00:00At sa batala DSWD, Secretary Rex Gatchalian, personal na pinangunahan ng pag-ikot at pamamahagi ng tulong sa mga nasa lanta ng magkakasunod na kalamidad.
00:14Ito ay sa kabila pa rin ng masamang panahon si Mela Lasmoras ng PTV para sa detalye.
00:21Puspusa na ang pagtulong ng pamahalaan sa mga kababayan nating naapektuhan ng matinding pagulan at pagbaha sa bansa.
00:31Sa Payatas, Quezon City, personal na kinamusta ni DSWD, Secretary Rex Gatchalian, ang mga apektadong pamilya.
00:39Pinangunahan din niya ang pamahagi ng family food packs at iba pang tulong.
00:43Dumayo rin siya sa Marikina City kung saan marami rin ang nabigyan ng iba't ibang ayuda.
00:49Sa San Pedro City, Laguna naman, bukod sa family food packs, nakatanggap din ang bawat na salantang pamilya ng nasa 10,000 pisong tulong pinansyal para sa kanilang agarang pagbangon.
01:01Sa San Enrique, Negros Occidental naman, namahagi na rin ang DSWD Negros Island Region Field Office ng nasa 1,000 kahon ng family food packs para sa mga biktiman ng kalamidad.
01:13Nagsagawa naman ang assessment visit ang DSWD Western Visayas sa ilang evacuation center sa Iloilo City nitong lunes.
01:22Ito ay para matukoy ang pangailangan ng mga apektadong residente at iyaking tuloy-tuloy ang paghahati ng karampatang tulong para sa kanila.
01:30Sa San Narciso, Sambales naman, namahagi na rin ang DSWD Central Luzon Field Office ng mga family food packs sa abot 280 mangingista na naapektuhan ng kalamidad.
01:43Nitong linggo naman, una na rin namahagi ang DSWD Ilocos Region ng family food packs sa nasa 548 na apektadong pamilya sa Luna La Union sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong kresing na sinabayan pa ng epekto ng habagat.
01:58Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, bago pa man tumama ang bagyo, nasa 3.1 million family food packs na ang nakaimbaks sa humigit kumulang isan libo nilang warehouse sa buong bansa na tanda ng kanilang kahandaan sa sakuna.
02:14Ito ay bilang pagsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr. sa kanilang kagawaran na dapat ay palagi silang nakahanda, may bagyo man o wala.
02:23Mela Lasmoras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.