Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/27/2025
-2 barko ng China Coast Guard, namataan malapit sa barko ng Atin Ito Coalition habang naglalayag papuntang Pag-asa Island






-MMDA: 1,112 ang nahuling may paglabag sa unang araw ng muling pagpapatupad ng NCAP/Odd-Even Number Scheme sa EDSA, sisimulan sa June 16; magkakaroon ng 1 buwan na dry run






-Trapiko sa motorcycle lane ng Commonwealth Ave., bumigat sa pagbabalik ng NCAP






-Babae, nasawi sa rabies nitong Linggo matapos makagat ng aso noong Marso/ World Health Organization: Hindi dapat balewalain ang kagat at kalmot ng hayop dahil nakamamatay ang rabies/ilang LGU at pampublikong ospital, nag-aalok ng libreng bakuna kontra-rabies






-Foreign national, arestado dahil sa pagnanakaw; akusado, tumangging magbigay ng pahayag






-Negosyante, patay matapos pagbabarilin; mga suspek, tinutugis pa






-Mga truck na magbibiyahe ng mga ani at mga dryer, hiling ng ilang magsasaka sa Dept. of Agriculture/ 


Dept. of Agriculture: 16 sa 90 truck na binili ng NFA, ipinagagamit na sa mga magsasaka/ Kinukumpuning NFA warehouse sa Malolos, Bulacan, ipinapagamit na sa mga magsasaka/Dept. of Agriculture, umaasahang babalik ang mandato ng NFA na makapagbenta ng bigas






-"Only We Know" movie nina Dingdong Dantes at Charo Santos, mapapanood na sa mga sinehan sa June 11






-MMDA: Mag-ingat sa hindi opisyal na website kaugnay sa NCAP; huwag ilagay ang inyong plate number doon


 Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00China Coast Guard
00:30El Nido, Palawan
00:31Sa Radio Challenge, sinabi ng barko ng Pilipinas na nasa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang mga barko ng China
00:38Iginiit naman ang CCG na ang lugar ang nasa teritoryo ng China at pinilit na umalis ang barko ng atin ito
00:47Naglalayag doon ang atin ito koalasyon para sa isa pang sea concert bukas kasama ang mga manging sda sa pag-asa island
00:55Mahigit sanglibong violation ang namonitor ng MMDA sa unang araw ng muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy o NCAP kahapon
01:06Ayon sa MMDA, karamihan dito ay disregarding traffic lines, disregarding traffic signs, pagpasok sa bus lane ng mga hindi otorisadong sasakyan, pati ang maling paggamit ng motorcycle lane
01:20Mas kaunti raw ito kumpara sa mahigit 3,100 nahuli noong nakaraang lunes o May 19 na wala pang NCAP
01:29Dagdag ng MMDA, buong araw may nagbabantay sa mga CCTV camera nila kaya hindi dapat bakampante ang mga motorista
01:38Samantala, sa June 16, sisimulan ang isang buwang dry run para sa odd-even number scheme sa EDSA
01:45Exempted daw rito ang mga pampublikong sasakyan, mga TNVS, electric at full hybrid vehicles, maging mga school service
01:54Kaugnay po sa pasakit daw na dala nito sa mga motorista
01:57May mga inisyatibo naman daw ang gobyerno sa gitna ng EDSA Rehabilitation
02:02Tulad ng pagdaragdag na mga bus sa bus lane at mga bagon sa MRT3
02:09Dahil po sa pagpapatupad muli ng no-contact apprehension policy, humaba ang pila ng mga motorsiklo sa Commonwealth Avenue sa Quezon City
02:19Sabi ng ilang rider, piis-tiis na lang sila sa siksikan sa motorcycle lane kaysa naman magbayad ng multa
02:27Balitang hati at ni James Agustin
02:29Arawang ruta na ng motorcycle taxi rider na si Mark ang Commonwealth Avenue sa Quezon City
02:37Sa pagbabalik ng no-contact apprehension policy o NCAP kahapon
02:41Ramdam daw nila ang pagbagan ng usad sa motorcycle lane
02:45Kaya taste-taste na lang daw para iwas huli
02:47Kala mo nga may parade, talagang kailangan sumunod eh
02:51Multa kasi malaki multa
02:53Hindi katulad dati na nung nawala ang NCAP
02:56Pwede kang magmadali eh
02:58Pwede kang kahit saan, pwede ka sa bike lane
03:02Ngayon may NCAP, talagang obligado ka sumunod
03:04Tsaka maganda na rin yun
03:06At least, nasusunod yung batas
03:08Ang motorcycle rider na si Paulo
03:10Mag-a-adjust na raw ng oras ng kanyang biyahe
03:13Para hindi ma-late sa trabaho
03:14Heavy got traffic daw kasi ang naranasan niya kahapon
03:17Kung tutuusin, galing lang siyang payatas at mapasok sa Tomas Morato
03:21Mag-a-adjust na lang talaga ng time
03:24Gano'n na lang talaga
03:25Para hindi na rin maibig sa traffic, aagaan na lang din talaga
03:28Gano'n na lang
03:29Kasi hirap na tulad nung kapon, ang dami ng pila
03:33Kala mo may motorcade eh
03:35Ganyan din ang diskarte ni Ian
03:37Na bumabiyahe pa mula kamarin sa Kaloocan
03:39Papasok sa kanyang trabaho sa Quezon City
03:42Aagaan na lang siguro sa pag-ising
03:44Para hindi ma-late sa pagpasok
03:46Kasi siyempre medyo
03:49Mabagal yung dalaw ng traffic
03:53Musunod lang din naman na tayo sa in-cap
03:58Aagaan na lang siguro natin para hindi ma-late
04:00Para naman kay Bernard, konting sakripisyo lang daw
04:03Ang mahabang pila sa motorcycle lane
04:05Lalo na kapag rush hour kayo sa matikitan
04:07Medyo humaba yung uras namin sa pag-uwi sir
04:11Wala tayong magawa eh
04:12Gano'n yung batas eh
04:14Natanggapin na lang natin
04:16Konting tiis na lang
04:18Kasama ang Commonwealth Avenue sa mga pangunahing kalsada
04:21Sa Metro Manila
04:22Na ipinatutupad ang end-cap ng MMDA
04:25Ayon sa MMDA, nasa 327 na camera naka-install
04:29Para i-monitor ang galaw ng mga motorista
04:31May tataw pa rin daw ng mga traffic enforcers
04:34Sa malugar na walang kamera
04:35James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News
04:39Huwag baliwalain ang anumang kagat o kalmot ng hayop
04:47Yan po ang paalala ng mga eksperto
04:49Lalo't may isa na namang naitalang namatay
04:52Nang dahil po sa rabies
04:53Balitang hatib ni Jonathan Andal
04:55Nakagapos sa kama ng ospital
05:01Pero panay ang galaw ng mga kamay, paa, ulo at bibig
05:05Nang 25 anyos na si Nicole
05:07Nakapag-video pa siya habang kumakain
