Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00.
00:06.
00:07.
00:08.
00:12.
00:14.
00:18.
00:20.
00:22.
00:24.
00:26.
00:28.
00:29.
00:30.
00:38.
00:40.
00:42.
00:44.
00:46.
00:48.
00:50.
00:52.
00:54.
00:56.
00:58.
00:59.
01:01.
01:05.
01:07.
01:09.
01:11.
01:13.
01:15.
01:17.
01:19.
01:21.
01:23.
01:33.
01:35.
01:37.
01:39.
01:41.
01:43.
01:45.
01:47.
01:49.
01:53.
01:55.
01:57.
01:59.
02:01.
02:03.
02:05.
02:07.
02:09.
02:19.
02:21.
02:23.
02:25.
02:27.
02:29.
02:31.
02:33.
02:35.
02:43.
02:45.
02:47.
02:49.
02:51.
02:53.
02:55.
02:57.
03:01.
03:05.
03:07.
03:09.
03:11.
03:13.
03:15.
03:17.
03:19.
03:21.
03:23.
03:25.
03:27.
03:29.
03:31.
03:33.
03:35.
03:37.
03:39.
03:41.
03:43.
03:45.
03:47.
04:15.
04:16Muna ng remotely operated vehicles bago mag-dive itong ating mga divers.
04:20So talagang hihintayin muna yung pao ng informasyon kung saan, at least yung general vicinity,
04:24kung saan pwedeng inihulog itong mga bangkay.
04:31Rafi, magsasagawa pa ng coordination meeting sa pangungunan ng Department of Justice.
04:36Itong search team, maya-maya naman o baka kasalukuyang ginagawa na ito
04:40para i-direct yung search at i-focus sa isang area
04:43batay sa informasyon na hindi pa rin natin hawak or alam.
04:47Ang alam natin, wala pa yung remotely operated vehicles ng Japan
04:50dahil kamakailan lang ito'y naibigay yung request sa Japanese Embassy
04:55para magpadalangan ng ROVs based dun sa mga search parameters na kakailanganin.
05:01Sa ngayon, hindi pa talaga malinaw kung saan gagawin.
05:04Ngayon nga nabanggit natin sa report, pwede dito sa Dalampasigan
05:07or dun mismo sa likuran natin kung nakikita natin yung volcano island,
05:11may mga fish cages din kasi dun.
05:13So tayo, nakaantabay lang kung saan sisimulan
05:16at kung most importantly, ang tanong, makakalapit ba tayo dun?
05:20At posibleng gamitin din yung ROV ng Philippine Navy na meron ding capability.
05:24Maraming salamat sa iyo, Chino Gaston.
05:27Halos siyam na lungsod ng Maynila ang lawak ng taali
05:31kung saan sinasabing itinapon ang mga bangkay na mga nawawalang sabongero.
05:35Pero ano nga bang mangyayari sa kaso kung sakaling walang makitang bangkay?
05:40Ang mainit na balita hatid ni James Agustin.
05:43Maghalas dos na madaling araw na dumating sa Coast Guard Substation sa Talisay, Batangas
05:51ang mga gagamitin para sa search and retrieval operations sa mga labi ng mga nawawalang sabongero sa Taal Lake.
05:57Dinala ang mga ito sa fishport na magsisilbing staging area
06:00at isa-isang ibinaba ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard.
06:03Kabilang dyan ang mga diving suit, fins at oxygen tanks na gagamitin ng mga technical wreck divers.
06:10Nakastandby din ang mga cadaver bath, first aid kits at life rain.
06:14Nakahanda rin ang isang rigid hull inflatable boat o reef na kayang makapagsakay ng sampung tao.
06:20Maging ang tatlong rubber boats na kaya naman makapaglulan ng tatlo hanggang apat na tao.
06:25Ayon sa DOJC, simulan ng paghahanap sa labi ng mga sabongero sa Taal Lake.
06:29Depende sa lagay ng panahon.
06:40Kasama sa composite team na sisisid sa Taal Lake ang elite force ng Naval Special Operations Command ng Philippine Navy.
06:47Tatlong team na may tig-apat na Navy SEALs ang ipadadala nila.
06:50Lahat technical divers na kayang sumisid hanggang 94 meters o 308 feet.
06:55Kagamit din daw ng drone na kayang sumisid hanggang 100 meters.
07:00We could even retrieve underwater objects without sending any diver.
07:04But unless it's quite complicated like yung mga nangyari sa mga lumubog na mga barko na papasukin mo sa loob na mahirapat ang drone,
07:11lalo kung may tethered ang drone mo, then we have to send out divers.
07:14But again, on situation like this, the last option will be the diver.
07:17Makakasama rin sa composite team ang Mines and Geosciences Bureau ng DNR.
