00:00Makakaranas pa rin ang malalakas na pagulan na ang maraming lugar sa Luzon sa mga susunod na araw
00:06dahil sa Bagyong Dante at Bagyong Emong na nagpapalakas sa hanging habagat.
00:11Ang Bagyong Emong lumakas na sa Tropical Storm category habang kumikilos pa Timog Kanluran.
00:17Huling namataan ang Bagyong Emong sa layang 150 kilometers ng Kanluran ng Lawag City sa Ilocos Norte.
00:24Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.
00:33Dahil dito nakataas ang signal number one sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, northern and western portions ng Pangasinan, Apayaw, Abra at Benguet.
00:45Sa forecast ng pag-asa, posibleng tumbukin o mag-landfall ito sa bahagi ng Ilocos Sur, La Union o Pangasinan bukas ng gabi o sa Biyernes.
00:55Hindi rin isinasantabi na lumakas pa ito sa severe tropical storm category habang tinatahap ang northern Luzon.
01:03Dagdag pa ng pag-asa, posibleng bumagal ang kilos ng Bagyong Emong dahil sa posibleng interaksyon ng Bagyong Dante o tinatawag na Fujiwara effect.
01:12Patuloy na pinag-iingat ang ating mga kababayan, lalot mataas pa rin ang tsyansa ng mga pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa walang tigil na pag-uulan na dulot nito.