Pero nang dumating ang isa pang lalaki ng kamotorsiklo, bigla silang tumakbo at iniwan ang dalang motor.
07:56Ayon sa ilang saksi, napagkamala ng magkaangkas na nakasibilyang pulis ang dumating na rider.
08:01Kinumpirma naman ang polisya na nakawang nakabangang motorsiklo at naibalik na ito sa may-ari.
08:06Walang isinampang reklamo kaugnay sa insidente.
08:12Patay ang isang babae matapos barilin ng riding in tandem habang nasa gitna ng inuman sa Sampaloc, Maynila.
08:19Sugatan din ang dalawang tanod na humabol sa mga suspect.
08:23Balitang hatid ni Jomer Apresto.
08:27Ilang metro mula sa barangay hall, nahagip sa CCTV camera na kasamang nakikipag-inuman
08:33ang 30 anyos na si Elias Carmen sa bahagi ng Felina Extension sa Sampaloc, Maynila mag-aalas 11 kagabi.
08:39Maya-maya, makikita ang motorsiklo na papalapit sa kanila.
08:44Huminto ito sa likuran ng biktima at tatlong beses siyang pinaputukan ng backride.
08:49Bumulag ta si Elias Carmen.
08:51Sinubukang habulin ang lalaking nakapulan na live-in partner ng biktima ang riding in tandem.
08:56Hindi na muna nagbigay ng iba pang anggulo ng CCTV ang barangay,
09:00pero lumalabas na nagpaputok pala ulit ang gunman habang tumatakas sila.
09:04Tatlong pang putok ng balang sunod-sunod.
09:08Tapos po mga ilang segundo lang, mayroon na naman po nagpaputok.
09:12Bale, tatlong sunod-sunod ulit. Tapos hanggang sa meron pong mga nagsigawan.
09:17Tinamaan sa tuhod ang live-in partner ng biktima na isang tanod sa barangay,
09:21habang nadaplisan din ang bala sa dibdib ang isa pang tanod.
09:25Isinugod sa kalapit na ospital si Elias Carmen, pero hindi na rin siya umabot ng buhay.
09:30Sabi ng barangay, birthday ng isa nilang residente kaya mayroong kaunting salo-salo sa lugar.
09:36Inakala pa raw nila noong una, napaputok lang ang umalinga-ungaw sa kanilang eskinita.
09:40Napalingon na ko sa wayin ko pa. Nakita ko na yung nakamotor na pumuputok na ng baril.
09:45Nasa likod mismo kaya siya batok ang tama eh. Tapos dumiretyo na pa ganun.
09:50Blanco ang barangay sa motibo sa krimen. Hindi rin daw kabilang sa drug watch list ang biktima.
09:55Tumanggi magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima. Base sa CCTV na hawak nila, may posibilidad umano na babae ang namaril.
10:04Tinitignan na rin ang polisya ang anggulong love triangle bilang dahilan ng krimen.
10:08Patuloy ang kanilang backtracking para matuntun ang riding in tandem.
10:13Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:18Ito ang GMA Regional TV News.
10:22May init na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
10:28May mag-asawang nasugatan matapos po bumanga ang sinasakyan nitong kotse sa isang truck sa Santa Ilocosur.
10:36Chris, ano daw ang naging dahilan dyan?
10:40Connie, ayon sa polisya, madulas ang kalsada dahil sa pagulan kaya nalihis sa linya ang kotse.
10:46Sa kuha ng CCTV, makikita ang biglang paglitaw ng kotse ng mga biktima na nawala sa linya bago ito bumanga sa isang truck sa barangay Banawang.
10:55Nawasak ang harapang bahagi ng kotse at van.
10:58Ayon sa polisya, nagtamon ng minor injury ang driver ng kotse at kanyang misis na agad dinila sa ospital.
11:04Nakatakdang mag-usap ang magkabilang panig.
11:06Nagkasunog naman sa isang damuhan sa San Fernando, Pampanga.
11:13Binanot ng makapalausok ang paligid sa lakas ng apoy.
11:16Nabahala tuloy ang mga residente ng barangay Del Pilar na nakatira malapit sa damuhan.
11:21Ayon sa mga rumespondeng bumbero, tumagal ng mahigit sa tatlong oras ang sunog.
11:26Inaalam pa ang sanhin ng apoy.
11:28Tinatayang 2,000 square meters ang nasunog.
11:31Wala namang nasaktan at nadamay na bahay.
11:34Ihilingin daw ng Department of Justice na kanselahin ang passport ni dating presidential spokesperson, Harry Roque.
11:42Ayon sa DOJ, hindi mapapatupad ang warrant of arrest laban kay Roque habang nakabinbin pa ang asylum application ni Roque sa The Netherlands.
11:50Pero sakaling hindi ito katigan ng pamahalaan doon at maaprubahan ng pagkansela sa passport ni Roque, ipadedeport daw si Roque.
11:58Sagot ni Roque, karapatan niyang humiling para sa asylum dahil sa anya'y political prosecution laban sa kanya
12:03ng Marcos administration.
12:06Dagdag ni Roque, kung pumali ang Pilipinas sa Timor-Leste,
12:09kaugnay sa kaso ni dating Congressman Arnold Ter o Arnie Tevez,
12:12mas mababaraw ang pag-asa ng Pilipinas sa The Netherlands.
12:16Nahaharap si Roque sa kasong qualified human trafficking dito sa Pilipinas,
12:20kaugnay sa kanyang kinalaman umano sa Lucky South 99, Pogo.
12:24Dati na niyang itinanggiang aligasyong sangkot siya sa human trafficking.
12:33Dati na niyang itinang你好 использовать
12:39Muammala 548 kit wateron ang t
12:51Kiitos, maa siya!
Recommended
4:42
|
Up next
19:24
10:16
10:53
17:31
21:27
10:57
12:50
12:06
18:02
15:04
14:40
24:03
10:24