00:00Umabot na sa Baguio City ang 20 pesos kadakilong bigas na hatid ng Agriculture Department, National Food Authority at Food Terminal Incorporated.
00:09Yan ang ulat ni Janice Dennis ng PTV Cordillera.
00:15Umarangkada na sa Baguio City ang 20 pesos na bigas, pinangunahan ng Department of Agriculture Cordillera.
00:23Kasama ang National Food Authority at Food Terminal Incorporated ang pagbibenta ng 20 pesos kada kilong bigas sa kadiwas tour ng ahensya sa Barangay Gisad.
00:34Inilaan ito sa mga vulnerable sector na kinabibilangan ng mga senior citizen, PWD, membro ng 4-piece na makakabili ng hanggang 10 kilo.
00:46Ngayong araw, prioridad na bentahan ng mga residente sa Barangay Gisad proper.
00:52Andres Bonifacio, Pinsaw Pilot at Gisad Surong.
00:57Bago ibenta, tinikman ng mga opisyales maging ng mga bumili ng nalutong 20 pesos na bigas.
01:04Nasa 7,000 kilo na bigas ang naibenta sa unang araw ng benteng bigas meron na sa Baguio City.
01:11This is the first time in Baguio City. Pero definitely po yung selling natin ng P20 here, nagkaroon na po tayo ng selling with our minimum wage earners.
01:22Last month po nagsimula po tayo dyan. So ang usapan po natin ngayon dito po sa kadiwa ng Pangulo, gagawin po natin siyang regular, siguro po weekly, no?
01:33Ang magiging bentahan po natin.
01:36Isa sa mga nagtyagang pumila at bumili ng bigas si Aling Estrilita, isang senior citizen.
01:43Malaking tulungan niya ang 20 pesos na bigas lalo na ngayong lumaki ang kanyang gastusin dahil sa gamot para sa hypertension.
01:51Sana magtuloy-tuloy po ito at sana matulungan lahat ng karamihan sa mga vulnerable elderly people.
02:04Maraming salamat po Pangulong President Marcos. Sana magtuloy-tuloy po ito kasi kailangan po namin.
02:12Ganito rin ang kalagayan ng senior citizen na si Aling Fe, lalo pa at may sakit ding cancer ang kanyang asawa.
02:20Kaya naman, nagpapasalamat siya sa naturang programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
02:27Marami pong nabigyan ng mga mahihirap na kagaya namin na dahil sa 20 pesos, maluwag sa aming mga bulsa.
02:38At kung hindi dahil dyan, siguro kami ay isang kilo na lang at dalawang kilo ang nabibili namin sa pera namin.
02:47Iginiit ng DA at NFA na walang problema sa supply ng bigas mula sa mga magsasaka.
02:53Sabi ng NFA, talagang punong-puno po ang ating mga warehouse ngayon.
02:59The better that we can expand the program, the better that we can buy from our local rice farmers po.
03:07Puno yung aming mga warehouses. Pagka nagkaroon lang siya ng bakante, doon lang po kami makakaduli.
03:12Marami pong nakapila. Yun po yung mga inuuna namin.
03:14Tiniyak ng ahensya na may paparating din sa ibang barangay sa lungsod ng Baguio at iba pang lalawigan ng Cordellera ang 20 pesos na bigas.
03:25Janice Dennis para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.