00:00Samantala po, puspusan ang paghatid ng Department of Social Welfare and Development ng tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Bising at Habagat.
00:10Sa Cordillera Region, agad na nagsagawa ang DSWD ng On-Site Assessment sa Landslide Affected Areas sa Itogon, Benguet para matukoy ang pangangailangan at mahatiran ng angkop na intervention ng mga apektado nating kababayan.
00:26Sa Ilocos Sur naman, agad na nagbigay ang DSWD ng mga tulong sa isang residente na nasira ang bahay dahil sa matinding hangin at paglambot ng lupa.
00:37Bukod sa family food packs, nabigan din sila ng sleeping kit, kitchen kit at laminated sack na makatutulong para makabangon muli.
00:46Sa Santa Rosa, Nueva Ecija naman, nasa 225 pamilya ang nahatiran ng family food packs matapos bahain.