Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mainit-init na balita, may bago ng Commanding General ang Philippine Army.
00:05Siya si Lieutenant General Antonio Nafarete.
00:08Bago maging Commanding General ng Philippine Army, si Nafarete, ang jepe ng AFP Western Mindanao Command simula noong November 2024.
00:17Pinamunuan din niya ang 1st Infantry Division at Joint Task Force Zampellan ng West Mincom.
00:24Kasama rin diyan ang ilang posisyon sa iba't ibang infantry ng military.
00:27Pinalitan niya si Lieutenant General Roy Galido.
00:30Ang iba pang detalye kaugnay niyan, iahatid namin maya-maya lang.
00:37Isang club disc jockey o DJ ang patay matapos barilin ang riding in tandem sa Las Piñas.
00:43Kabilang sa tinitingnan sa imbistigasyon ang kaugnayan ng biktima sa iligal na droga.
00:48Balitang hatid ni Jomara Presto.
00:49Magpapag-gasolinasan ang pickup na iyan sa bahagi ng Pamplona Uno sa Las Piñas City, mag-aalas 10 kagabi.
01:00Maya-maya, dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang huminto.
01:04Bumaba ang angkas, lumapit sa pickup at biglang.
01:07Makikita sa video na nakaabante pa ang pickup ng biktima kasabay ng pagtakas ng riding in tandem.
01:15Nandito ako sa gasolinan kung saan pinagbabarel ang biktima.
01:18Kung may kitinin niyo sa aking likuran, e bumanga yung pickup na daladala niya.
01:22Sabi ng pulis siya, tumagal pa ng ilang minuto bago nila napatay ang makina ng kotse.
01:28Naisugod sa ospetal ang biktima pero e diniklarang dead on arrival.
01:31Lumalaba sa investigasyon ang 34-anyos na biktima, isang freelance disc jockey o DJ na tumutugtog sa iba't ibang club at bar.
01:40Sa kuhang ito, makikita ang dugo ang biktima na may hawak na isang sachet.
01:44Before dalhin yung biktima sa ospital, nung ina-extract na siya, nagkataw meron siyang hawak na sachet na may powderized substance.
01:55So suspected, maybe illegal drugs.
01:58Dagdag pa ng pulis siya, ilang sasya'y din ang hinihinalang iligal na droga ang natagpuan sa kanyang bag.
02:05Malaki raw ang posibilidad na drug-related ang ugat ng pagpaslang sa biktima.
02:09Yun ang tinitingin natin na maaaring galing sa bahay papunta rito hanggang siya ay sundan at abangan at pagbabarili.
02:15Mukhang caliber port ipabi yung mga cartridge cases niya. But still, kailangan pa mag-undergo ng porosin.
02:22Sinubukan namin makipag-ugnayan sa nanay ng biktima pero tumanggi siyang humarap sa kamera.
02:26Sabi niya, kauuwi lang ng kanyang anak mula sa Malaysia. Wala raw siyang ideya kung sino ang pumatay sa kanyang anak.
02:34Patuloy ang backtracking at hot pursuit operations ng pulis siya para mahuli ang mga salarin.
02:39Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:43Bistado ang tangka umanong pagpuslit ng hinihinalang iligal na droga ang ketamine sa Port of Clark sa Pampanga.
02:51Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, nakakuha sila ng impormasyon na may paparating na parcel mula Belgium.
02:57Dumating ito sa pantalan noong July 24.
02:59Kahapon naman, nasa batang umanong ketamine na mahigit limang kilo.
03:03Isa sa ilalim pa ito sa Forensic Examination at Conformatory Analysis.
03:13Magpapaulan rin po ang hanging habagat sa ilang lugar sa bansa ngayong araw.
03:17Kabilang dyan ang Ilocos Norte, Apayaw at Babuyan Islands na makararanas ng occasional rains o pabugsu-bugsong pagulan.
03:25Magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pagulan sa gitnang Luzon sa nalalabing bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.
03:37Dito po sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
03:39Bahagyang magiging maulap at asahan ho ang isolated rain showers at thunderstorms.
03:45Batay naman sa Metro Weather, katamtaman hanggang mahinang pagulan ang mararanasan sa malaking bahagi ng Northern at Central Luzon.
03:53Uulanin din ang iba pang bahagi ng Luzon.
03:56Malaking bahagi naman ng Visayas ang magiging maaliwalas ang panahon.
