Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sa ibang balita, pinag-aaralan ng Department of Finance na itaas ang license fee sa mga online gambling company.
00:07Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, mula 25%, tinitingnan kung pupwedeng itaas ang license fee hanggang 40%.
00:15Pero sinusuri pa nila ito dahil kung masyado namang mataas, baka dumami naman daw ang mga iligal na operasyon.
00:22Pinag-aaralan din daw ang paglimita sa oras ng pagtaya o betting.
00:26Nakikipag-ugnayan na raw sila sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o PADCOR kaugnay nito.
00:32Bukas daw ang kalihim sa lahat ng sugestyon para ma-regulate ang online gambling.
00:41Tinawag na malaalis go ng National Bureau of Investigation ang kaso ng isang babaeng Chinese national na kanilang na-aresto.
00:48Ayon sa NBI, nakatanggap sila ng sumbong tungkol sa pagpapanggap ng babae bilang Pilipino at paggamit niya ng pangalang Pinoy.
00:55Para raw yan sa kanyang mga negosyo sa bansa na may kinalaman sa modern jeepney.
01:00Para makumpirma ang sumbong, kinumpira ng NBI ang fingerprints ng suspect na mag-apply siya ng NBI clearance sa fingerprints niya
01:07mula sa Board of Investment at sa Biometric Printout mula sa Department of Foreign Affairs.
01:12Mahaharap siya sa reklamong paglabag sa Philippine Passport Act.
01:16Hindi nagbigay ng pahayag ang suspect ng aming tanungin.
01:19Sa taong 2032, inaasahang matapos ang Metro Manila Subway na mula Valenzuela hanggang Taguig.
01:29Sa ngayon, na-resolve ba na raw ang ilang right-of-way issue?
01:32At may ulat on the spot si Joseph Morong.
01:35Joseph?
01:35Yes, Connie.
01:38Ininspeksyon ni Transportation Secretary Bean Seaton at Public City Mayor Vico Soto
01:42ang bahagi ng lupang tatayuan ng Ortigas Avenue Station ng Metro Manila Subway.
01:48Wala pang nabubungkal dito sa ngayon dahil sa issue ng right-of-way.
01:52Pero ayon kay Secretary Dito, na-resolve ba na ito?
01:54Kamakailan lamang?
01:56At maaari ng simula ng konstruksyon sa lugar na magiging Ortigas Station ng Metro Manila Subway?
02:01Pwede raw yan next week, tatlong taon na na nadelay ang konstruksyon na 2022 pa
02:06na ay-award ang kontrata sa isang kumpanya.
02:09Dudogsong ito, Connie, sa Camp Aguinaldo Station na kasalukuya naman ay naguhukay na ang tunnel boring machine.
02:17Kung walang magiging aberya pa, tatagos na ang tunnel boring machine dito, dun sa Ortigas Station,
02:23sa huling quarter sa susunod na taon.
02:26Umaasa naman ng lokal na pamahalaan na matatapos ang proyekto.
02:29Lalo pa at marami ang aasa dito ng mga residente at manggagawa sa Partig.
02:35Connie, ayon kay Secretary Dito niyong buong proyekto ng subway na mula nga Valenzuela hanggang sa Taguigay matatapos sa 2032.
02:42Pero susubukan daw nilang makapagpatakbo ng dalawang stasyon muna,
02:46mula sa Valenzuela hanggang sa Quirino sa 2028, Connie.
02:51Maraming salamat, Joseph Morong.
02:52Kasabay ng bagong 20th Congress, may mga napili ng Chairman sa mahigit tatlongpong kumite sa Senado.
03:02Apat na kumite ang pamumunuan ni Sen. Alan Peter Cayetano, pinakamarami sa ngayon.
03:07Ang kapatid niyang si Sen. Pia Cayetano, may tatlong kumite.
03:11Gayun din ang magkakaalyado ng Senador na si Robin Padilla, Bongo at Aimee Marcos.
03:17Ang baguhang Senador na si Rodante Marcoleta, Chairman ng Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga sa mga katiwalaan sa gobyerno,
03:25pati ng Trade and Commerce and Entrepreneurship Committee.
03:29Tigdalawa rin ang pamunuan kumite ng magkapatid na Irwin at Rafi Tulfo, pati si Sen. J.V. Ejercito.
