Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/20/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

šŸ—ž
News
Transcript
00:00Babala po sa mga senior citizen, may Lola sa Tondo, Maynila na na-hold up na mga kawatan na karaniwang target daw ay yung mga senior na galing sa palengke.
00:08Ang modus nila alamin sa balitang hatid ni Jomara Presto para huwag maging biktima.
00:16Pauwi na sana sa kanilang bahay ang 77 years old na si Lola Minerva sa Tondo, Maynila matapos siyang mamalengke noong linggo ng umaga.
00:24Makikita ang isang lalaking na kasumbrero na tila nagmamadali at hinahabol ang senior citizen.
00:30Kasunod ng lalaki ang isang babae na nakaputing t-shirt.
00:33Sa isa pang anggulo ng CCTV, makikita na naabutan ng dalawa si Lola Minerva.
00:38Hindi na nahagip sa video pero aniya, nakipagkwentuhan pa sa kanya ang dalawa na nagpakilalang magkapatid.
00:44Pinulungan ako, sabi niya.
00:47Nanay, umahalap kami ka ng mabiling bahay.
00:52Kabababa ko lang, galing ako sa barko eh.
00:55Ipakikilala ko eh kasi yung bago kong misis, yung asawa ko eh asamak ako.
01:01Ang dinali ka sa bandarin eh, alikanay ka.
01:04Makalipas ang ilang minuto, napapayag ng mga salarin ang biktima na sumama sa kanila.
01:09Isinakay umano siya ng dalawa sa isang kotse,
01:12kung saan sumakay rin ang lalaking driver at isang babae na nagpakilalang asawa ng lalaking nakasumbrero.
01:17Isinara mo ngayon yung pinto, doon ako nagwala.
01:21Huwag may nga ikanong driver.
01:23Papatayin ka ikanang.
01:26Hindi nakanaulimat ako, niligyan ako ng ano sa bibig.
01:31Huwag niyo kakaw akong papatayin mga anak.
01:34Huwag niyo akong papatayin, sabi ko ka nun.
01:37Sa pilitan umanong kinuhan ng mga salarin,
01:39ang cash at mga alahas ng biktima na aabot sa 100,000 pesos.
01:44Sinuntok pa raw ang senior citizen sa mukha at binti.
01:47Matapos yan, ibinaba raw siya sa bahagi ng baseko.
01:51Binigyan daw siya ng mga salarin ng 200 pesos na pamasahe pa uwi.
01:55Nagsumbong sa kanya mga apo si Lola Minerva na dumulog naman sa barangay.
01:59Ayon sa barangay, may aktividad noon sa kanila
02:02kaya hindi nakapasok ang pedicab kung saan nakasakay ang biktima.
02:06Alam daw nilang may ganitong modus sa ibang lugar.
02:08Sa akin, sa amin, nabalitaan na namin yan sa ibang lugar.
02:13Nakaraniwang binibiktima yung mga matatanda na namamalengke.
02:17Inaayos na po yan ng kapulisan.
02:19Patuloy ang investigasyon ng motoridan sa nangyari.
02:22Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:26Masamang panahon muli ang naranasan sa ilang lugar sa Mindanao.
02:39Buis-buhay ang pagtulong ng ilang residente sa Tulunan, Cotabato
02:43para makatawid ang ilang istudyante sa ilog.
02:46Stranded sila roon kasunod ng pagragasan ng baha.
02:49Bukod sa ilog, wala raw ibang madaraanan pa uwi ang mga istudyante.
02:52Sa makilala naman, pahirapan ang naging pagbiyahe ng ilang motorista.
02:57Apektado kasi ang visibility sa kalsada dahil sa pagulan na sinabayan pa ng hamog.
03:04Naantala rin ang biyahe ng ilang motorista sa Davao City.
03:08Lampas-gator kasi ang baha sa ilang kalsada kasunod ng pagulan.
03:11Sa General Santos City, isang puno ang humambalang sa Conelagao Road
03:16na tumbayan sa kasagsagan ng malakas na ulan at hangin.
03:20Sa baragay-apopong, isang kubo naman ang nawasak matapos tamaan ng kidlat.
03:23Wala pong bagyo, LPA o habagat pero asahan pa rin ang ulan sa iba't ibang bahagi ng bansa ngayong weekend.
03:34Ayon sa pag-asa, easter lease ang naka-apekto ngayon sa malaking bahagi ng bansa
03:38habang Intertropical Convergence Zone ang umiiral sa Palawan at sa Mindanao.
03:43Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, ulanin ang halos buong bansa sa mga susunod na oras.
