00:00Samantala ang OWA handang tumulong sa mga pamilya ng mga OFW na apektado ng bagyong krising at habagat.
00:07May report si Bea Gaza de Guzman ng Radyo Pilipinas.
00:13Handa ang OWA na magbigay ng tulong para sa mga pamilya ng mga overseas Filipino worker o OFW na apektado ng bagyong krising at habagat.
00:23Ito ang tinayak ni OWA Administrator Patricia Yvonne Kaunan sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
00:28We stand ready po na magbigay ng assistance. Meron po kasi kaming mga ayos truck ng OWA na ginagawa nating soup kitchen o para magkaroon po ng pagkain mainit yung ating mga kababayan na talagang naapektuhan itong bagyo o itong baha.
00:48Patuloy na nakamonitor at nakikipagugnayan ng mga OWA Regional Directors sa mga lokal na pamahalaan o LGUs at sa Department of Social Welfare and Development o DSWD upang magbigay ng tulong at serbisyo para sa mga OFW family.
01:01Sinabi pa ni Kauna na bagamat masama ang panahon, tuloy-tuloy lamang ang paghatid ng OWA ng frontline services para sa mga nais mag-avail nito.
01:08Bukas ang ating 24-7 na operations at tuloy-tuloy lang po ang pagbibigay natin ng frontline services po sa OWA dahil marami pa po tayong mga kababayan kahit po may ganitong kondisyon o sitwasyon dyan sa ating bayan, ay patuloy pa rin po na nag-a-avail ng ating mga frontline services.
01:34Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o Endrem C, mayroon ng naitalang 362,465 na pamilya, katumbas ng 1,266,322 na mga individual sa labing-pitong rehyon ng bansa ang apektado ng bagyong krising at habagat.
01:52Mula sa RP World Service para sa Bagong Pilipinas, Bea Gaza de Guzman, Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.