Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Panayam kay Marikina Mayor Maan Teodoro kaugnay sa sitwasyon sa lungsod matapos ang naranasang pagbaha sa lungsod

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kaugnay po ng nararanasang pagbaha sa Marikina City,
00:05makakapanayan po natin ngayon si Marikina Mayor Maan Chiodoro.
00:09Magandang hapon po Mayor Maan.
00:12Yes, magandang hapon, Ma'am Angelique.
00:14Yes po, kanina.
00:15Magandang hapon po.
00:16Opo.
00:17Sabi po ng aming reporter kanina na mayroon po mga 23,500 individuals po,
00:24ano, ang mga nailikas.
00:26So, oho, maabot po ito sa mga 4,000 na pamilya.
00:32Tama po ba?
00:33Yes, tama, Ma'am Angelique.
00:35Pero as of now, nasa 22,000 more or less, mga 22,000 plus na lang.
00:43I need to get the exact figure.
00:45Ito kasi as of 11 o 5 a.m.
00:47Meron kaming 22,846 as of 11 a.m.,
00:52which is also 4,730 families.
00:55Okay, saan-saan pong lugar sa lunsod ang pinaka-apektado ng pagbaha?
01:00If I may recall, ito pong Provident Village, ano,
01:04eh lagi pong binabaha at talagang mataas po ang tubig dyan.
01:08Kamusta rin pong sitwasyon ngayon?
01:11Oo, meron pa rin ang mga pagbaha doon.
01:14Pero hindi nakatulad dati na nangyayari sa Provident.
01:18Oo.
01:18Pero meron kaming 11 affected barangays, no, Ma'am Angelique?
01:23Just to give you an idea.
01:26Kaya meron kaming 31 na evacuation centers na binuksan eh.
01:31So accommodate called evacuees.
01:33So mainly, Nangka, Malanday, Concepcion Uno, De La Peña, Santa Elena, San Roque,
01:40yung Santo Niño, IBC, Tanyong, may parts ng Kalumpang and may parts din ng barangay parang.
01:49Pero ang marami doon, nag-subside na as of kaninang madaling araw.
01:55At saka yung kada barangay naman ho, hindi naman siya the entirety of the barangay.
02:00Yung malalapit lang po sa ilog and low-lying areas talaga.
02:04Okay, meron po ba kayong nais ipanawagan na karagdagang tulong po para sa ating mga kababayan?
02:11Kamusta po ang supply ng relief at pagkain po para sa kanila?
02:17Actually, right now, ang ginawa namin sa mga evacuation centers namin,
02:22meron kaming supply ng food, breakfast, lunch and dinner na provided ng LGU.
02:28Dine-centralize namin yung kitchen namin kasi nga ang daming mga evacuees.
02:35For example, in one evacuation center, we have 3,000 plus individuals.
02:40Kung magagaling siya sa isang pickup point lamang, mahihirapan.
02:44So, mismong doon sa evacuation center, doon na nagluluto ng pagkain nila.
02:49Also, nagsisimula na rin kaming magbigay ng relief goods.
02:54Ito yung mga food packs galing sa DSWD.
02:58Pero, we have also been receiving since yesterday mga pledges, hot meals coming from the private sector.
03:07So, we are very, very thankful to them dahil kahit na hindi kami humingi, talagang dumadating yung tulong nila.
03:15And yun naman ang kailangan natin sa ganitong mga panahon, yung pagtutulungan natin.
03:19Hindi lang ng taga-Marikina, pero kahit yung taga-ibang lugar, nandibigay din po.
03:25O panapansin po ang mabilis na pagbaba ng level ng tubig ng ilog.
03:31Ano-ano po kaya ang nakita nating factors para dito?
03:36Yung pagbilis po ng pagbaba ng tubig is because I think humina po talaga significantly yung tubig ulan sa upper Marikina.
03:48So, yung bundok, hindi siya masyadong nagtala ng mataas na rainfall count.