03:49Umaga palang bukas at sa linggo, ilang panig na ng Sao do Luzon, Visayas at Mindanao
03:53ang makararanas ng light to moderate rains, higit na matasang tiyasa ng ulan sa hapon at sa gabi.
03:59Posible ang heavy to intense rains na maaaring magpabaha o gumuho ang lupa.
04:04Uulanin din ang Metro Manila ngayon pong weekend.
04:07Mga kapuso, bukas, mararanasan natin ang ating pinakamahabang araw ngayong taon.
04:12Pinatawag yan ang summer solstice ayon sa pag-asa.
04:15Kung kairan, labing tatlong oras ang tatagalang daytime
04:17dahil sa tanong ito ay mas nakaharap sa araw ang northern hemisphere ng mundo
04:22kung saan naroon ang Pilipinas.
04:27Ibinahagi ng ilang Pinoy sa Israel ang bomb shelter na kanilang tinutuloyan tuwing may missile alert doon.
04:33Sa video ni newskeeper Eric Calmaregala,
04:35ipinakita niya ang maliit na kwarto kung saan sila pumupunta ng kanyang amo
04:39kapag may tunog na ng sirena.
04:41Wala itong bintana, pero may makina silang may oxygen para makatulong sa kanilang makahinga.
04:45Nakahanda rin doon ang kanilang higaan, pati mga pagkain na tubig at iba pa nilang pangangailangan.
04:53Kwento na regala, tatlo hanggang apat na beses nagkakaroon ng missile alert sa Israel kada araw.
04:59Isa siya sa mga OFW na nanatili roon sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.
05:05Kaugnay niyan, ipinagbabawal muna ng Department of Migrant Workers ang pagpunta sa Israel ng mga bagong hire ng OFW.
05:12May deployment man din sa Lebanon para sa mga bagong hire at pabalik ng OFW.
05:17Good news para sa mga estudyante, 50% na ang inyong diskwento sa pamasahe sa ilang railway line sa Metro Manila.
05:29Efektibo yan simula ngayong araw sa lahat ng istasyon ng MRT3, LRT Line 1 at LRT Line 2.
05:37Kailangan lang ipakita ang inyong valid ID o di kaya'y updated registration form kung saang paaralan kayo naka-enroll.
05:44Applicable rin ang discount sa mga estudyante na naka-enroll sa post-graduate studies.
05:50Ayon sa Department of Transportation, magagamit ang student discount araw-araw kahit holiday.
06:01Ginigit-git ng motorcycle rider na yan ang isa pang nakamotorsiklo sa Lapu-Lapu, Cebu, maya-maya.
06:07Bumaba ang parehong rider ng motor at nag-away sa gitna ng kalsada.
06:12Paulit-ulit na nanghampas ang naka-asul na damit hawang pinagsusuntok at tadyak siya ng isa pang rider.
06:18Natigil lang ang pisikala ng pumagitna ang kanilang mga asawa.
06:22Agad namang umalis ang naka-asul na rider at kanyang angkas.
06:25Kinumpirma ng city administrator na empleyado ng City Hall ang rider na naka-asul sa viral video.
06:30Batay sa post ng naka-away ng empleyado,
06:32i-hatid dapat niya sa opisina ang kanyang asawa nang mabundol sila.
06:36Nabasag ang kanyang plate number at signal light.
06:39Nang hindi makuha ang pansin, doon na raw niya hinabol at hinarangan ang naka-asul na rider.
06:44Ayon sa mga otoridad, lumapit na sa kanilang biktima at hinimok nila na magsumitin ng reklamo laban sa empleyado.
06:50Ipinatawag na rin ang empleyado at pinagsusumitin ng written report.
06:54Wala pa siyang pahayag.
06:58Sa Quezon City naman, tumilapo ng isang motorcycle rider at ang kanyang angkas ng mga bangga sila
07:03ng isa ring naka-motorsiklo ng minor de edad.
07:06Balitang hatid ni James Agustin.
07:08Papahinto na sana ang magka-angkas sa motorsiklo sa baging ito ng Banlat Road sa barangay Tandang, Sorra, Quezon City.
07:16Pasado alas 10.30 ng gabi noong miyerkules.
07:19Nambiglang sumulpot ang isa pang motorsiklo.
07:22Mabilis ang takbo nito at binangga sila.
07:24Sa lakas ng impact, tumilapo ng mga biktima.
07:27Ang mga nakabangga naman tumakas.
07:29Sa anggulong ito ng CCTV, kita na lumiko ang mga nakabangga sa upper Banlat Road.
07:34Saglit silang huminto pero nagpatuloy pa rin sa pagtakas.