05:09Pero halatang bali sana
05:11Sumen niya siya sa kapatid na iinom ng tubig
05:13Pero pinatak-patak lang niya ito sa bibig
05:15Gamit ang straw
05:16Kita ko talaga yung hinga niya
05:18Pag ganyan na
05:20Sabi ko, sir, may hika, kabanak
05:23Sabi niya, mama, upo
05:24Sabi ko, sige, uminom ka ng gamot
05:26Sabi niya, mama, pag uminom ako ng gamot
05:29Malulunod na ako
05:30Si Nicole tinamaan na pala ng rabies virus
05:34Ni, yung anak mo
05:36Tinatalian na
05:38Kasi umakyat na yung rabies sa utak niya
05:41Doon ko na nalaman, sir, na nakagat pala siya ng aso
05:44Wala raw pinagsabihan si Nicole
05:47Na nakagat siya ng aso
05:48Sabi ng ina, noong Marso pa nakagat sa paa ang anak
05:51Pero nitong Sabado lang, May 24, lumabas ang mga sintomas
05:55Sa 3D siya ng gabi, tumawag siya sa akin mga 10 o'clock
05:58Ang sabi niya sa akin, mama, masama po pakiramdam ko
06:02Mama, matay na po ako
06:04Sabi niya, mama, tawagan mo si Toto
06:06Sunduin ako papuntang ospital
06:08Binawian ng buhay si Nicole
06:10Naulilan niya ang tatlong taong gulang na anak
06:12Hindi na ibuburo na tagad nang inilibing ang labi ni Nicole
06:16Kaya ang ina niyang nasa muntin lupa
06:17Nananawagan ng tulong para makauwi sa libing ng anak sa bakulod
06:21Dahil nakakahawa ang rabies
06:23Nagpaturok na ng anti-rabies vaccine
06:25Ang kapatid ni Nicole
06:26Na may direct contact at nag-alaga sa kanya sa ospital
06:29Pangalawa si Nicole
06:31Sa nadokumentong namatay sa rabies
06:33Sa loob ng isang linggo
06:34Noong May 18
06:37Pumanaw rin sa rabies
06:38Ang factory worker sa Laguna
06:40At dating CAFGUNA si Janelo Limbing
06:42Siyam na buwan matapos makagat ng aso
06:44At hindi kinumpleto ang tatlong doses ng bakuna
06:47Ang rabies ay isang virus na inaatake
06:50Ang central nervous system
06:52Na ipapasa ito mula sa kagat at kalmot ng hayop
06:55Na infected nito
06:56Base sa datos ng DOH
06:58426 ang naitalang kaso ng rabies noong 2024
07:02At ngayong taon
07:03Mula Enero hanggang March 1
07:0555 na ang naitala
07:07Sabi ng World Health Organization
07:09Pwedeng umabot ng hanggang isang taon
07:11Ang incubation period
07:12O yung panahon nasa ploob ng katawa ng rabies
07:15Bago itong maglabas ng sintomas
07:17Kaya huwag ipagbaliwala ang anumang kagat o kalmot ng hayop
07:21Magpabakuna dahil nakamamatay ang rabies
07:24Pero kaya rin agapan ng bakuna
07:26Sa Quezon City, libre ang bakuna contra rabies
07:29Para sa mga lehitimong residente
07:31Kung hindi, babakunahan pa rin naman ang pasyente
07:33Kaso, unang shot lang
07:35Ang mga susunod na doses dapat doon na sa LGU ng pasyente
07:38Para hindi raw maubos ang supply ng mga taga QC
07:41Kada araw, umaabot na hanggang tatlong daan
07:43Ang nagpapabakuna sa QC contra rabies
07:46Immediately po sana
07:48Pag nahagat po tayo
07:49At malalim yun doon sa mga sugat
07:51Magpuntan na po doon sa pinakamalapit na health facility
07:54Libre rin ang bakuna contra rabies
07:56Sa RITM sa Muntin Lupa
07:57Amang Rodriguez Hospital sa Marikina
07:59Pati sa San Lazaro Hospital sa Maynila
08:02Na may 100,000 vials parao para sa buong taon
08:05At kung maubos, nakakahingi naman ng tulong sa DOH
08:08Magtanong din sa inyong LGU para sa libreng bakuna
08:10May animal bite treatment package din
08:13Ang PhilHealth na nagkakahalaga
08:14Ng 5,850 pesos
08:17Sakop nito ang anti-rabies vaccine
08:19Anti-tetanus at local wound care
08:22Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News
08:26Ito ang GMA Regional TV News
08:31Mainit na balita tayo mula sa Luzon
08:35Hatid, dag GMA Regional TV
08:37Pulikam ang pagnanakaw ng isang lalaking foreign national
08:41Sa isang apartment sa Dagupan, Pangasinan
08:43Chris, naaresto ba yung lalaki?
08:45Pony, arestado ng lalaki matapos mahuli ulit na nagnanakaw
08:54Sa kuha ng CCTV sa unang inakawang apartment sa barangay Tapwak nitong Merkules
08:59Siam na units ang pinasok ng dayuhan
09:02Pinagsisira niya ang mga doorknob saka tinangay ang mga nakita niyang gamit sa loob
09:07Kabilang dyan ang isang laptop, cellphone, wallet at tablet
09:10Naiwan niya yan nang habulin siya
09:13Pero may natangay siyang pera sa kanyang pagtakas
09:16Tuluyan na siyang nahuli nang magnakaw ulit nitong biyernes
09:20Ayon sa mga polis, meron ng existing warrant of arrest para sa kasong robbery ang lalaki
