00:00Samantala, pinagahandaan na ng La Union ang posibleng epekto ng Bagyong Dante at Bagyong Emong.
00:05Tiniyak naman ang DSWD na sapat ang supply ng kanilang family food packs.
00:09May ulat si Albert Kawile ng Radio Pilipinas, Radio Publiko, Agoo.
00:15Patuloy na naka-alerto ang provincial government ng La Union dahil sa naranasang pagulan dulot ng habagat.
00:22Bukod dito, pinagahandaan din ang probinsya ang posibleng epekto ng Bagyong Dante at Bagyong Emong sa La Union.
00:28Sa katunayan, naka-standby ang mga emergency response team, rescue units at mga mahalagang supply ng lalawigan para agad makatugon sa pangangailangan ng mga residente.
00:40Samantala, patuloy ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 ng Family Food Packs sa mga napektuhan ng pagbahang dulot ng Bagyong Crising.
00:50Kahapon, umabot sa 680 na pamilya sa limang barangay sa Bawang ang nabigyan ng Family Food Packs.
00:56Ang Bayan ng Bawang kasi ang may pinakamatas na bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Crising sa La Union.
01:03Pagtitiyak ng DSWD, may sapat na bilang ng Family Food Packs at iba pang tulong ang nakahandang ipamahagi sa mga apektadong pamilya kung kinakailangan.
01:13Mula sa La Union para sa Integrated State Media, Albert Kawile ng Radio Pilipinas Radio Publiko, Agoo.