07:38Tumago sila patungo sa Australia Street.
07:41Ayon sa pulisya, nagtamuong lalaking motorcycle taxi rider ng gasga sa kamay
07:45habang ang babaeng pasahero iniindampan na nakit ng katawan.
07:49Ayon sa ating babaeng biktima na pasahero ng isang motorcycle rider taxi
07:55habang papagilid at pababana malapit sa kanyang tinitirahan
07:59ay nahit sila ng isang mabilis na motorsiklo
08:04at nagtuloy-tuloy lang po ang nasabing motorsiklo.
08:07Unang natunto ng pulisya ang motorsiklo na kabangga sa mga biktima
08:10na pagalaman ang nagmamaneho nito ay 14 anyo sa lalaki.
08:15Binalikan po natin kung saan natagpuan ang motor
08:18at may isang lalaki na lumapit sa ating kasamahan
08:23at nagsabi na ang kanyang anak ay yung rider na tumakas sa nasabing banggaan sir.
08:32Ayon po sa tatay ng minor, habang siya ay natutulog,
08:37tinakas ng kanyang anak ang nasabing motorsiklo para kumain sa isang convenience store.
08:43Hindi na nagsampan ang reklamo ang mga biktima na nakaharap ang minor de edad at kanyang tatay.
08:47Ang magamaso may lalim sa counseling ng Social Services Development Department o SSDD.
08:53Patuloy namang tinutuntun ng pulisya ang angkas ng minor de edad.
08:56James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:02Ito ang GMA Regional TV News.
09:08Mayunit na balita mula sa Luzon atid ng GMA Regional TV.
09:11Balik-kulungan ang isang lalaki sa Talisay, Batangas dahil sa pagpatay.
09:16Chris, sinang sinasabing biktima niya?
09:19Rafi, isang senior sa bayan, ang pinatay umano ng sospek.
09:23Ayon sa pulisya, naglalaro ng bingo ang biktimang si Gerald Moreno kasama ang kanyang mga kaanak nang dumating doon ang sospek.
09:30Sa gitan ng pag-uusap nila, bigla na lamang daw binaril ng sospek ang ulo ng biktima.
09:36Natuntun ang sospek matapos ang ilang araw.
09:39Na-recover sa kanyang baril na ginamit umano sa krimen.
09:41Maging ang suot niya raw noon na jacket, sumbrero at ang motorsiklo na ginamit daw niya sa pagtakas.
09:48Sasampan ng reklamong murder ang sospek na itinatanggi ang paratang.
09:52Nakulong na siya nitong Mayo dahil sa illegal possession of firearms.
09:56Inaalam na rin ang pulisya kung may iba pang kasabwat o mastermind sa pagpatay.
10:01Paghihiganti ang tiniting ng motibo sa krimen.
10:04May mga nakikita pa rin pakete ng hinihinalang syabu sa dagat na sakop ng Cagayan.
10:12Martes ang mga na makita ng isang mangisda ang isang sako na may Chinese characters sa pagitan ng Camigin Island at Cape Engano.
10:20Isang mayisda rin ang nakakita ng sako na nagalaman ng bloke-bloke ng hinihinalang syabu malapit sa Babuyan Islands sa bandang Gonzaga at Santa Ana.
10:30Sa Santa Praxedes naman, isang barangay kagawad ang nakakita ng mga pakete ng palutang-lutang sa dagat noong Sabado.
10:39Bago nito, may mga nakita rin sako ng hinihinalang syabu sa mga baybaying bahagi ng Claveria at Calayan.
10:45Sa kabuan, halos 500 milyong piso na na halaga ng mga natatagpuan hinihinalang syabu sa dagat ng Cagayan.
10:53Bukod pa ito sa mga natagpuan na rin, kamakailan sa Pangasinan, Ilocos Sur at Ilocos Norte.
11:03Happy Friday mga mari at pare!
11:06Biyahing abroad si na Dennis Trillo at Jeneline Mercado para sa kanilang upcoming Kapuso Action Series na Sanggang Dikit for Real.
11:17Sika ng Ben Jen sa inyong kumare, isushoot nila sa Zurich, Milan at Dubai ang hilang ahabulan at intense scenes kasama ang kanilang co-stars.
11:28Mas extra special din daw ang kanilang two-week work trip dahil sanggang dikit nila ang anak na si Dylan.
11:34At makakabonding pa ang Global Pinoy sa ilang events ng GMA Pinoy TV.
11:40Para kina Den at Jen, big project talaga ang serye kaya looking forward na silang mapanood ito ng fans sa June 23.

Recommended