04:00Sa Mindanao naman, may kalat-kalat na pagulan mamayang hapon.
04:04At dito po sa Metro Manila, magiging maaliwalas din ang panahon hanggang mamayang hapon.
04:09Mula sa orihinal na schedule noong June 13, posibleng iurong na sa 2027 ang simula ng EDSA Rehabilitation.
04:19Ayon kay Department of Public Works and Highway, Sekretary Manuel Bonoan, ayon ang Pangulo na isara ng matagala mga lanes sa EDSA.
04:26Pusibleng kasing makasagabal ito sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit sa 2026 na Pilipinas ang host.
04:32Bukod dyan, hinihintay parawang pa siya ng Pangulo sa rekomendasyon ng DPWH tungkol sa teknolohiya ang gagamitin sa naturang proyekto.
04:40Pinasuspindi muna ng Pangulo ang EDSA Rehabilitation para mapag-aralan kung mapapabilis pa ito.
04:46Target daw ng DPWH na matapos ang EDSA Rehab sa loob ng 6 na buwan.
04:53Ito ang GMA Regional TV News!
04:57Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
05:03Nahulog po sa bangin ang isang loader sa La Trinidad, Benguet.
05:08Chris, kamusta yung sakay ng heavy equipment?
05:13Connie, dalawa sa mga sakay ng loader ang nasawi.
05:17Basis embesigasyon na pulisya, pawang mga empleyado ng Benguet Provincial Engineering Office,
05:21ang grupo na patungo sana sa Barangay Bineng para magsagawa ng road clearing operations kasunod ng landslide doon.
05:29Habang pababa sa pakurbang bahagi ng kalsada sa Lower Kesbeng,
05:33nawalan umano ng preno ang driver ng loader kaya nahulog ito sa bangin na may lalim na sandaang metro.
05:39Bugod sa dalawang nasawi, dalawang iba pa ang sugatan, kabilang na ang driver ng loader.
05:44Patay naman ang isang barangay tanod matapos na barilin habang nasa isang gasolinahan sa Bayambang dito sa Pangasinan.
05:52Sa desegasyon ng pulisya, nagpapagas ang biktima ng nilapitan siya at parilin.
05:57Ang sospek kapitbahay niya na nakilala sa pamamagitan ng CCTV video.
06:03Tumaka siya ngunit nahuli rin kalaunan sa SWAL.
06:06Ay sa mga otoridad, dati nang may galit ang sospek sa biktima na nagpa-blutter sa kanya dahil sa pagsasara ng isang daanan.
06:15Sinubukan ng GMA Regional TV na kuna ng pahayag ang sospek, ngunit hindi siya nagpaunlak ng panayam.
06:23Nagpaliwanag si Aga, party list representative ni Canor Briones, matapos makunang nanonood ng sabong habang nasa kongreso.
06:31Nagviolet po ang video na ipinose ng pahayag ang Daily Tribune kung saan kitang nanonood ng isabong ang isang kongresista habang nagbobotohan daw para sa house speakership nitong lunes.
06:42Bawal ang isabong sa bansa.
06:49Meron lang nag-message sa akin yung pamangking ko na gustong mag-invite ng traditional na sabong na gusto ako lumaban.
07:02Hindi naman ako interesado, hindi naman ako nagsasabong.
07:07Tawag ni Briones na fake news na nagsasabong siya.
07:11Hinala niya may gustong manira sa kanya.
07:14Humingi siya ng paumanhin sa kamera at sa publiko dahil sa kontrobersya.
07:17Pinatawad na rao niya ang sino mang kumuha sa video.
07:24Kung ano man ang motibo mo, pinatatawad na kita.
07:27Ang akin lamang masasabi, huwag mo nang uulitin dahil baka sa susunod ay makakulong ka na.
07:34Pinaninindigan naman ang Daily Tribune ng kanilang report na nakunang nanonood ng isabong ang kongresista.
07:41Sa isang pahayag, hiniling nilang i-review ng kongresista ang kanilang post.
07:45Pinalagan din ang pahayagan ng umano'y pagbabanta ni Briones tungkol sa pagpapakulong.
07:50At sinabing magpapatuloy sila sa pagbabalita ng walang takot at walang kinakampihan.
07:57Sinusubukan ng GMA Integrated News na kunan ng komento si Briones kaugnay sa pahayag ng Daily Tribune.
