Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Pagguho ng lupa at rockslides, naranasan sa Baguio City

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, nakaranas po ng pag-uho ng lupa at pagbagsak ng mga bato ang Baguio City dahil sa masamang panahon.
00:06Yan ang ulat ni Jezreel Kate Lapiza.
00:11Pasado alauna ng hapon nitong Sabado,
00:14nakuhanan sa CCTV camera ang pagbulong ng malaking bato
00:18mula sa bundok sa Camp 7, Baguio City na dumagan sa isang aso at dumurog sa nakaparadang sasakyan.
00:27Makalipas ang ilang oras, isa pang malaking bato ang muling bumagsak
00:31na tumama naman sa garahe ng pinapatayong bahay.
00:35Buti na lang, walang tao nang mangyari ang insidente
00:38pero hindi na nakaligtas ang alagang aso na isang exotic bully.
00:44Ikinalungkot ni Aling Connie ang insidente,
00:47lalo pa at nakatanggap sila ng pambabatikos mula sa mga netizen
00:52sa sinapit ng aso na pinaalaga lang sa kanya.
00:55Yung nagsasabing nag-evacuate kami,
00:57iniwang ko yung mga alaga ko dito,
01:00hindi po totoo yun kasi ang lapit lang po ng bahay namin dito.
01:04Sinimulan na rin ang pagtanggal at paglilinis sa mga nahulog na malalaking bato.
01:10Iniutos din ang preemptive evacuation sa limang pamilya malapit sa lugar.
01:16Nagmobilize na sila ng kanilang backhoe and loader.
01:20Initially, ang gagawin is to clear,
01:22i-break ang mga bato at i-clear itong kalsada.
01:25Nagsasagawa na ng clearing operations ang mga tauhan ng CD-RRMO
01:31at iba pang voluntary groups sa mga insidente ng landslide at epekto ng bagyong krising sa Baguio City.
01:38Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong,
01:41karamihan ng mga gumuhong lupa ay nangyari sa mga construction site
01:46na walang soil excavation permit mula sa lokal na pamahalaan.
01:50Patulad yung nakita natin doon sa Puliwas, na bigla na lang without any permit.
01:57Bigla na lang gumalaw yung isang residente doon na naguho kayo na lang bigla-bigla.
02:04At ayun nga, na-aggravate nga yung situation.
02:07Kaya bumagsak yung soil doon, nagkaroon na soil erosion.
02:10Sa tala ng Department of Social Welfare and Development Office,
02:14As of 1 p.m. ngayong araw, umabot sa 76 barangays ang apektado dahil sa bagyong krising at habagat.
02:23Umabot sa mahigit 8,000 pamilya o 24,800 individuals ang apektado.
02:30Labing walong bahay naman ang nasira dahil sa bagyo.
02:33Mahigit 1 milyong piso ang halaga ng humanitarian assistance na ipinagkaloob sa mga apektado.
02:40Dahil nakapag-preposition po tayo, right before the typhoon,
02:45naka-establish na yung ating mga preposition goods.
02:50So hindi natin kailangan na magdala sa malayong lugar
02:54kasi lahat ng municipantis meron tayong preposition goods na readily accessible.
02:59Sa report naman ng Department of Public Works and Highways Cordillera,
03:04as of 6 a.m., tatlong National Road ang hindi madaanan dahil sa soil collapse, road cut, rock fall at iba pa.
03:13Nag-tearing po yung mga personals ng district engineering offices sa mga nagkaroon ng mga landslide na seksyons po.
03:22Maging vigilant po tayo, maging alert po.
03:24Kasi kahit nawala na po yung bagyo, pwede pa rin tayong magkaroon ng landslide.
03:30Bagamat nakalabas na ng area of responsibility ng Pilipinas ang bagyong krising,
03:37naka-red alert pa rin ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Center
03:42at ang Office of Civil Defense Cordillera sa epekto ng southwest monsoon at ng low pressure area
03:49na posibleng maging bagyo at muling makakaapekto sa rehyon.
03:54Pinapayuhan namin lahat, lalong-lalo na sa mga landslide at flood-prone areas
03:58na magsagawa ng pre-emptive evacuation kung kinakailangan.
04:02Jezriel Kate Lapizar para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended