Aired (July 20, 2025): Sa Balabac, Palawan, idinadaing ng mga magsasaka ang patuloy na paninira ng mga Palawan bearded pig sa kanilang mga taniman. Halos linggo-linggo raw umaatake ang mga ito para bungkalin at kainin ang kanilang mga pananim gaya ng kamote.
Paano nga ba masusolusyunan ang ganitong tunggalian ng tao at wildlife nang walang nasasaktan? Panoorin ang buong kuwento sa Born to Be Wild.