03:35May tigisang kumite naman ang mga kilalang kaalyado ni Minority Sen. Risa Ontiveros na si Sen. Kiko Pangilinan at Bam Aquino.
03:44Agriculture kay Pangilinan, habang basic education naman kay Aquino.
03:48Meron ding tigisang kumite si Sen. Joel Villanueva, Wyn Gatchalian, Bato De La Rosa, Jingo Estrada at magkapatid na Mark at Camille Villar.
03:58Wala pang kumite chairmanship ang limang minority senators na si Natito Soto, Ping Lakson, Mig Zubiri, Loren Legarda at Ontiveros.
04:08Gayun din si Sen. Lito Lapid sa Majority Block.
04:11Sa ngayon, siyam na kumite pa ang walang chairman.
04:13At kaugnay ng pagbubukas nga ng 20th Congress at iba pang issue, nakasalang sa Balitang Hali sa Sen. President Cheese Escudero.
04:24Magandang umaga at salamat po sa pagpapaunlak ng panayam sa amin po dito sa Balitang Hali.
04:30Rafi, magandang araw sa iyo. Magandang hali po pagbati mula sa Senador.
04:36Opo. Para sa ating mga manonood, paano po ba proseso at tabasihan yung pagpili sa mga kumite na hahawakan po ng bawat Senador?
04:44Apat na put-isa ang kumite, Rafi, at dalawang put-apat lamang ang Senador.
04:49Pero usually, apat sa dalawang put-apat ay walang kumite.
04:54Kabilang na ako, ang Majority Leader, ang Pro Temp, at ang Minority Leader.
04:58By tradition, walang mga kumite ang hinahawakan yan dahil officers sila ng Senado.
05:03So, yung apat na put-apat, paghahatian niya ng dalawang pung Senador.
05:08So, higit talaga sa isang kumite, usually, ang pangahawakan ng kada Senador.
05:14Ang Mayoria, ang Majority, Rafi, ang nagdedesisyon niyan.
05:18Ang Minority naman, kaya hindi pa nagpapasya dahil hindi pa tapos mag-organize ang Majority.
05:24Pag natapos na ang Majority mag-organize, dun pa lamang mag-organize ang Minority.
05:28Wala pong kinalaman niya ng seniority o yung tagal sa Senado para magkaroon ng chairmanship at mga particular na kumite.
05:36Wala pong kinalaman niya, Rafi.
05:37Lahat kami ay pare-parehong Senador.
05:40Matandaman o bata, matagal ng nanilbihan o bago lang.
05:44Hindi sinusukat ang kakayahan ng isang Senador base sa haba ng oras o ikli ng oras ng kanyang paninilbihan.
05:51Dahil pare-pareho lamang naman kaming binoto ng sambayanan at pare-pareho kaming tigi-tigi sa lamang ng boto sa Senado.
05:58E ano pong mangyayari dun sa limang Minority Senators na walang committee chairmanship at dun sa siyem na committee pa na wala pang chairman?
06:05Kailan po ito mapupunan?
06:06Lahat sila makakaroon ng Komite, Rafi.
06:08Tulad ng sinabi ko, inuuna lamang mag-organize ang majority.
06:13Pag natapos mag-organize ang majority, ang minority naman ang iyo-organize.
06:18Itong Senadong to, nagdaang Senado man, merong komite yung mga miyembro ng minority except for the minority leader.
06:26Gaya nang nasabi ko, dahil by tradition yung apat na officers ng Senado ay usually walang komite.
06:33Maliban na lamang kumigusto sila.
06:35Okay. E reaction niyo po dun sa sinabi ng Kamara na bakit sila yung tinuturo niyong pinagmula ng issue tungkol sa aligasyong budget insertions dun sa 2025 national budget?
06:44Dahil kilala naman namin, Rafi, yung mga operator at kilala namin yung mga gumagalaw sa media,
06:50dagdag pa dito, mula nung ginawa namin kung ano ang tingin naming tama kaugnay sa impeachment,
06:58eh hindi naman ako tinigilan ng mga miyembro ng Kamara.
07:01Hindi ko lalahatin, Rafi.
07:03Ilan lamang naman dun na purusigido at gigil na gigil.
07:08Dito sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na tinayoan ko lamang naman kung anong tama
07:15at hindi naman sila ginigipit o may pinapaborang partido.
07:18Par for the course, Rafi.
