- 6/25/2025
-1, patay sa sunog sa isang paupahang bahay sa Brgy. San Martin de Porres
-LRTA: 2 araw na libreng sakay, ipatutupad sa LRT-2 kasunod ng technical problem; aberya, inaayos pa
-Ilang tsuper ng jeep, umaaray sa mas maliit na kita kasunod ng big-time oil price hike
-Ilang lugar sa Davao City, nalubog sa baha/PAGASA: Mga local thunderstorm, asahan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw/PAGASA: Bagyong nasa West Phl Sea, posibleng hatakin ang Habagat palayo ng bansa kung lalakas ito
-P9.5B halaga ng illegal drugs kabilang ang mga "floating shabu," target sirain ngayong araw/PBBM: Walang malaking epekto sa ekonomiya ang giyera ng Iran at Israel
-Motorsiklong biglang kumabig sa katabing lane, nabangga ng paparating na SUV; Rider at kanyang angkas, sugatan
-3, arestado sa pagnanakaw umano ng motorsiklo; sa korte na lang daw magpapaliwanag
-Motorcycle rider, sugatan matapos sumalpok sa karatula
-Luzon King Cobra at nasa 50 itlog nito, natagpuan sa isang bahay sa Brgy. Magalalag West
-Bagong karakter na The B-Boys sa "Maka," gagampanan nina Anton Vinzon, Raheel Bhyria, at Mad Ramos
-Thunderstorm Watch, itinaas sa NCR at ilang karatig-probinsya
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-LRTA: 2 araw na libreng sakay, ipatutupad sa LRT-2 kasunod ng technical problem; aberya, inaayos pa
-Ilang tsuper ng jeep, umaaray sa mas maliit na kita kasunod ng big-time oil price hike
-Ilang lugar sa Davao City, nalubog sa baha/PAGASA: Mga local thunderstorm, asahan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw/PAGASA: Bagyong nasa West Phl Sea, posibleng hatakin ang Habagat palayo ng bansa kung lalakas ito
-P9.5B halaga ng illegal drugs kabilang ang mga "floating shabu," target sirain ngayong araw/PBBM: Walang malaking epekto sa ekonomiya ang giyera ng Iran at Israel
-Motorsiklong biglang kumabig sa katabing lane, nabangga ng paparating na SUV; Rider at kanyang angkas, sugatan
-3, arestado sa pagnanakaw umano ng motorsiklo; sa korte na lang daw magpapaliwanag
-Motorcycle rider, sugatan matapos sumalpok sa karatula
-Luzon King Cobra at nasa 50 itlog nito, natagpuan sa isang bahay sa Brgy. Magalalag West
-Bagong karakter na The B-Boys sa "Maka," gagampanan nina Anton Vinzon, Raheel Bhyria, at Mad Ramos
-Thunderstorm Watch, itinaas sa NCR at ilang karatig-probinsya
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Nagising dahil sa sunog sa isang paupahang bahay ang ilang taga-barangay San Martin de Porres sa Quezon City.
00:07Nang maapula, nadiskubring isang tenant nito ang nasawi.
00:11Ang may-ari ng paupahan, tumanggi muna ang makipag-usap sa mga otoridad.
00:16Balit ang hatid ni James Agustin.
00:18Balit ang mga residente ng Zambale Street sa barangay San Martin de Porres sa Quezon City mag-alas 2 sa madaling araw kanina.
00:32Mabilis na tinupok ng apoy ang ikalawang palapag ng isang paupahang bahay.
00:36Itinasang Bureau of Fire Protection ang unang alarma.
00:38Nasa labing tatlong fire truck nilang rumisponde, bukod pa sa mga fire volunteer group.
00:43Tumagal ng halos 30 minuto ang sunog bago itutuloy ang naapula.
00:46Ayon sa isa sa mga tenant, nagising na lang siya na makapanaang uso.
00:51Nung tumayo ako, pagbukas ko ng pinto, umano agad yung apoy sa mukha ko.
00:55Inhalim po nga tanako, tumakbo na ako palabas, may tumutulo ng apoy.
01:00Parang ano yata yung styrofoam sa taas yung kisame.
01:03Wala mang naisalba ni isang gamit.
01:05Laking pasasalamat niya na ligtas siyang nakalabas.
