00:00Effecto ng bagyo at habagat sa sektor ng agrikultura at assistance sa mga magsasaka ating tatalakayin kasama si Assistant Secretary Arnel de Mesa,
00:10ang tagapagsalita ng Department of Agriculture.
00:13Asik Arnel, magandang tanghali po.
00:16Magandang tanghali po, Commissioner Romeo, Asik Joey, magandang tanghali po sa lahat ng taga-subaybay.
00:20Asik sa inyong initial assessment, ano na po ang pinakahuling tala ng pinsala sa mga pananim, palaisdaan at alagang hayop, bunga ng bagyong, krising at habagat?
00:32Gaano po kalaki ang volume ng produksyon na nawala?
00:36Commissioner, sa huling datos at bulletin na nakalap natin base sa mga validation ng ating makasamahan sa regional field offices at local government units,
00:46ay nasa 323 million po yung danyos nasa sektor ng agrikultura at nasa 10,000 metric tons yung napinsala naman na volume of production.
00:59Karamihan po nito, about 66% ay nasa ating mga palayan, 25% po ay nasa high value crops at yung natitira man po na less than 9% ay sa ating maisan,
01:12may mga namatay din po na ilan natin ang mga livestock at saka po mga sa pangisdaan natin.
01:18Ganoon na rin po mga maliliit na infrastruktura sa erigasyo.
01:23Asik, Carnell, base dun sa initial field validation ng mga regional offices, may posibilidad po ba na mas lumaki pa yung halaga ng pinsalang nabanggit ninyo?
01:33Yes, asik, Joey, continuous yung ating pagkalap ng mga datos galing sa ating mga field offices.
01:41At ito nga, papasok mamayang gabi yung Bagyong Emong dito sa Bandang Norte at inaasahan natin na magdudulod din ito ng mga additional damage sa ating mga sakahan
01:54at nakahanda naman yung ating mga field offices na tumugon para sa panila.
02:00Asik, ano-ano pong regyon o probinsya ang labis na naapektuhan at paano po ang naging tugon ng DAs sa mga lugar na ito?
02:08Commissioner Sang, ngayon po ang pinakamalaking Danyos ay sa Mimaropa at 121 million.
02:18Susunod po ang Western Visayas at 70 million.
02:21At pangatlo po ay dito sa Central Mindanao.
02:25At ang pinakamalaki po in terms sa probinsya ay dito po sa Occidental Mindoro at 68 million.
02:33At ang Palawan at 45 million.
02:36Ito rin po sa North Cotabato ay nasa 58 million naman po ang naging pinsala sa ating sakahan.
02:43Asik Arnel, may tanong po mula sa ating kasamahan sa GMA Integrated News na si Bernadette Reyes na nakabit po sa DA.
02:53Mayroon pong naitalang pagtaas sa presyo ng gulay at isda.
02:58So ano po ba yung reasonable na pagtaas ng presyo at paano matitiyak ang sapat na supply ng gulay at isda sa mga susunod na araw?
03:07Asik Jowid, doon sa monitoring natin, base doon sa supply na meron tayo in terms sa bigas, sa gulay.
03:16Marami tayong supply. Actually sa gulay, kakaharvest lamang yan bagamat yung mga naapektuhan, yung mga huling nagtanim.
03:23So kung meron man mga pagtaas, hindi yan dapat aabot ng hanggang 10% asik Jowid.
03:29Okay. Anong klase naman pong tulong ang agad pong ipinamamahagi ng DA sa mga apektadong magsasaka at manging isda?
03:37Mari po ba ninyong ibahagi ang detalya nito?
03:41Yes, Commissioner. Actually, more than 1.2 billion yung naka-standby natin na pondo para dito sa mga ongoing ngayon natin na calamities.
03:50Karamihan po nito, about 545 million yung mga preposition natin na binhinang, palay, mais, gulay, yung mga drugs and biologics natin para sa ating livestock.
04:02Ganoon na rin yung ating fish stock at saka po yung paraphernalia para sa fishery sector.
04:06Ito po ay naka-preposition at pag ready na po uling magtanim ang ating mga magsasaka ay ipapamahagi po agad ito ng ating mga field offices at tuwang ang mga lokal na pamahalan.
04:18Kasama na rin po rito, nag-standby din po ang Agricultural Credit Policy Council ng 400 million pesos para sa survival and recovery loan.
04:27Ito po yung 25,000 pesos na pwedeng hiramin ng mga individual na magsasaka at manging isda sa atin pong ACPC.
04:35Ang atin naman pong Philippine Crop Insurance Corporation ay initially naglaan po ng 268 million pesos para sa indemnification.
04:45About 10,000 to 15,000 pesos po ito sa about 45,000 na mahigit na beneficiaries po o yung mga insured beneficiaries na tatamaan po o tinamaan itong habagat at saka bagyong krising.
05:01Ganoon din naman po ay meron tayong 1 billion pesos na quick response fund.
05:06At pag naubos po ito ay nagkakaroon naman po ng replenishment upon our request sa Department of Budget and Management.
