Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Operasyon at mga biyahe sa Manila North Port Passenger Terminal, tuloy-tuloy ngayong araw

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Walang kanselasyon ng biyahe ngayong araw sa Manila North Port Passenger Terminal.
00:06Kabaliktaran niya ng delayed trips kahapon.
00:09May report si Denise Osorio ng PTV Live.
00:12Denise?
00:14Sheila, walang tigil ang buhos ng ulan pero all systems go pa rin dito sa Manila North Port Passenger Terminal ngayong araw.
00:24Wala rin kanselado o delayed na mga biyahe ngayong Webes.
00:27Iisa lang ang lalarga mamayang alas 11 ng umaga.
00:33Para naman sa mga delayed trips kahapon, nakalarga na rin kahapon ng ligtas.
00:39Ang ilang mga pasaherong nadatnan natin dito sa terminal kaninang madaling araw, Sheila,
00:44hindi na naghihintay ng biyahe kundi ng liwanag ng araw.
00:48Ayon sa ating mga nakausap, mas ligtas kasi kung magpapaaga sila dito at mamaya nang umalis ng pantalan.
00:55Si Marjun bumiyahe ng 22 oras mula Cebu.
01:00Alas 2 ng umaga na siyang dumarting dito at wala naman siyang aberya sa pagbiyahe.
01:05Dagdag ni Marjun, mas komportable siya rito kaysa makipagsapalaran sa dilim.
01:26Sa labas mam delikado kasi kapag dilim, maantay ako na ang maailawan.
01:35Sheila tiniyak ng port management ang kalinisan at kaayusan sa pasilidad.
01:40Malinis ang mga palikuran at gumagana ang mga charging stations.
01:45Kaya komportable ang mga pasahero habang naghihintay.
01:48May mga nakastandby ding security personnel para sa kaligtasan ng lahat.
01:52Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang paghahanda ng Philippine Coast Guard laban sa banta ng paparating na sama ng panahon.
01:59Tiniyak ng Philippine Coast Guard na handa sila sa anumang sitwasyon.
02:03Hindi lang sa karagatan at mga pantalan, aktibo rin ang PCG sa pagbibigay ng tulong sa mga binabahang lugar,
02:09lalo na habang papalapit ang panibagong bagyo.
02:12Ang binabantayan natin is yung halimbawa yung mga stranded na pasahero ngayon,
02:20yung mga commuters, meron tayong libre sa kite program.
02:23But aside to that, meron tayong deployable response group
02:26na nakaposition and conducting no rescue operation
02:30sa area ng Occidental Mindoro, Malabon, Valenzuela, Bulacan, Pampanga, Laguna, Cavite, and Bataan.
02:42Dagdag ng PCG, wala pang naitatalang mga stranded na pasahero sa mga pantalan,
02:49pero always ready silang tumulong.
02:51Kasalukuyang naka-full alert status ngayon ang lahat ng 16 na Coast Guard districts
02:56at maaari nilang i-activate lahat ng deployable response groups pag kinakailangan
03:02tulad ng mga rescue swimmers, medical personnel, at ilang assets tulad ng floating, air assets, at radio equipment.
03:10Paalala ng PCG.
03:13Sa mga biyahero, kung maaari, kung hindi naman importante,
03:19ang kanilang dakat ay pagbaliban nila.
03:22At of course, sa mga manging sa mga south communities natin,
03:27kung hindi maganda ang panahon,
03:30i-make sure lang nila na i-check muna yung mga announcement ng pag-asa,
03:36lalo na po kung may mga weather advisories ba,
03:40para ensure lang na ligtas sila before bumiyahin at pumadaon.
03:43Sila sa kabuhuan, ligtas, handa, at organisado na ang mga operasyon ngayong araw.
03:52Patuloy pa rin ang koordinasyon ng mga ahensya tulad ng PPA, ng PCG, at ng mga LGU
03:59upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga biyahero ngayon na lalo ng paparating ang mga panibagong bagyo.
04:06Yan ang pinakauling balita mula rito sa Manila Northport Passenger Terminal.
04:11Para sa Integrated State Media, Denise Osorio ng PTV.
04:16Denise? Denise, may mga na-stranded ba na pasahero dyan?
04:21At kung meron, may mga tulong ba sila nga nakukuha?
04:30Sheila, medyo hindi maliwanag yung inyong tanong, pakiuli.
04:34May mga na-stranded ba na pasahero?
04:38At kung meron, ano-ano yung mga nakukuha nila sa LGU?
04:46Sheila, kasalukuyan, wala nang na-stranded, wala nang naitalang-stranded sa mga pantalan.
04:52Pero meron tayong nabalitaan kahapon na may mga na-delay na mga biyahe.
04:57At nakukuha naman daw sila ng kape at pandesal mula sa mga opisyal dito sa Northport.
05:06Ayan, gaano ba sila?
05:07How soon do they give out the notice kung merong mga-delay na mga biyahe?
05:17Sheila, agad-agaran naman nila mabibigyan ng notice.
05:20At kasi nakabase yan sa hangin, how strong the winds are and how heavy the rains will be.
05:27Kasi naapektuhan nito ang alon ng dagat.
05:31So kasalukuyan, hindi naman daw gaano kalala yung sitwasyon at nakakalarga pa rin ang mga barko.
05:36Kung meron man madedelay na mga biyahe, naagapan naman daw ito kaagad at nakakalarga naman rin daw sa same day.
05:46Maraming salamat at mag-ingat ka dyan, Denise Osorio.

Recommended