01:08Itinuturing na raw niya itong ikalawang buhay.
01:10May hirap na bumalik eh, kasi ang bilis kumalat ng apoy.
01:13Doon mismo sa tabi ng kwarto ko.
01:15Ang lalaki namang ito na umuupa rin sa isang kwarto,
01:18nagtamo ng first degree burns sa kanyang balikat at braso.
01:21Wala rin siya naisalbang gamit.
01:22Kinumpirma ng BFP na isang lalaking tenant ang nasawi.
01:26Na-trap siya sa kanyang kwarto.
01:27Yung ating biktima, natakpon po sa second floor, doon sa kanyang higaan.
01:32Ngayon po, inaalam pa po natin yung pagkakilanlan niya.
01:36Inimbisigahan pa ng BFP ang sanhinang apoy at kabuang halaga ng pinsala.
01:40Inaalam din ang kabuang bilang ng mga tenant na umuupa sa bahay.
01:43James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:47Abiso po sa mga suki ng LRT Line 2,
01:52libre ho ang pamasahin ninyo ngayong araw hanggang bukas.
01:56Kasunod po yan ng aberya sa linya ngayong araw.
01:59Kaninang umaga nga po, eh humaba ang pila at dumami
02:02ang nagabang ng jeep at buso sa ilang estasyon ng LRT 2
02:05matapos maantala ang simula ng biyahe.
02:08Ayon kay Light Rail Transit Authority Administrator Atty. Fernando Cabrera,
02:13sa ngayon, umiiral ang provisionary service mula rekto hanggang Cubao Station at pabalik.
02:19Inaayos pa rin po kasi ang technical problem sa transformer No. 5 at 6
02:24na nasa Santolan at Anonas areas.
02:26Para rin ibsan ang perwisyo sa commuter, may libring shuttle service ang LRT A
02:32mula sa mga estasyon ng Antipolo, Marikina, Pasig, Santolan, Katipunan at Anonas stations patungong Cubao.
02:45Dahil sa big time taas presyo sa ilang produktong petrolyo,
02:49lalo raw lumiit ang nauuwing kita ng ilang chipper ng jeep.
02:52Ayon sa isang chipper sa Mandaluyong na nakausap ng GMA Integrated News,
02:57300 pesos na lang ang nauwi mula sa kinitang 1,500 pesos kahapon.
03:02Ang 800 pesos kasi, pang diesel na.
03:05400 pesos naman ang boundary.
03:08Ang isa pang chipper, 350 pesos na lang ang nauwi mula sa kinitang 2,000 pesos
03:13matapos ibawas ang lahat ng gas to sea.
03:16Kaya umaasaro siya ng pagbibigyan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board
03:20ang petisyong pisong taas pasahe sa jeep.
03:24Simula kahapon, meron ang dagdag na 2 pesos and 6 centavos sa kada litrong diesel,
03:291 peso and 75 centavos naman sa gasolina,
03:33habang 2 pesos and 40 centavos sa kerosene.
03:36Bukas, may ganyan ding taas presyo.
03:46Binaha ang ilang panig ng Davao City kagabi.
03:49Ilang kalsada po ang nalubog sa tubig gaya ng National Highway sa Barangay Ilang
03:54at bahagi ng Rojas Avenue, Panakan at Tibungko.
03:58Rumagasa ang kulay tsokolate na tubig sa lungsod.
04:01Sa kabila po niyan ay nananatili sa safe level ang mga ilog sa Davao.
04:06Ang pag-uulan sa lungsod ay dahil sa mga local thunderstorms ayon sa pag-asa.
04:11Muli po itong aasahan ngayong araw, hindi lamang sa Davao, kundi sa iba pang lugar sa bansa.
04:16Kasama na ang Metro Manila.
04:18Ang Zambales, Bataan at Palawa naman ay uulanin din dahil po sa hanging habagat.
04:24Walang direktang epekto sa lagay ng panahon ang bagong bagyo
04:27o tropical depression na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
04:33Yan yung low pressure area na namataan po kahapon, malapit dyan sa Central Luzon.
04:38May lakas po yan ang hangye na aabot sa 45 kilometers per hour ayon sa pag-asa.
04:42Kung sakaling lubakas, e posible po nitong hilahin ang hanging habagat palayo ng bansa.