05:13So ito po yung mga listahan ng ating mga assistance para po sa mga magsasaka at manging isda na apektado po ng nangyayari po ngayon.
05:22Doon sa nabanggit niyong mga pondo, pati yung quick response fund, ASIC Arnel,
05:29sa ngayon meron na po bang nailaan ang DA para sa rehabilitation at recovery ng ating mga sakaan?
05:36At ano-ano po yung mga areas na tinututukan ng pagbibigay ng pondo na ito?
05:43ASIC Gawin, normally itong quick response fund, ang mga alternative livelihood pangunahin ito habang hindi pa nakakarecover yung ating mga kasamahan magsasaka.
05:53Kasi yung mga preposition na mga binhi, pataba at saka mga biologics, immediate ito na assistance at ito namang quick response fund.
06:03Pwede rin ito doon sa rehabilitation ng mga nasirang makinarya, nasirang mga infrastructure at mga irrigation facilities,
06:11ay kinocoordinate natin ito sa regional field offices.
06:15At sinisimula na ganyan after ng mga bagyo at ng pagbaha.
06:20May mga lugar po bang nakakaranas ng pagkaantala sa food supply chain dahil sa baos, saradong kalsada?
06:29Kung nga meron man na, saan itong mga lugar na ito?
06:33Commissioner, yung huling coordination po natin sa iba-ibang ahensya, wala naman po tayong namamonitor.
06:39In fact, yung mga gulay galing sa Norte at dito naman po sa Southern Tagalog ay tuloy-tuloy naman po.
06:46At yun nga, yung mga na-interview din ng ating mga kasamahan sa media sa mga palengke ay tuloy-tuloy din po yung pagbagsak ng mga agricultural products sa mga pangunahing pamilihan dito po sa Metro Manila.
06:59Asik Arnel, ano naman po yung mga hakbang na ginagawa ng DA para mapanatili ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na isinailalim na sa state of calamity?
07:10So, doon sa mga lugar na yun, I understand, meron price freeze.
07:14Pero doon po sa mga hindi pa nagdedeklara ng state of calamity, paano po natin may ensure na hindi po mananamantala yung ating mga nagbebenta po ng pangunahing bilihin?
07:25Asik Zoe, yes, kapag merong namang declaration ng state of calamity, meron namang price freeze, lalo na yung sa coordination natin sa DTI,
07:35doon sa mga areas na naapektuhan na sobra, kagaya dito sa malaking damage sa Palawan at dito sa may norte sa Western Visayas,
07:44agad nagpadala agad ang NFA sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at sa DSWD, nung mga bigas nila.
07:51So, sa Palawan, naka-500 bags na agad yung nadala at dito sa bandang Tarlac ay marami na rin na naipadala ang NFA.
08:01So, para may iwasan din yung mga shock sa presyuhan at pamabahagi nitong mga necessary assistance as I do it.
08:08Kamusta naman po ang rice buffer stock sa ngayon?
08:14Commissioner, sa ngayon po ang NFA, meron siyang more than 450,000 metric tons na national inventory,
08:22katumbas po yan sa mahigit ng 9 million bags.
08:25Yung pangangailangan ng DSWD hanggang next year, nasa 495,000 bags yan.
08:32So, we have enough supply. It is good for more than 12 days po na pangangailangan natin.
08:38At pati yung requirements ng NFA para doon sa benteng bigas program po natin,
08:44linsunod na rin po sa tagubili ng ating Pangulo,
08:46ay sinisigurado po natin na meron po tayong stocks hanggang matapos ang taon
08:52at hanggang next year po ay makakatugon tayo sa pangangailangan.
08:57At inaasahan din po naman natin yung tuloy-tuloy na pag-ani para hanggang 2028 makakayanan po natin itong ating programa.
09:06Asek Arnel, isa pang tanong mula kay Bernadette Reyes ng GMA Integrated News.
09:11Paano po matitiyak ang sapat na supply ng bigas sa kabila ng mga nasirang pananim?
09:16Kasi sabi nyo kanina, doon sa 323 million in damages, 66% po doon ay pinsala sa palay.
09:25Asek Jowey, ang katumbas noon ay mga 6,700 metric tons na danyo sa ating palayan.
09:33Taon-taon naman tayo ay dinadalo ng bagyo, mga 20 plus yan.
09:37At mga 4 or 5 dyan ay mapapinsala talaga, lalo na sa sektor na agrikultura.
09:42So kasama na sa computation natin, yung mga 500 to 600,000 metric tons na losses every year.
09:49So itong 6,700 ay maliit lamang at hindi pa ito makaka-apekto talaga sa presyohan at sa overall stock natin.
09:58Plus, of course, maganda yung ani natin nung nakaraang dry season at yung ating namang import level ay maganda rin as of to date.
10:05So napakaganda ng ating stock inventory despite yung mga nararanasan natin ngayon as of the world.
10:12Okay, maraming salamat po sa inyong oras, Assistant Secretary Arnold de Mesa, ang tagapagsalita ng Department of Agriculture.