03:56Kaya po, bumilis po ang pagbaba ng aming river.
04:01Pero kaninang madaling araw, bumababa siya ng 0.1 meter na pansin namin every hour.
04:07So, medyo mabagal pa rin po yun.
04:08Dahil malakas pa rin ang ulan kaninang madaling araw.
04:12Pero ngayon na medyo huminit na ho, hindi na ganun kalakas ang pagulan,
04:17mas bumilis na yung aming pagbaba.
04:20And ngayon, first alarm na kami as of 1 p.m., 15.7 meters yung Marikina River.
04:26Opo. Kamusta naman po yung mga flood mitigating measures ng ating lunsod?
04:32Because in the past naman, meron talagang effort na linisin yung mga drainage, ano po,
04:38at talagang isaayos po yung mga filters and all that.
04:40Ano na po ang situation?
04:44Actually, Ma'am Angelique, all year round naman,
04:47yan naman po ang pinag-uutos natin na kahit na hindi mag-ulan o mainit ang araw,
04:53dapat talagang lahat ng drainage system, ang waterways, streaks,
04:58dapat nililinis yan regularly.
05:01Sinasalo natin yung mga basura na nanggagaling sa ibang creek sa Karatigalungsod
05:06para hindi rin siya mag-cause ng pagbaha.
05:09At yan nga, nakita natin kahapon, nang kasagsagan ng malakas sa pagulan,
05:15dinadala nung creek from other tributaries yung basura.
05:20Kaya ang dami namin nakuha na mga plastics, mga pet bottles,
05:26meron di kami nakuha na helmet ng motorcycle.
05:31So, pati yun, ano, naitatapon nila sa ating mga waterways.
05:36Ginagawa natin na dapat regularly paglilinis yan
05:40at huwag sanang itapon sa mga creeks o waterways o drainage system
05:44yung mga non-biodegradable, lalo na na trash natin.
05:48Ano po mga paghahandaan ng lungsod, lalo't meron pong posibleng
05:54maging bagyo na naman na maaring magpalakas sa epekto ng habagat?
05:58Baka dumating bandang biyernes o sabado po?
06:02Oho, actually, nagbigay na ako ng order sa mga kawaininang aming lungsod
06:09na kapag medyo uminit-init po yung panahon,
06:13ay pwede na tayo mag-start na kung kaya nang mag-dredge doon sa ilog
06:18para matanggal po yung silt na naipon this past few days.
06:23Dahil meron naman kami mga long-arm na excavator
06:26para matanggal natin kahit papano yung mga naimbak na lupa na galing sa bundok.
06:32Also, tuloy-tuloy yung drainage, de-clogging natin,
06:36pati yung lahat ng waterways natin at tinitignan natin
06:40kung ano pa yung kaya natin i-rehabilitate at improve.
06:43Yes, and finally, ang mensahe niyo po para sa publiko?
06:47Ayan, siguro I will also take this opportunity para pasalamatan yung mga donors
06:54na nagbibigay sa mga evacuees natin.
06:59Talagang malaking bagay po na tinutulungan nyo.
07:02Diretso na po ang tulong nila.
07:04Pinagdadala na po namin kung sino po yung gustong mag-donate.
07:08Pwede silang dumiretso na sa mga evacuation centers.
07:11And also, siguro message para sa mga taga-marikina,
07:14tayo ay matataga, tayo ay mga talagang kahit pa paano
07:22handa tayo sa ganitong sitwasyon.
07:24Ginagawa naman natin ang lahat para ang ating lungsod ay hindi nabahain.
07:29Pero talagang kapag ganito kalakas ang ulan,
07:31at hindi pa naman tapos yung ating slow protection sa ating ilog,
07:37kaya hindi pa natin nakikita yung full effects nito.
07:39Pero kakayanin namin yan dahil kami ay taga-marikina.
07:43Sige po, maraming salamat sa inyong oras.
07:46Marikina City Mayor Maan Chodoro, magandang hapon po sa inyo.

Recommended