08:04Nagsumbong ang mga kaanak na ilang nawawalang sa bongero na meron daw mga nagpapakilalang taga PNPC IDG
08:16na humihimok sa kanila na kasuhan si Julie Dondon Patidongan at idiin daw na siya ang mastermind sa kaso.
08:23Iniimbestigahan na ito ng Department of Justice.
08:26Susurin din ang motoridad ang bungo at mga buto ng taon na nakita sa Taal Lake sa Batangas.
08:31Balitang hatid ni Salima Refran.
08:34Isang linggo rin na suspende ang diving operation sa Taal Lake dahil sa masamang panahon.
08:40Sa pagpapatuloy ng operasyon sa paghahanap sa mga nawawalang sa bongero, may narecover daw na bungo at ilang buto ang Philippine Coast Guard.
08:49May kasamang bungo ng tao at mga buto.
08:54Nandun yung ngipin eh. May ngipin na kasama.
08:57May DNA rin yun eh kasi parang buong buko pa yung nakakabit pa sa skull.
09:03So baka doon sa ngipin mismo may DNA pa.
09:06Nakuhang mga ito sa mga kwadrant ng lawa na itinuro ni Julie Dondon Patidongan.
09:12Makikita mo talaga reliable yung sinasabi ng ating testigo na doon nga tinatapon at dinidispatch siya yung mga labi ng mga taong pinapatay.
09:28At marahil hindi lang makahanap dyan, hindi lang siguro krimen sa sabong.
09:32Ngunit sabi ko nga maaaring sa drug war, maaaring ibang krimen na na-involve ang death squad na to.
09:39Gaya ng ibang na-recover sa Taal Lake, isa sa ilalim din ang mga buto sa forensic examination at DNA collection.
09:46At posibleng ikumpara sa dental records.
09:49So mailalim naman sa dagdag na interview ng Department of Justice ang bagong saksing magpapalakas umano ng kaso.
09:56Posibleng ipasok siya sa Witness Protection Program.
09:59Binubuo na namin yung mga affidavit para yung complaint pwede na i-file.
10:03Hinug na, hinug na yung kaso.
10:05Sabihin ko sa ating mga kasama na paspasa na. Kasi nga, ang tagal na natin hindiin tayo ito.
10:12Iniimbestigahan na rin ang DOJ ang sumbong ng ilang kaanak ng missing sa Bungeros na gusto ng ilang nagpakilalang polisi IDG.
10:20Nakasuhan nila si Pati Dongan at idiin daw siya bilang mastermind ng pagdukot sa mga nawawala.
10:26Tumawag po sa akin si ***.
10:29Then ang sabi niya sa akin, according to sa pidabit namin, ang kakasuhan daw na po namin ay isa si Mr. Dongan Pati Dongan.
10:36Sabi ko, bakit niyo po kakasuhan si Sir Dongan?
10:39Yung po ang sabi sa akin yung mga ***.
10:41Hindi naman daw dapat paniwalaan yung mga salita ni Sir Dongan.
10:45Kaya nag-iimbestiga sila ng panibago.
10:47Sa statement pa lang po nila na pabago-bago, tapos ang gusto nila akong palabasin,
10:52sila Sir Dongan yung may kasalanan po talaga sa lahat o sila yung mastermind.
10:56Nanindigan ng mga kaanak na hindi sila piperma sa affidavit kapag kinasuhan si Pati Dongan.
11:01Isa yan sa mga ulat sa amin na may mga kumikilos na ganyan ang gusto mangyari.
11:06Kaya na-relieve na yung service director ng CIDG.
11:09Nauna nang hiningi ni Remulia kay PNP Chief General Nicolás Torre III na alisin muna sa pwesto
11:15ang isang service commander dahil sa issue ng tiwala sa paghawak sa investigasyon.
11:20Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang PNP.
11:23Nitong weekend lang ay hepe pa ng CIDG si Brigadier General Romeo Macapas.
11:29Sabi niya sa isang text message,
11:31bineberipika pa nila ang impormasyong may mga polis CIDG
11:34na nagpapadiin kay Pati Dongan sa mga kaanak na mga nawawala.
11:39Ang abogado naman ng labing dalawang polis na pinaharap sa mga kasong administratibo
11:44matapos isangkot sa pagkawala ng mga sabongero,
11:47humingi muna ng panahong makausap ang mga kliyente bago magbigay ng pahayag.
11:53Salima Nefra, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended