00:00Alamin naman natin ang lagay ng panahon sa mga oras na ito kasama si Chris Perez, Assistant Weather Services Chief ng Pag-Asa. Sir Chris, magandang tanghali po.
00:10Magandang tanghali din po sa kanila at sa lahat po ng ating mga taga-sabaybay.
00:14Sir, una po sa lahat, ano po ang magiging lagay ng panahon sa mga susunod na araw at hanggang kailan po mararamdaman ang epekto ng habagat sa ngayon?
00:22Sa ngayon po, inaasahan natin na magiging maulat may mga pagulan dulot ng habagat dito sa Metro Manila at sa nakararaming bahagi ng Luzon.
00:33Bungod po yan sa enhanced habagat na pinag-iibayo, hindi lamang nung nakarambagyo, kundi ng dalawang low pressure area na nasa loob ng ating area of responsibility.
00:42At ang inaasahan nga po natin, hindi lamang yung araw, kundi posibleng umabot pa na hanggang dating na weekend, magiging maulan sa nakararaming bahagi po ng Luzon at ilang bahagi ng Visayas at Mindalao, particular na sa mga lalawigan sa kanlurang bahagi nito.
00:57Sir Chris, saan-saan po mga lugar ngayon nakataas yung Red Rainfall Warning at pakiulit po ulit kung ano yung ibig sabihin ng Red Rainfall Warning?
01:06Well, sa ngayon po wala tayong nakataas na Red Rainfall Warning pero meron po tayong Orange Rainfall Warning dito nga sa Metro Manila at sa mga ilang karating lalawigan.
01:18Ibig sabihin, nakapag-monitor tayo talaga ng heavy to intense during the last hour or 3 hours of monitoring natin at talagang naandyan pa rin yung banta ng mga pagbasa mga low-lying areas.
01:32So every 3 hours, nagbibigay po tayo ng update patungkol nga sa status ng mga namomonitor nating ulan at kung ano yung appropriate na color-coded rainfall warning na in effect para ma-visoan yung mga kababayan natin sa kung ano ba yung dapat nilang gawin.
01:48Kung safe na bang lumabas ng bahay or to do something really important or as much as possible, stay indoors muna habang patuloy ang inaas, umuulan at inaasahan pang ulan sa mga susunod na oras.
01:59Sir Chris, dito po sa binabantayang low-pressure area, saan po ang eksaktong lokasyon nito at may direktang epekto po ba ito sa bansa?
02:09Well, dalawa pong low-pressure ang binabantay natin na nasa loob ng PAR or Philippine Air Responsibility.
02:14Unahin po natin yung mas malapit, kanina alas 8, ang isang low-pressure area, tinatayang nasa loob ng 225 kilometers east-south-east ng Vasco Batanes.
02:24Yung mas malayo naman pong low-pressure area, tinatayang nasa loob ng 1,140 kilometers east ng Central Zone.
02:31Now, both low-pressure areas may posibilidad pong mag-imbagyo, kaya pinapayohan po natin lahat na magantabay, hindi lamang sa weather advisory patungkol sa ulan na dala ng habagat,
02:43kundi sa mga posibleng tropical cyclone bulletin na ipapalabas ng pag-asa once na nag-develop or nag-imbagyo nga ang either of the low-pressure area na binabantayan natin sa ngayon.
02:51Doon po sa dalawang nabanggit niyong low-pressure area, saan po doon yung mas mataas yung posibilidad na maging tropical cyclone?
03:00At ano po yung pakiulit po, sir, kung ano yung maa-apekto hang mga lugar?
03:06Well, saan ngayon po ang nakikita natin yung mas malayo, yung nasa loob ng 1,140 kilometers,
03:12mas malaki ang chance ang maging bagyo within the 24-hour period.
03:16So, yun yung subject for continuous monitoring natin.
03:19Although yung mas malapit, we're not rolling out the possibility.
03:23Pero beyond that 24-hour period pa yung inaasahan natin na maging development nito into the tropical cyclone.
03:29At kung sakasakali pong magpatuloy itong mga samahan ng panahon nito,
03:33inaasahan natin na ang pinatayang pagkilos sa ngayon ay patungo dito sa may bandang extreme northern Luzon area.
03:40It's typical na kapag ganit itong panahon, pag may mga bagyong kumikilo sa nabanggit nating lugar,
03:45para ay posible pa rin patuloy na magpaibay ng habagat sa mga susunod na araw.
03:50Ngayon yung senaryo po natin, posible pa rin mabago.
03:52Ulitin natin, initial projection is the movement is towards the extreme northern Luzon area,
03:57pero continuous yung intensification or enhancement ng habagat.
04:01Kaya't asahan pa rin po yung maulang panahon sa nakararaming bahaging na Luzon,
04:05kasama ng Metro Mantila, hanggang sa darating na biyernas po.
04:09Sir Chris, ano pong ibig sabihin ng posibilidad na interaction ng dalawang LPA
04:14at ano yung maaaring maging epekto nito sa ating bansa?
04:19Well, ang nakikita po, Kasti, natin, kapag may dalawang bagyo
04:22na halos around 1,500 kilometers lang ang layo sa isa't isa,
04:27ay posibleng ma-impluensyaan yung movement ng isang bagyo
04:30by the much stronger tropical cyclone.
04:34So, dito sa dalawang binabang tempo nating low pressure,
04:37we're na-trolling out na posibleng yung mas malapit dito ngayon sa Luzon
04:41ay kumilos patungo ng West Philippine Sea.
04:44And then yung mas malayo, kumilos ng patungo ng either the extreme northern Luzon,
04:49Taiwan or southern Japan area, and then saka kumilos ng hilaga.
04:52Pag kumilos po ito ng hilaga, yung naunang low pressure na nasa West Philippine Sea
04:56ay maaaring bumalik at kumilos naman pa hilagang silangan.
05:00So, normally yung interaction between two tropical cycles,
05:04ang manifestation nito ay yung movement.
05:08Yung mas malakas na bagyo, na-impluensya niya po,
05:11yung paggalaw ng mas mahinang bagyo.
05:13Sir Chris, kamusta naman po yung level ng tubig sa mga dam,
05:18lalo na po yung mga makakaapekto sa Metro Manila
05:23sakaling patuloy na umapaw o magpakawala ng tubig?
05:26Well, as of alas sa ispun ng umaga,
05:30makikita natin na itong dam ay during the last 24 hours
05:34ay nadagdagan ka ang level ng tubig from 195.71 meters,
05:40kanina umaga yung 198.11 meters.
05:44Samantala, for example, itong Lamesa dam
05:46ay nadagdagan din from 79.69 meters,
05:49naging 80.17 meters.
05:52So, asahan po natin na talagang mag-overflow yung tubig
05:56from time to time because we're still expecting na
05:59yung pagulan nga na dulot ng habagat
06:02ay mangyayari pa rin,
06:03pabugso-bugso in the next 3 to 4 days.
06:07Okay, maraming salamat po sa inyong oras,
06:10Engineer Chris Perez,
06:11Assistant Weather Services Chief ng Pag-asa.
06:14Thank you, sir.
06:15Maraming salamat po at magandang araw sa inyong lahat.