04:49Kaya maaring pansamantalang maging mainit ang panahon sa mga susunod na araw.
04:57Ito na ito nilad ang iligal na droga ang sinisira ngayon sa Kapas Tarlac.
05:02Kabilang dito, yung mga nakitang droga ang palutang-lutang sa mga dagat sa Luzon.
05:07May ulat on the spot si June Veneration.
05:10June!
05:13Rafi, sinaksihan ni Pangulong Bongbong Marcos yung pagsira sa biliyong-biliyong pisong halaga ng iligal na droga
05:20sa isang disposal facility dito sa Kapas Tarlac.
05:24Nasa 9.5 billion pesos ang halaga ng lahat.
05:30Ang droga ang sinisira ngayong araw.
05:31Kasama na dyan, ang mahigit 1.3 tons ng floating shabu na may halaga namang 8.8 billion pesos.
05:38Yan yung mga nakitang palutang-lutang kamakailan sa dagat na sakop ng Zambales, Pagasinan, Ilocos Sur, Ilocos Norte at Cagayan.
05:47Sabi ng Pangulo, gusto niyang makita ang proseso para masiguro na hindi na ito maibibenta.
05:5210 oras tatagal ang proseso na tinatawag na thermal decomposition kung saan susunugin sa init na 700 degrees Celsius ang kontrabando sa loob ng pyrolysis machine.
06:05Bago lumabas sa disposal facility, ay nagpaulak muna ng panayam ang Pangulo.
06:09Sa harap ng gera ng Israel at Iran, nakipag-meeting ang Pangulo sa kanyang mga economic managers kahapon.
06:15Sa kanilang tingin, ay manageable lang ang impact nito sa ating ekonomiya.
06:18Sa ngayon, ay wala raw significant effect ang gulo sa pagitan ng dalawang bansa.
06:24May mga binabantayan lang daw sila ngayon na mga nagsasamantala sa sitwasyon.
06:30May mga namomoreto daw kasi silang sangko sa price gouging o pagtataas ng presyo ng essential goods.
06:36Ito ay sa kabila ng stable na presyo ng krudo sa world market.
06:39Tumaas ito ng $79 per barrel pero bumaba din naman agad ito sa $69 per barrel.
06:47Kaya sa ngayon, ay hindi pa raw kailangan ng fuel subsidy dahil hindi naman tumataas ang presyo ng krudo.
06:53Yan ang latest mula rito sa Kapas Tarlac, Balik Serafi.
06:57Maraming salamat, June Veneracion.
07:02Kita po sa videong iyan,
07:05ang halos sa pag-semplang ng isang ride-hailing ng motorsiklo sa SSO Boulevard Tunnel.
07:12Saktong nabangga ito ng SUV na may kuha ng dash cam.
07:15Kumandusay sa kalsadang rider pati ng kanyang angkas.
07:19Pareho silang nahirapang huminga.
07:21Hindi na nakunan ang pahayag ang rider na isinakay sa ambulansya dahil nahihirapang gumalaw.
07:26Nasira ang parehong sasakyan na sangkot sa aksidente.
07:29Kwento ng driver ng SUV,
07:31may iniwasan o nakagitgitan na isa pang sasakyan ng motorsiklo,
07:35kaya napakabigito sa lane na tinatahak niya.
07:37Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
07:40Tatlo po ang arestado sa Rodriguez Rizal matapos umano na magnakaw ng motorsiklo.
07:49Balit ang hatid ni EJ Gomez.
07:51Nasa kote na mga pulis ang tatlong lalaki na sangkot umano sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Rodriguez Rizal.
08:02Base sa imbestigasyon,
08:04alas tres ng madaling araw kahapon nang mapansin ang 32 anyos na biktima
08:08sa harap ng kanilang bahay sa Parangay San Isidro,
08:11ang apat na lalaki sakay ng motorsiklo.
08:14Nagluluto siya ng pagkain ng anak niya kasi ahatid niya sa school sa itong madaling araw.
08:20Nung nakita niyang may dalawang motor na pumarada doon sa tapat ng bahay nila,
08:25nakita niya yung suspect na kininanakaw yung kanyang motor.
08:30So hindi na siya nakakibudal.
08:31Mayamaya pinaandar niya pero sabi niya kilala niya.
