Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/18/2025
-LRMC: Operasyon ng LRT-1, limitado dahil sa isyu sa kuryente; mula Gil Puyat hanggang Fernando Poe Jr. Station lang muna ang biyahe


-Lalaking nagnakaw ng motorsiklo ng kanyang kababata sa Brgy. Escopa III, arestado/Suspek, inaming nagawa ang pagnanakaw dahil sa hirap ng buhay


-PAGASA: Bagong Low Pressure Area, binabantayan malapit sa Pangasinan; mababa ang tsansang maging bagyo


-Ilang lugar sa Metro Manila, inulan sa magdamag/Ilang kalsada, nagmistulang ilog dahil sa baha/Ilang estudyante, pansamantalang stranded sa paaralan dahil sa malakas na ulan/Ilang negosyante at residente, naperwisyo ng baha sa Brgy. Nuro Poblacion


-PBBM, binisita ang nasunog na San Francisco High School at nagbigay ng tulong/Nasunog na gusali ng San Francisco H.S., inirekomenda ng DPWH na gibain at palitan ng bago/Dalawang shift ng klase, ipinapatupad sa San Francisco H.S.; DepEd, nagbigay ng mga mesa at 10 computer/PBBM, nangakong magbibigay ng school supplies sa mga mag-aaral sa San Francisco H.S./Sitwasyon ng mga Pinoy na naiipit sa gulo ng Israel at Iran, binabantayan ni PBBM/PBBM: Pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, asahan dahil sa gulo sa Middle East


-Dept. of Agriculture Sec. Tiu Laurel: Pinoy delegation na na-stranded sa Israel, nakalikas na sa Jordan; nakatakdang umuwi sa Pilipinas sa Sabado


