00:00Iba't-ibang clearing operations ang patuloy pa rin pinaigting ng MMDA sa iba't-ibang bahagi ng Metro Manila ngayong Semana Santa.
00:07Samantala, higit 2,000 mga tauhan ito ang nakakalat na.
00:11Si Vel Custodio ng PTV para sa Balitang Pambansa.
00:17Pinaigting na ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang kanilang pagbabantay at operasyon ngayong Semana Santa.
00:2424-7 nakaantabay ang MMDA Communications and Command Center sa mga CCTV lalo na sa mga nakapwesto sa pangunahing lansangan sa NCR.
00:35Lagi rin nakaabang ang road safety group ng MMDA.
00:37So isa po sa priority ng ating operasyon ngayong umagang ito is to ensure yung mga malalaking areas na kung saan meron po tayong mga bus terminals,
00:45yung mga madadaanan po ng mga provincial buses, and also mga major tour repairs na dadaanan ng mga pribado sa sakyat
00:51are insured free from any forms of obstruction.
00:55Mahigit 30 motorista ang tiniketa ng MMDA sa isinagawa nilang operasyon sa paligid ng PIDX,
01:01Buendia at Zobel Rojas kaninang umaga.
01:04Karamihan dito ay iligal na nakaparadang mga sasakyan.
01:07Nilinis din ng MMDA ang mga banketa sa operasyon.
01:10Ipapatupad na ng MMDA ang No Day Off No Absent Policy simula bukas
01:15para sa full deployment ng mahigit 2,500 MMDA personnel para sa Semana Santa.
01:20Bukas ang inaasahang peak ng mga biyaherong uuwi ng probinsya,
01:24matapos maglabas ang anunsyo ang Malacanang na half day lang ang working hours ng mga opisina bukas.
01:30Nagbigay naman ang paalala ng MMDA para sa mga biyaherong ngayong Holy Week.
01:34I advise our mga biyaherong po natin, mga kababayan,
01:37na they advance their time frame going to the terminals.
01:42And of course, mga kababayan po natin na nais pong gumamit ng mga pribado sa sasakyan,
01:46please make sure na maayos po ang kondisyon ng ating mga sasakyan,
01:50make sure it's roadworthy para hindi po tayo makadagdag sa traffic congestion,
01:54and also to ensure safety, hindi lang po ng sarili natin,
01:57but also mga co-motorist at ating mga kababayan na buong biyahe po.
02:00Mula sa People's Television Network, VEL Custodio, Balitang Pambansa.