08:34Yung isa doon sa apat.
08:37Pagsapit ng alas seis ng umaga,
08:39nang hiram daw ng motorsiklo ang biktima
08:41na kanyang ginamit sa pag-iikot sa lugar para matunto ng kanyang motor.
08:45Dahil ang sabi niya,
08:47sigurado hindi makakalayo dahil walang gasolina yung kanyang motor.
08:50Nakita nga niyang motor niya sa isang area duma.
08:54Hindi ganun kalayuan doon sa may kanila.
08:57Nagsumbong ang biktima sa barangay
08:58na siya namang nagtawag ng mga polis para arestuhin ang mga sospek.
09:03Ayaw ay inaresto namin sa alam pagkainanakaw ng motor.
09:07Narecover sa mga sospek ang ninakaw ng motorsiklo.
09:10Ang mga sospek sa korte na lang daw magpapaliwanag.
09:14Nakoment po.
09:15Sa korte na lang daw magpapaliwanag.
09:17Nagtokong po ko sir na nakailan na daw po kayong lakaw ng motorsiklo?
09:21Nakoment po.
09:21Sa korte na lang daw magpapaliwanag.
09:24Maharap ang tatlo sa reklamong paglabag sa new anti-carnapping law.
09:28Patuloy naman ang manhunt operation sa isa pang sospek.
09:32EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:36Ito ang GMA Regional TV News.
09:43Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
09:48Hulikam ang disgrasyang kinasangkutan ng isang rider sa Mangaldan, Pangasinan.
09:52Chris, ano ang detalye?
09:54Connie, bumanga ang rider sa isang karatula sa barangay Malabago.
10:00Sa kuha ng CCTV, kitang nagdere-derecho ang biktima sa isang signage madaling araw kahapon.
10:06Sa lakas ng impact, tumila po ng rider at natanggal pa ang gulong ng kanyang motor.
10:11Ayon sa barangay, mabilis ang patakbo ng rider na papuntang Dagupan City.
10:15Promesponde ang mga taga-barangay at dinala siya sa ospital.
10:19Ayon sa barangay, nasira ang cellphone ng biktima at wala siyang dalang ibang gamit.
10:23Kaya hirap matukoy ang kanyang pagkakakilandan.
10:28Isang uri naman ng King Cobra ang natagpuan sa isang bahay sa barangay Magalala, West, sa Enrile, Cagayan.
10:35Ayon sa City Environment and Natural Resources Office, Solana, nakabilang sa mga Romesponde,
10:40nakita ng mga residente ang ahas nang ataki nito ang mga alagang aso.
10:45Natukoy na isang Luzon King Cobra ang ahas.
10:49Endemic o nakikita lang ito sa ilang bahagi ng Luzon.
10:52Nakuha rin sa lugar ang nasa limampung itlog nito.
10:56Nai-turnover na ang ahas at mga itlog nito sa isang wildlife center sa Tuguegeraw.
11:02Panawagan ng mga otoridad sa publiko na agad ipagbigay alam sa kanilang tanggapan
11:06sakaling may makitang ganitong uri ng wildlife.
11:09Maka-amazing Wednesday mga mari at pare, may bagong trio na mapapanood sa Kapuso Youth Oriented Show na Maka.
11:26Dagdag na maghahatid ng kilig at aral sa Season 3, ang Basketball Sensation Characters na The B-Boys.
11:34From Barka, Dagulan sa mga Batang Riles, makikipagkulita naman sa Maka Barkada,
11:40si na Anton Vinzon at Rahil Birria.
11:42Kukumpleto sa trio ang ultimate campus cutie ng Sparkle na si Mad Ramos.
11:47Ano kaya ang magiging papel ng tatlo sa Maka Academy?
11:51Yan ang aabangan natin tuwing Sabado, 4.45pm sa GMA Network at Kapuso Street.
12:04Nakataas po ngayon ang thunderstorm watch dito sa Metro Manila.
12:08Ayon sa pag-asa, apektado rin ang Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
12:13Ibig sabihin, mataas ang chance ng magkaroon ng thunderstorm o biglang malakas na pagulan hanggang alas G's mamayang gabi.
Recommended
44:55
|
Up next
44:03
14:56
44:39
46:31
47:47