09:25Pebrero ngayong taon
09:27Tumanggi magbigay ng pahayag ang akusado
09:29Patay naman sa pamamarilang isang negosyante dito sa Dagupan, Pangasinan
09:35Basis investigasyon, kasasakay pa lamang sa pick-up ng 38 anyos na lalaking biktima
09:41Nang dumating ang mga salarin at pinagbabaril siya
09:44Dinala pa siya sa ospital pero hindi na siya umabot ng buhay
09:48Ayon sa asawa ng biktima, wala namang kaaway ang kanyang mister
09:52Inaaral pa ng polis siya ang mga CCTV sa paligid para matugis ang mga salarin na tumakasakay ng motorsiklo
09:59Wala pang pahayag ang kaanak ng biktima
10:02Nakipagpulong ang ilang magsasaka sa Department of Agriculture
10:07Kaugnay sa hindi mahakot-hakot nilang palay
10:11Dahil po sa kawalan ng bumabiyahing truck
10:13Tinalakay rin ang mababang presyo ng palay
10:16Balitang hatid ni Bernadette Reyes
10:18Mga truck na magbabiyahe ng mga aning palay at mga dryer
10:25Ang ilan sa mga inilapit na mga magsasaka sa pahikipagpulong sa Department of Agriculture
10:31Ang palay po kasi namin nasa bahay lang, hindi po mahakot dahil wala pong transport phase, walang truck
10:40Ayon sa Department of Agriculture, may siyam na pong truck na binili ang National Food Authority o NFA ngayong taon
10:46Labing-anim dito dumating na sa bansa at pinagagamit na sa mga magsasaka
10:51Maaari rin itong gamitin para hakuti ng mga sobrang produksyon gaya ng carrots, kamatis o sibuyas
10:57O kaya na may gamitin para sa mga kaliwa
11:00Pinagamit na rin ang NFA ang warehouse na kinumpuni kahit hindi pa tapos
11:05Basta ligtas na itong gamitin gaya nitong nasa malolos bulakan
11:09Paraan daw ito para solusyonan ang hinaing ng ibang magsasaka sa mababang presyo ng palay
11:15Na umaabot na sa 12 pesos sa ilang lugar
11:17Bumaba po ang aming palay dahil po ba doon sa inaangkat
11:22E sabi po ni administrator, hindi naman do po
11:25Siguro po mga traders ang mga gusto po nilang kumita ng malaki
11:30Kami bagsak ang aming presyo
11:33Kapag ang warehouse ng NFA sa isang lugar puno na at hindi tayo makapamili
11:39Doon pumapasok yung mga sabihin na natin pananamantala
11:43Kasi walang ibang mapagdadalhan yung ating mga magsasaka
11:47That's why ang discarding ngayon, free up doon sa mga depressed prices
11:51Humaasa rin ang DA na babalik ang mandato ng NFA na makapagbenta muli ng bigas
11:56Sa ngayong kasi buffer stocking ang ginagawa ng NFA
11:59Para masigurong may sapat na bigas, lalo na sa panahon ng mga emergency o kalamidad
12:04Ang mas magandang mangyari is pwedeng magbenta ang NFA sa palengke
12:14Through accredited NFA retail outlets like before
12:19Kailangan din yung lahat ng retailers at traders
12:23Kailangan by law mag-register sa NFA
12:28Bernadette Reyes na babalita para sa GMA Integrated News
12:31Not the usual love story
12:39Ganyan daw ang aabangan sa pelikulang Only We Know
12:43Starring kapuso primetime king Ding Dong Dantes at Charo Santos Concho
12:48This June 11, mapapanood na ang unang project ng Tambalang Dongsha
12:54Literal na effort at time daw ang puhunan nila
12:58Dahil 7 years in the making ang pelikula
13:00Present ang lead star sa kanilang media conference
13:04Nakatsikahan rin ang inyong kumare si na Dong at Charo
13:07Kasama ang direktor ng pelikula na si Irene Villamore
13:10Say ni direct from the very start, tailor fit talaga
13:13Ang karakter ni na Ryan at Betty para kinading Dong at Charo
13:17Ibinahagi naman ng mga bida ang experience nila sa proyekto
13:21Nasa wishlist ko ang makatrabaho
13:26Siyempre si Ma'am Charo
13:28May feeling na ako parang ito yung greatest audition of my life
13:31na pataroon na ako kailangan akong pumasari ito
13:33Well, nasa punto naman ako ng buhay that I'm open to
13:37experimenting
13:40to new challenges
13:43Nakita ko yung growth niya and maturity niya as an actor
13:47Nagbabala ang MMDA kaugnay sa hindi-official na website
13:53na kumakalat po online
13:54tungkol sa no contact apprehension policy
13:58Ayon sa MMDA, huwag ilagay ang inyong plakar yan, ha?
14:02May mga nagpapakalat daw kasing dito makikita
14:05kung may paglabag ba ang sasakyan ng mga motorista
14:08Kapag daw makita ito sa social media
14:10eh huwag na itong i-share para hindi na po kumalat
14:14Paglilinaw ng MMDA, inaayos pa nila
14:17ang website para sa NCAP

Recommended