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mainit-init na balita, nagpapatupad ngayon ng temporary limited operations ang Light Rail Manila Corporation sa LRT1.
00:08Dahil yan sa inaayos na electrical fault sa pagitan ng Redemptoris Aseana Station at Baclaran Station.
00:14Base po sa taginang customer advisory, mula Hill Puyat Station hanggang Fernando Poe Jr. Station lamang muna ang biyahe ng mga tren. Vice versa po yan.
00:24Kasabay niya ng pagsusuri at pagkukumpuni sa iba pang pasilidad para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero. Wala pang anunsyo kung anong oras may babalik ang full operations.
00:37Samantala, balikulungan ang isang lalaking naahulikam na nagnakaw ng isang motosiklo sa Quezon City.
00:43Ang sospek na umamin sa krimen, kababata pala mismo ng may-ari ng motosiklo. Balita hatid ni James Agustin.
00:49May dalang helmet ang lalaking ito habang naglalakad na makuha ng sa CCTV sa bahagi ng barangay Escopa 3 sa Quezon City.
01:00Matapos ang ilang minuto, sa isa pang anggulo kita na ang lalaki na nakasakay sa motosiklo.
01:06Ang motosiklo, ninakaw pala niya.
01:08Pagsikat na ng araw na madiskubre na may-ari na wala na ang kanyang motor.
01:12So nung tinitignan niya na yung motor niya, doon sa pinagparadahan niya, nawawala na ito.
01:18So kagad niya naman ito na sinumbong sa barangay at inireport.
01:24Nang i-review ang CCTV footage, namukaan ng biktima ang sospek.
01:29Nakababata araw niya at dating kapitbahay sa lugar.
01:32Sa ikinasang follow-up operation ng polisya sa San Jose del Monte, Bulacan,
01:35namataan ang sospek sa gilid ng kalsada.
01:38Inaresto ang 32 anyo sa sospek.
01:41Nabawi sa kanyang ninakaw ng motorsiklo na tinanggalan na ng plaka at fairings.
01:45So nung na-verify sa CCTV yung itsura ng tao na kumuha ng motor,
01:53kaagad-agad na na-verify natin na yung sinasabi na sospek ay tigaron din dati sa lugar na yon.
02:00Kaya pamilyar yung mga complainant, mga victim at pati na rin po yung kapulisan natin doon sa tao na yon.
02:07Dati nang nakulong ang sospek dahil sa kaso may kinalaman sa iligal na droga.
02:10Ngayon, sinampahan naman siya ng reklamong paglabag sa new anti-carnapping law.
02:16Inakaw ko po yun.
02:18Gawa po ng kahirapan.
02:20Ginamit ko lang po yun kasi po gusto ko po kumuhaid doon sa amin sa Bulacan.
02:24James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
02:28Mainit-init na balita, may bagong low pressure area na binabantay ngayon sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
02:41Namataan po yan ang pag-asa sa dagat sakop ng Bolinao, Pangasinan.
02:45Sabi ng pag-asa, mababa ang tsansa nito maging bagyo pero asahan daw ang mga pag-ulan.
02:50Kabilang po dyan ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon Region at sa mga probinsya ng Benguet, Quirino, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Oriental Mindoro at Marinduque.
03:03Nakataas po ngayon ang rainfall advisory dito sa NCR.
03:07Apektado rin po ang Tarlac, Cavite, Zambales, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan at Ilampanig ng Quezon, Bulacan at Rizal.
03:17Tatagal ang rainfall advisory hanggang pasado alas 12 ngayong tanghali.
03:22Ang LPA naman na nasa Southern Luzon na lusal na o nag-dissipate na.
03:27Ulang dulot naman po yan ng Intertropical Convergence Zone ang aasahan sa ilang bahagi ng Mindanao
03:32habang posible ang mga local thunderstorms sa iba pang panig ng bansa.
03:37Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, halos pong Luzon at Mindanao ang uulanin sa mga susunod na oras.
03:43May ulan din po sa ilang panig ng Visayas. Posible ang heavy to intense rain sa maaaring magdulot ng baha o landslide.
03:54Magdamag na nakaranas ng pagulan sa ilang bahagi ng Metro Manila.
04:01Halos mag-zero visibility sa ilang kalsada sa Quezon City kaninang madaling araw, pati na sa ilang kalsada sa Maynila.
04:07Kaya ang mga motorista dahan-dahan lang ang pagmamaneho.
04:11Ayon sa pag-asa, Easterlis ang nagdala ng ulan sa ilang lugar sa NCR.
04:19Sa Pantukan Davo de Oro, nagmistulang ilog ang kalsada na yan.
04:23Kasunod ito ng naranasang pagulan doon.
04:26Naging pahirapan ang biyahe ng mga motorista roon.
04:29Pinasok ng baha ang ilang bahay at negosyo.
04:31Sa makilala ko Tabato, pansamantalang stranded ng ilang estudyante sa paralan dahil sa malakas na ulan kahapon.
04:43Sunilong muna sila at nagpatila sa ulan bago umuwi.
04:46Nagpaalala ang mga otoridad sa mga nakatira malapit sa ilog ng maging alerto.
04:52Binahari ng ilang lugar sa UP Maguindanao del Norte.
04:55Apektado ang ilang negosyo sa barangay Nuro Poblasyon.
04:58Sa kuha ng video, isinalbang isang refrigerator ng kainan mula sa baha.
05:03Kanya-kanyang likas din ng kanina mga gamit at paninda ang ilang negosyo na binaha.
05:13Ininspeksyon ni Pangulong Bomong Marcos ang gusali ng San Francisco High School sa Quezon City
05:18na nasunog bago po magbalik eskwela.
05:21Kaya naman kumuha tayo ng detalya sa ulot on the spot ni Ivan Mayrina.
05:25Ivan?
05:26Connie, sa pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos sa nasunog ng San Francisco High School sa Quezon City,
05:32agarang tulong at pagpapalit sa mga nasunog na gamit ang hatid niya sa mga apektado mag-aaral at mga guru.
05:38Personal na ininspeksyon ng Pangulong dalawang palapag na school building sa paaralan na natupok ng apoy
05:43nitong linggo na umaga, isang araw bagong pasukan.
05:46Ang school building na ito ay para sana sa may halos 700 senior high school students ng San Francisco High School.
05:52Sa pagsusuri ng DPWH, kailangan ng gibain ang 45 taong gulang na gusali.
05:58At ito, itatayong apat na palapag na gusali na doble ang kapasidad na para sa 1,500 mga mag-aaral.
06:06At sa mga mag-aaral, at sa halip na isang shift lang, pinawang dalawang shift ng klase.
06:136 a.m. hanggang 12.20 p.m. ang morning shift at 12.30 p.m. hanggang 40 p.m. ang afternoon shift.
06:21Sa kabila ng nangyaring sunog ay hindi naantala ang pagsisimula ng klase.
06:25Ang DepEd agad na nagbigay ng mga mesa at silya at may paunang sampung computer na ibinigay para sa mga guru.
06:31At Pangulo naman mismo, nangako na mga school supplies hindi lang para sa mga mag-aaral kundi maging para sa mga guru.
06:38Samantara, sa isang panayang pagkatapos sa Inspeksyon Connie, ay nagsalita ang Pangulo tungkol sa alamalang sitwasyon ng kaguluhan sa pagitan ng Isra Galat Gran
06:46kung saan 1,000-1,000 Pilipino ang naiipit sa gulo.
06:49Sinababantayan ng Pangulo ang sitwasyon sa mga kensya ng pamahalaan.
06:53Kinontakt na raw ang mga Pilipino para sa mga nais ng repatriation.
06:57Yun na lang sa ngayon ay pahirapan ang ruta dahil sarado ang mga effort.
07:02Pero papuntaro mismo si DMW Secretary Hans sa Jordan para pangasiwaan ito.
07:09Ayon naman sa Pangulo, asa ang taas ang presyo ng mga produktong petrolyo dahil may iibit ang supply
07:14at takaanda ng mga subsidiya para sa mga pinakapektado sakaling pumalo ng husto ang presyo ng petrolyo
07:20na may efekto rin sa presyo ng pamasahe at gayon din ng mga pangonahing bilihin.
07:25At yan ang latest mula sa Malacanang. Balik sa'yo, Connie.
07:28Marami salamat, Ivan Mayrina.
07:32Sa gitna ng palitang atake ng Israel at Iran,
07:3521 Pinoy na nasa official travel ang stranded sa Israel.
07:39Ayon sa Philippine Embassy in Tel Aviv, 17 sa kanila ang LGU officials
07:42habang taga Department of Agriculture naman ang apat.
07:46Inisponsor na ng Israeli government ang pagdalo nila sa isang training doon
07:49na nagsimula noong nakarang linggo at magtatapos sana ngayong linggo.
07:53Ayon kay Israeli Ambassador Ian Fluss, nagbibigay na ng tulong ang Israeli government.
07:59Sabi naman ni DI Secretary Francisco Chu Laurel Jr.
08:02nakarating na kagabi sa Jordan ang mga Pilipino.
08:05Inaasahang makauwi sila sa Pilipinas sa Sabado ng umaga.
08:09Ayon sa ating embahada sa Israel, may mahigit 30,000 Pilipino sa Israel.
08:13Ito sa kanila ang nasugatan sa mga airstrike ng Iran habang halos 50 ang nawala ng tirahan.
08:23Tako.
08:24Tako.

Recommended