00:00Samantala sa ating ulat serye, mas pinalawig at mas inilapit pa sa mga Pilipino
00:05ang mga serbisyo at benepisyong hatid ng PhilHealth.
00:09Laking pasasalamat naman ng mga naging benepisyaryo.
00:12Narito po ang aking ulat.
00:17Si Nanay Margarita Muhammad, 71-year-old cancer survivor.
00:21Mula noon at hanggang ngayon, malaki ang kanyang pasasalamat sa PhilHealth.
00:25Dahil ang mga gastusin sa ospital, PhilHealth ang kanyang naging katuwang.
00:31Kasi nakaroon ako ng bali, apat na opera, tinglalabas ako ng ospital.
00:38Dinadaan ko sa piyed ang mga biling ko na nakakatulong naman ang malaki dahil wala akong binabayaran.
00:48Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:51mas pinalawig at mas inalapit pa sa mga Pilipino ang mga serbisyo at benepisyong hatid ng PhilHealth.
00:58Isa sa mga pinalawig na programa ng ahensya ay ang Outpatient Emergency Care Benefit o ang OECB package.
01:06Kinocover na yung emergency outpatient procedures.
01:10Gamot, yung mga lab test, yung mga professional fees at saka procedure fees.
01:15Kaya kapag kailangan ng itakbo sa emergency room at hindi naman kinakailangang pang makonfine,
01:21may mga serbisyong sagot ng OECB package.
01:25Naging epektibo ito nitong February 14, 2025 sa lahat ng mga PhilHealth Accredited Level 1, 2, 3 private and public hospitals.
01:34Pero aminado ang ahensya na may mga ospital pa na nag-a-adjust sa pag-iimplementa ng OECB.
01:39Kapag kayo ay nag-avail at hindi kayo dinidaktan ng ospital, pwede niyong i-file sa amin. Kami ay magbabayad.
01:47Sa isang supplemental advisory kaugnay ng OECB package na inilabas ng ahensya,
01:52maaring mag-direct file ang mga hindi nakatanggap ng OECB coverage simula na maging epektibo ito para sila ay makare-imburse.
02:00Kailangan lamang ihanda ang mga documentary requirements para rito, gaya ng claim forms, itemized statement of account,
02:08lab and imaging results kung mayroon, essential emergency care list o EECL summary form at hospital waiver and receipt.
02:15Maaring makipag-ugnayan sa PhilHealth regional offices o tumawag sa PhilHealth 24-7 hotline para sa kinakailangang assistance.
02:23Samantala, isa pa sa mga pinalawig na benepisyon ng PhilHealth ay ang PhilHealth consulta package.
02:28So itong consulta ay para doon sa mga malulusog na kailangang tiyakin na hindi makakasakit o doon sa mga may sakit na pero pwedeng gawing agapan kaagad,
02:42maagapan kaagad para hindi lumala at saka para maagang madetect.
02:47Ilan sa mga benepisyon sa ilalim ng consulta ay konsultasyon, health risk screening at assessment,
02:53mga piling laboratory at diagnostic test, piling gamot at medesina.
02:57Sa mga PhilHealth members, kailangan lamang magparehistro sa na piling accredited na primary care facility
03:03para ma-avail ang mga benepisyon ito sa ilalim ng konsulta.
03:07Ang nais ng PhilHealth sa ilalim ng kasalukoyang administrasyon,
03:10palawigin pa ang mga programa nito para mas maraming kagaya pa ni Nanay Margarita ang matulungan
03:16at nang ang mga benepisyon ay maramdaman ng bawat Pilipino.
03:20Diane Querer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.