Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Panayam kay DOE Asec. Mario Marasigan ukol sa update sa supply ng kuryente sa mga apektadong lugar ng habagat

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Updates sa supply ng kuryente sa mga apektadong lugar ng Habagat.
00:05Ating pag-uusapan kasama si Department of Energy Assistant Secretary Mario Marasigan.
00:10ASEC Mario, magandang tanghali po.
00:13Magandang tanghali po, ASEC Joey, ASEC Quang, and ASEC Aboy.
00:17Anong-lalo na po sa ating mga taga-subvivor? Isang maulang araw po.
00:22Una po sa lahat, ASEC, ano po yung mga natalakay sa Emergency Energy Resilience Meeting kahapon?
00:28At ano po yung mga direktiba ni DOE Secretary Sharon Garin?
00:34Ay maraming salamat po sa katanungan.
00:36Tama po kayo, kahapon po ay nagpatawag ng Emergency Meeting ng ating Task Force on Energy Resiliency
00:43kung saan po alawagan po ang ating mahal na Secretary Sharon Garin upang maging aktibo po ang lahat ng stakeholders natin.
00:52Kasama po sa mga nabanggit natin na bibigyan dapat ng pangunahing pangsin
00:57ay ang mga hospital at mga evacuation centers.
01:00Kung saan po, nakakuha po tayo ng informasyon sa ating mga Department of Health
01:06na meron po palang mga hospital na prone po sa flooding kung kaya't ito po ay pinainspeksyon
01:13upang maging handa pa kung ano yung magiging kailangan natin katunog katagunan kaagad.
01:19Nandun din po ang pagre-report sa atin ng DSWD kung saan alaman po natin na mayroong isang evacuation center sa Morong Rizal
01:27na nawalan po na servisyo ng kuryente.
01:31Inapasan po ng ating mahal na sekretarya na magbigay po ng pansamantalang supply ng kuryente doon
01:37kung saan ang ating meral ko ay magbibigay po o maglalatag po muna ng temporary genset
01:44para po mailawan na pambigyan ng kuryente ang ganito pong mga lugar
01:48lalong-lalo na nga po itong na-verify ka natin na walang kuryente na evacuation center.
01:55Patuloy po ang ating...
01:56Yes po?
01:57Go ahead sir.
01:59So patuloy po yung ating pagpumonitor ng sitwasyon at kalagayan ng supply ng kuryente
02:04kung saan nadagdagan po yung ating mga customers na nawalan ang servisyo ng kuryente
02:11dahil po sa patuloy na pagulan at pagbaha.
02:14Kung saan po sa ating po report ng ating National Electrification Administration
02:20meron po tayong anin na mga partial power interruption sa Cordillera Administrative Region,
02:30sa Ilocos Region, sa Central Luzon at sa Calabar Zone.
02:35Meron po tayong anin na electric cooperative na pansamantalang kulak po
02:39yung pagbibigay ng kuryente dahil nga po may mga linya na kuryente na hindi pwedeng i-energize
02:45dahil na rin po sa pag-ulad ng pagbaha.
02:48Ito po ay merong mahigit na labing tatlong libong customers ang nawalan po ng connection
02:55at ito naman po ay sinasaayos na sa ngayon.
02:59Dito po sa kalakihan ng franchise area ng Meranco,
03:03mahigit pa pong sampun libong mga customers natin ang patuloy na walang servisyo ng kuryente
03:08dahil na rin po sa kalakihan ng mga pagbaha.
03:12Dito po ay nakakita tayo na ang pinakamalaki pong apektadong lugar ay ang Cavite area
03:17kung saan meron pong halos 10,000 customers ang wala pong kuryente.
03:24Sa Bulacan po, almost 250 ang wala pong servisyo ng kuryente.
03:29At sa Laguna at Rizal ay meron pong 15 at 12 siya ng mga customers respectively po na walang kuryente.
03:37Sa Metro Manila naman po, 1,840 customers pa ang hindi natin mabigyan ng kuryente
03:46dahil po sa malalim na pagbaha.
03:49So yan po yung ating sitwasyon.
03:50So kung titignan po natin, ang ating power supply ay walang problema.
03:56Lahat po ng mga planta natin ay available.