07:20Kasama yan sa trabaho ko bilang, taga-Pangulo ng Senado.
07:23Hindi naman ako nagre-reklamo sa ginagawa nila.
07:26Dahil alam ko naman kung anong totoo at anong hindi.
07:29Nabanggit niyo po yung impeachment at trial ni VP Sara Duterte.
07:31May general consensus na po ba kayo mga Senador?
07:34Ano na po mangyayari?
07:34Ang consensus namin ay ito ay pagpapasyahan namin sa August 6.
07:40A date certain ang sinet po ng Senado para sa ganyan ay mapag-aralan, makapag-muni-muni
07:46ang mga miyembro ng Senado kaugnay sa napakabigat na desisyong ito.
07:51At yung desisyon mismo, 97 pages excluding the concurring opinions of the other members of the Supreme Court.
08:00At hindi naman po lahat ay nag-aral ng abogasiya kung kailangan mabigyan ng konting panahon pa.
08:07Ako nga, humihingi din ako ng konting panahon pa sa aking kabangkasamahan.
08:10Kaugnay ng pagbabasa at pagunawad dun sa desisyon bago namin igawad ang aming pagpapasya.
08:17Kaugnay nito.
08:18Meron akong personal opinion at pananaw.
08:21Pero syempre, ang mananaig pa rin ay ang pasya ng mayoria ng Senado sa pamamagitan ng botohan, Rafi.
08:27Mahalaga po ito, magiging President na ikaw nga.
08:30Pero komento po kasi ng ilang legal experts,
08:32hindi dapat nahahadlangan ng Korte Suprema yung mandato ng Senado
08:35na maglitis at magpasya tungkol sa impeachment case.
08:38Ano pong masasabi nyo tungkol dito at magiging bagay po kaya ito na diskusyon?
08:42Rafi, yung mga legal expert na sinasabi mo ay pabor sa impeachment at kontra kay VP Sara.
08:50Partisano na yan. Bakit ko sinabi yan?
08:52Nung aming binaba yung order ng Senado,
08:54na sinasabi namin na tinatanong namin ng Kamara,
08:57nag-comply ba kayo sa one-year ban o hindi?
09:01Ang mga kritikong yan ang sinabi,
09:04walang pakialam ang Senado sa one-year ban.
09:07Walang pakialam ang Senado sa konstitusyon.
09:10Korte Suprema lamang ang pwede magpasya.
09:12Ngayong nag-decide naman ang Korte Suprema,
09:14ang sinasabi nila ay ang Senado dapat wag sunod din ang Korte Suprema.
09:19Ay ang Senado dapat sole judge ng impeachment.
09:21Sila lamang dapat nabibigilangan mo siya.
09:24Hindi naman ganun ang batas.
09:26Hindi naman yan nagbe-bend depende sa interes at gusto mo.
09:30Depende sa panig na kinabibilangan mo.
09:33Ang batas ay batas.
09:34Ang konstitusyon ay konstitusyon.
09:36Sangayon man tayo o hindi sa disisyon ng Korte Suprema,
09:40marapat lamang at dapat.
09:42Lalo na ako bilang abogado at officer of the court.
09:45Dapat galangin yan.
09:46Okay, abangan po natin yung diskusyon dyan po sa Senado
09:50at yung magiging pasya ng inyong mayorya.
09:53Maraming salamat po, Senate President Cheese Escudero.
09:55Maraming salamat, Rafi.
09:56Maraming salamat muli sa ating mga tigasabay-bay.
09:58Good noon.
09:59Salamat po.
10:00Mula sa mga tasks sa bahay ni Kuya,
10:10magpapagalingan naman sa paghula ng Good and Right Answers
10:14ang PBB Celebrity Collab Big 4 Duo sa Family Feud.
10:20It feels like I'm Morgan Rivera today.
10:24Mierkulit na saya at tawa na ng hatid ng ex-housemates.
10:28Kabilang dyan ang big winners na sina Brent Manalo at Mika Salamaka o Breka.
10:32Second big placers na sina Ralph DeLeon at Will Ashley o Rawi.
10:36Nakikisaya rin ang third big placers na sina Charlie Fleming at Esnir o Charez.
10:41At fourth big placers, AZ Martinez at River Joseph o Asver.
10:46Mamaya na yan, 5.40pm sa GMA.

Recommended