07:22Hindi birong hamon nito.
07:24Dahil ang Taal Lake may lawak na 234 square kilometers,
07:28siyam na beses na mas malaki sa lungsod ng Maynila.
07:31Ang lalim niya nasa 198 meters, katumbas ng 60 palapag na gusali.
07:36Malalim kasi yung lake eh. Mahigit 100 meters yan sa deepest part kung saan may crater.
07:43So depende yun kung saan.
07:45And then, yung organic matter kasi na lumulubog,
07:51siyempre lumulubog doon.
07:54Hindi na makapenetrate din yung sunlight kaya madilim.
07:57Binabantayan din ang lagay ng bulkan Taal na nakataas sa alert level 1.
08:00Sa lawa, safe naman yun kasi alert level 1.
08:03Again, PBC lang yung pina-recommend natin na huwag pasokin.
08:08Ang PNP hindi lang daw sa Taal Lake naghahanap.
08:11Meron kami mga ilang nagbibisita.
08:13May mga aires kami na OPR, Latina or Batangas.
08:17But in other parts of the metro and the other area.
08:24Saka na namin idididila.
08:26Sabi ni DOJ, Assistant Secretary Mico Clavano,
08:29walang epekto sa kaso sakaling walang ma-recover na labi sa lawa.
08:33Hindi daw absolutely necessary na mahanap ang katawan ng biktima
08:36para patunayan ng krimen ng pagpatay.
08:40James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
08:44May init-init na balita, relieved sa pwesto ang isang camp commander
08:47at isang commissioned officer ng Bureau of Corrections.
08:51Ayon sa B4, nagtatrabaho ang dalawa sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental, Mindoro.
08:56Sangkot daw sila sa tangkang pagpuslit o pagsmuggle ng mga kontrabando sa pasilidad.
09:01Kabilang dyan ang ilang alak at sigarilyo.
09:04Wala pang pahayag ang dalawa.
09:06Pabugso-bugsong ulan ang naranasan sa ilang bahagi po ng Metro Manila kaninang madaling araw.
09:24Ramdam yan sa ilang kalsada sa Marikina.
09:27Matumal tuloy ang biyahe kanina ng ilang jeepney,
09:31pati na rin po yung benta ng ilang nagtitinda.
09:33Inulan din ang Quezon City gaya po sa ILP Road na may ilang mamimili
09:38at commuter na sumuong na sa malakas na ulan.
09:45Sa Lawag, Ilocos Norte, ramdam din po ang malakas na ulan sa ilang lugar.
09:50Sa Tuba, Benguet naman,
09:52may paguho ng mga bato malapit po sa kalsada.
09:55Isang linya ng kalsada po lamang ang pupwedeng madaanan ng mga motorista.
10:01Magsasagawa na ng cleaning operation sa lugar.
10:04Sa kapangan naman, may naitalaring rock slide.
10:09Inabisuhan na po yung mga motorista na dumaan muna sa ibang ruta.
10:12Ayon sa pag-asa, ang mga nararanasang pagulan ay dala ng hanging habagat.
10:16Dahil sa walang halos walang patit na pagulan,
10:22binahaangil ang lugar sa Baseco Compound sa Maynila.
10:25At may ulat on the spot si Manny Vargas ng Super Radio DZBB.
10:29Manny?
10:29Yes, na kasi, nakaranas nga ng pagbaha sa ilang bahagi ng Baseco Compound sa Port Area dito sa lungsod ng Maynila.
10:38Ayon sa mga residente, wala ito sa naitong tubig, dulot ng halos magdamag na pagulan.
10:43Dagdag pa rito kapag nagkakaroon ng halakayda.
10:46At dahil dito, pahirapan ang pagalakad ng mga residente,
10:49lalo na ng mga bata sa hanggang lagpas gutter na laling ng baha.
10:53Samantala, baliwala naman sa mga residente sa may Block 15,
10:57ang malakas na hampas ng alon mula sa bahagi ng Manila Bay at Ilog Pasig.
11:05Wala naman sa mga residente yung nakatira sa mismong ilog sa kapila ng nararanasan na may kalakasang pagalona.
11:11Samantala sa mga sadaling ito, bagamat mayroon pang baha sa ilang bahagi ng itong Baseco Compound,
11:15hindi na ito kasing taas kanina.
11:17At bahagya din nabawasan yung kanina'y may kalakasang alon sa may bahagi ng Ilog Pasig at ng Manila Bay.
11:25Rafi?
11:26Maraming salamat, Manny Vargas ng Super Radio DZBB.
11:31Mainit-init na balita, nakataas po ang thunderstorm advisory sa Metro Manila.
11:36Ayon sa pag-asa, apektado rin po ang Pampanga, Bataan, Bulacan, Quezon Province at ilang panig ng Zambales.