03:59Ang pangunahin pong linya ng kuryente natin o yung transmission system ay available din po lahat.
04:06That's what meron pong isang insidente sa Batangas, sa Lemery.
04:10Meron pong isang poste ng ating Batangas Electric Cooperative 1
04:15na nagkaroon po ng paglundo dahil po masyado ng nabaha,
04:21naapektuhan po yung isang poste at kahit po energized na yung linga ng NGCP,
04:27yung pong sa Electric Cooperative pa ang sinasaayin sa ngayon.
04:31So yan po yung kabuwa natin na mga problema natin sa servisyo ng kuryente.
04:37Dato po sa isang bahagi po, tayo naman po ay tinitingnan din natin yung sa downstream oil industry,
04:43lalo na yung ating supply ng petrolyo at saka supply po ng LPD,
04:49kung saan meron po tayong mode na monitor na mga gasoline station na nagsarado dahil na rin po sa pagbaha.
04:57Ito po ay nasa region, National Capital Region, Region 1, 2, 3, and 4A.
05:02At binantayin na rin po natin yung mga lugar na nagdeklara ng state of calamity
05:08dahil alam naman po natin kapag ang isang lugar po ay nagkaroon ng deklarasyon ng state of calamity,
05:15dapat po yung pong magkakaroon po tayo ng price freeze.
05:20Hindi po pwedeng itasang presyo ng LPG, lalong-lalong na sa household,
05:25sa loob po ng labing limang araw.
05:28So yan po yung kabuuan ng mga pagbomonitor,
05:30pagtugayay po natin sa mga nararanasan natin dahil na rin po sa masiging pagulan na dala ng kabagat.
05:36Salamat po.
05:37Okay. Asek, ano po yung direktibo ng DOE sa mga power generation at transmission companies
05:43kaugnay naman ng paghahanda at pagtugon sa epekto ng masamang panahon?
05:48Again, tambang po. Marami po salamat, Asek Weng.
05:51Ang direktibo po ng ating mahal na sekretarya ay panataling available ang lahat ng capacity ng mga planta.
05:59Samantalang maging handa naman po ang ating system operator o ang National Grid Corporation of the Philippines
06:06upang tugunan kagad kung magkaroon po ng aberya sa ating linya ng kuryente.
06:13Alam po natin na sinusunod po natin yung ating principle na safety first.
06:19Kaya dapat lang po nakabantay tayo at yung ating resiliency program as well as contingencies
06:26ay available para po sa kagyat na pag-resolva ng mga problema.
06:30Okay. Alam natin, kaka-appoint lang ni Secretary Sharon Garin and this is sort of a trial by fire for her.
06:38Pero I know yung kaibigan mo natin, up to the task.
06:40Pero Asek, mensahe ho o paalala nyo lang sumula po sa DOE sa mga residente ng mga apektadong lugar,
06:47lalo-lalo na ho sa paggamit ng kuryente sa gitna ng kalamidad?
06:51Ay, maraming salamat po. So kami po ay patuloy na nanawagan sa ating mga electricity consumers
06:57na sana po magmatsyag tayo, lalong-lalo sa pagtaas po ng baha at para po maiwasan ang ating sakuna.
07:07Kapagka tumaas na po yung tubig natin at meron ng pagbaha, kumaari po, patayin na po natin yung main switch,
07:15yung pong ating circuit breaker, upang maiwasan ang mga aksidente.
07:19Pagdating naman po sa supply ng ating mga liquid petroleum,
07:23maging aware po tayo kung saan po available.
07:26Dahil nga po mayroong mga service stations na nagsara,
07:31at andan po natin sa mga areas po na under the state of calamity na po,
07:35hindi po dapat magkaroon ng pagtaas ng presyo.
07:38Yun po yung ating mga babala at advisory po sa ating mga consumers.
07:43Salamat po.
07:44Alright, maraming salamat po sa inyong oras,
07:47Department of Energy Assistant Secretary Mario Marasigan.
07:51Maraming salamat, sir.
07:52Maraming maraming salamat po at mabuhay po tayong lahat.
07:56Sana po ay maging safe tayo sa lahat ng oras kahit may kalamidad.
08:00Maraming salamat po ulit.

Recommended