00:00Sa harap ng sama-sama ang pagtulong ng mga ahensya ng pamahalaan sa mga apektado ng sunod-sunod na sama ng panahon,
00:08makakapanayam natin ngayon si Social Security System Vice President for Public Affairs and Special Events Division,
00:16Ginoong Carlo Villacorta. Magandang hapon po sa inyo, Mr. Villacorta.
00:22Magandang hapon, Ms. Angelique. Magandang hapon po sa lahat ng inyong tagapakinig at tagapanood.
00:28Unahin po muna natin itong magandang balita po mula sa SSS na ibaba po ang loan interest rate po ba sa 7%?
00:38Yes, Ms. Angelique. May paunang abiso ang SSS na maglulunsad po kami sa lalong madaling panahon ng revised calamity loan program guidelines.
00:52At tama po, Ms. Angelique. Isang mahalagang bagay dyan ay ibinaba na ang interest rate to 7% sa revised guidelines na yan, Ms. Angelique.
01:08Dati ay 10% po.
01:10Ayun. Okay. Maganda po yan. 3% ang ibinaba.
01:13Mga ilang taon po ba itong mga calamity loan na dapat po nilang bayaran?
01:18Ang loan term po for calamity loan program of SSS ay 24 months. Nababayaran po yan in 24 monthly installments, Ms. Angelique.
01:31Okay. Siguro maganda'y bigay natin yung guidelines na dapat tandaan ng mga membro ng SSS na iniisip po at balak mag-avail ng calamity loan.
01:41Yes, para sa mga kababayan natin na kasalukuyang nasasalanta ng kaliwat ka ng pagbabagyo.
01:54Kung ang inyong lugar po ay nadeklara na po na under state of calamity, ay makaka-loan po kayo sa SSS sa pamamagitan ng aming calamity loan program.
02:08Ang mahalagang requirement po dito ay dapat mayroon tayong 36 na contributions at 6 po doon ay dapat ay nasa loob ng nakaraang 12 buwan, Ms. Angelique.
02:24Yun na lamang po ang sasabihin kong pinakamahalagang requirement para sa programang ito na amin pong ilulunsad sa lalong madaling panahon, Ms. Angelique.
02:35Okay, maganda po yan. So, 6 months within the last year.
02:39Okay, paano na po yung mga membro na hindi po nila kayang makompleto yung kanilang dokumento dahil posible po nabaha, nasira ng calamidad?
02:48Meron po bang alternatibo para dito?
02:51Opo, para sa mga membro po ng SSS na nakapag-register na at online na, minsan na po nilang na-submit ang kanilang identification documents.
03:05So, hindi na po yan dapat maging issue sa kanila.
03:10Sa ating po mga kababayan na may nasalanta po ng baha, sana po ay pakiingat po ang ating mga identification documents,
03:19kung ano man po ang inyong mailigtas, pakiingat po.
03:24At yan na lamang po ang ating gagamitin sa inyong pagpafile po ng calamity loan package po, Ms. Angelique.
03:33Yes po, at gaano po kabilis kaya ang activation process nito?
03:37Let's say, makompleto ang mga requirements, ma-i-file po yung application, how soon nila matatanggap yung kanilang loan?
03:46Nasa loob po ng 3 to 5 working days lamang po, Ms. Angelique.
03:52Ang kapag i-file na po online ang ating calamity loan application at maayos naman po ang pagpafile,
04:06ilang araw lamang po ay mapupunta na po ito sa disbursement account ng miyembro, Ms. Angelique.
04:15Ang inayos po din namin dito sa guidelines na bago ay mas papabilisin po namin ang activation or implementation date
04:29mula po sa pagdeklara ng calamidad sa isang lugar.
04:33Dati po kasi may isang buwan na lipas bago namin ma-implement ang aming calamity loan program.
04:45Ngayon po ay pinagsisikapan namin na papaiksi yan at sa bagong guidelines ay kaya namin igawin yan sa loob ng 7 working days lamang po, Ms. Angelique.
04:56Ang pinakahinihintay na lamang po natin sa ngayon ay yung activation or implementation date nitong revised calamity loan program guidelines.
05:10Ms. Angelique, ang ginawa po kasi namin ay nagpaunang abiso na mayroon kaming calamity loan program na ilulunsat
05:18at minamadali po namin ang programming and testing para ito ay ma-implement na at ma-deploy.
05:25Ang tabayanan po natin.
05:27Okay, sige po. And of course, kamusta naman ang mga tanggapan at mga tauhan po ng SSS?
05:34It's also possible na may mga empleyado po kayo na naapektuhan din ng mga baha.
05:42Yes, Ms. Angelique. So nagkakamustahan po ang kawanin ng SSS.
05:47Mayroon po sa aming walang kuryente simula pa ng linggong ito.
05:52At mayroon din naman po na bahagyan lamang ang efekto sa kanila.
05:57Hindi pa namin nabibilang sa kabuoan kung ilan sa amin naapektado.
06:04Salamat po sa inyong pagtanong, Ms. Angelique.
06:08Okay, and finally po, mga paalala po ninyo sa ating mga kababayan, lalo na po yung mga miyembro ng SSS.
06:14Mga kababayan, kapit lamang po tayo sa ating pinagdaraanan.
06:22Ang SSS po ay tutugon sa pamamagitan ng paglunsad nitong bagong Calamity Loan Program.
06:32At tabayanan po ninyo ang activation or implementation date namin dito.
06:38Sa ngayon po ay maghanda po kayo ng inyong online account at ng inyong disbursement account
06:47upang pag nalunsad na itong programang ito at ang lugar nyo ay under state of calamity,
06:54makakahiram na po kayo ng Calamity Loan sa SSS.
06:57Maaari nyo rin po kaming tawagan sa 1455 para sa inyong tanong o hini ng tulong tungkol sa SSS.
07:05Maraming salamat po Ms. Angelique, ingat po tayo lagi.
07:09At maraming salamat po sa inyo, SSS Vice President for Public Affairs and Special Events Division,