11:44Pinaalerto ang mga residente mula po sa banta ng baha o landslide.
11:48Tatagal ang thunderstorm advisory hanggang 1244 ngayong tanghali.
11:52Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, uulanin sa mga susunod na oras ang halos buong bansa kasama ang Metro Manila.
12:00Posible ang malalakas na buhos na maaari po namang magdulot ng baha o landslide, lalo sa mga lugar na ilang araw nang inuulan.
12:08Ayon sa pag-asa, hanging habagat ang nagpapaulan sa bansa.
12:12Wala pong direktang epekto sa lagay ng ating panahon ang bagong low pressure area na nasa Batanes area.
12:19Malayo naman ang isa pang LPA na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility.
12:25May medium chance itong maging bagyo.
12:31Arestado ang isang babae sa Quezon City dahil sa pagbebenta o mano online ng malalaswang larawan ng kanyang mga minority edad na anak.
12:39Paliwanag ng suspect sa pulisya, nagawa niya ang krimen ng dahil sa pera.
12:43Balit ang hatid ni Bea Pinlac.
12:45Sa munting bahay na ito sa Novaliches, Quezon City, sinagip ng maotoridad ang tatlong magkakapatid,
12:56dalawang batang lalaki na edad labing apat at apat at isang babaeng labing dalawang taong gulang.
13:07Nilalaku-umanon ang kanilang nanay ang malalaswang litrato ng kanyang mga anak sa mga dayuhan.
13:12Napaka-active mag-offer ng nanay, lalo na yung kanyang bunso at yung babae.
13:21Pero may mga pinapagawa yung foreigner sa kanya na ginagawa niya doon sa mga anak niya.
13:26Mas ino-offer niya yung batang lalaki, base na rin sa request ng foreigner siguro.
13:33Arestado ang 34-anyos na ina.
13:36Ayon sa pulisya, hindi bababasad 2,000 piso ang singil ng suspect kapalit ng mga sensitibong larawan ng mga bata.
13:45Hawak ng DSWD ang tatlong sinagip na anak ng suspect.
13:49Nakikita namin na halos yung ating mga victims ay nagiging biktima rin sa ibang mga transaksyon.
13:56Minsan nakikita sila na yung mga pictures na ito or images na ito ay kumakalit sa internet at kumbaga na ipapasa-pasa na.
14:08Pero hindi ito yung duktong-duktong o magkakakilala na parang sindikato.
14:14Hindi na nagbigay ng pahayagang suspect sa harap ng kamera.
14:17Pero ang sinabi raw niya sa pulisya, kakapusan sa pera ang nagtulak sa kanya para gawin ang krimen.
14:23Pangangailangan nila, pinansyal, ang dahilan ng kanilang pag-alok o paggawa ng ganitong pang-abuso.
14:32Reklamong trafficking in persons at paglabag sa batas kontra online sexual abuse and exploitation of children,
14:39kaugnay ng Cyber Crime Prevention Act ang kinakaharap ng sospek.
14:44Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:49Ito ang GMA Regional TV News.
14:54Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
14:58Patay sa pananaksak ang isang lalaki sa Malasiki, Pangasinan.
15:02Chris, ano yung at sino yung itinuturong mastermind o suspect?
15:07Connie, sariling tiyuhin ang biktima ang sospek sa krimen.
15:12Ayon sa pulisa, nagbibiruan lamang ang 18-anyos na biktima at kanyang nanay tungkol sa nawawalang pera.
15:18Narinig iyon ng tiyuhin ang biktima at kinumpronta ang mag-ina.
15:22Sinabi raw na biktima sa kanyang tiyuhin na ilabas na ang nawawalang pera.
15:27Doon na umano sinuntok ng sospek ang kanyang pamangkin na nakailag pero nadulas.
15:32Nang patayun ang biktima, doon na siya sinaksak ng sospek sa dibdib.
15:36Nasa kustodian na ng polis siya ang sospek na tumangging magbigay ng pahayag.
15:40Naharap siya sa reklamong homicide.
15:44Dalawang tripulante naman ang sugatan matapos masunog ang isang barge na nakaangkla sa Santo Domingo Albay.
15:51Ayon sa inisya na impormasyong nakalap ng mga taga-baranggay,
15:54gas leak mula sa isang kalan ang pusibling pinagmula ng apoy.
15:58Mabilis daw iyong kumalat dahil sa malakas na hangin.
16:01Promespon din naman ang mga taga BFP Bicol.
16:03Isinugod ang dalawang sugatan sa Bicol Regional Hospital and Medical Center sa Legaspi.
16:10Ligtas naman ang dalawampung iba pa na nakaalis agad sa nasusunog na barge.

Recommended