Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/24/2025
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Martes, June 24, 2025


-3 menor de edad na sangkot sa pagnanakaw sa isang vape shop, huli; P16,000 cash at ilang vape products, natangay

-Paunang bahagi ng big-time oil price hike, ipinatupad ngayong araw

-PISTON: Tigil-Pasada, posibleng gawin kung sasampa sa P60/L ang diesel; nanawagang suspendihin ang VAT at excise tax

-2 menor de edad, nagsapakan dahil daw sa away sa lalaki

-Negosyante, patay sa pamamaril; bag at motorsiklo niya, tinangay ng mga suspek

-3 minero, patay matapos matabunan ng lupa ang kanilang tent/Bahagi ng Banaue-Mayoyao Road sa Brgy. Kinakin, natabunan ng lupa

-Heart Evangelista sa "Heart World" Season 2: Mas maraming adventures ang mapapanood ng fans

-Isa, patay matapos mabangga at magulungan ng truck sa Brgy. Burgos; 2, sugatan

-Ilang lugar sa Davao City at Maguindanao del Sur, binaha

-Lalaki, patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. San Nicolas Proper

-Aso, napagbuntunan ng galit at pinagpapalo ng lalaking nag-amok dahil daw sa away-pamilya

-Binatilyo, huli-cam na nagnakaw sa isang kainan; hindi na sinampahan ng reklamo ng biktima

-Lalaki, kritikal matapos matuklaw ng king cobra sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Talisay

-Student-athlete na si Mad Ramos, itinanghal na Ultimate Campus Cutie

-PHIVOLCS: Magnitude 6.3 na lindol, naitala sa dagat sa Davao Oriental

-DOJ Sec. Remulla: Pagsasailalim kay alyas Totoy sa Witness Protection Program, pinag-usapan na

-"24 Oras" at "24 Oras Weekend," mapakikinggan na sa Spotify at Apple Podcasts

-Jeep, naatrasan ang ilang sasakyan matapos mawalan ng preno; 1 sugatan

-Nakaparadang truck, biglang umabante; nasalpok na motorcycle rider, patay

-Nakawalang baka, dumiretso at lumangoy sa dagat

-Thunderstorm Watch, itinaas sa NCR at ilang karatig-probinsya

-San Juan LGU: Hanggang mamayang 2pm lang ang basaan; may designated basaan zones din

-Lalaking nagpagupit at hindi nagbayad, tinangay pa ang motorsiklo ng barbero

-Motorsiklong nawalan umano ng preno, dumiretso sa spillway; 3 batang angkas, tinangay at nalunod

-SUV, nasunog sa Brgy. Ugac; engine compartment nito, nagliyab



For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Transcript
00:29Sa Quezon City, libo-libong pisong halaga ng cash at ilang produkto ang natangay sa isang vape shop.
00:36Ang mga sangkot sa pagnanakaw mga minor de edad. Balita natin ni James Agustin.
00:44Alas 12 medyo na madaling araw na mahagip sa CCTV ang tatlong lalaking ito na tumambay sa labas ng isang vape shop sa Katipunan Avenue sa Quezon City.
00:53Ang dalawa nagsilbing lookout. Humiga ang isang lalaki malapit sa roll-up door habang ang isa pa ay naupo sa tabi niya.
01:00Ilang saglit pa makikita ang isa nilang kasama na nasa loob na ng vape shop.
01:05Kumuha siya ng ilang vape products, binuksan ang kabinet at pinuntiriya ang kaha.
01:10Matapos ang pagnanakaw, ang tatlong lalaki tila may pinagpapartihan na at naglakad papalayo sa lugar.
01:16Ayon sa pulisya, nadiskubre ng empleyado ng vape shop ang pagnanakaw pagpasok niya sa trabaho.
01:22Bandang alas 9 medyo ng umaga.
01:24Nakita po niya na nakabukas na yung roll-up ng kanilang vape shop at nakita rin po yung pintuan na basag na rin po yung mga salamin.
01:36At yung mga gamit po sa loob ay mga bukas at nagkagulo-gulo na po.
01:43Sa follow-up operation ng pulisya, natukoy ang pagkakilala ng tatlong nagnakaw.
01:48Lahat sila minor de edad.
01:50Ang pumasok sa shop ay 13 anyos lang, habang ang dalawang nagsilbing lookout ay 14 at 16 anyos.
01:57Nabawi sa kanilang ilang ninakaw na vape products pero bigo nang makuha ang 16,000 pesos na cash.
02:04Sinampanan ang reklamong rabiri ang 16 anyos sa lalaki na pagalamang dati na rin siyang nasangkot sa pagnanakaw.
02:10Sa sa ilalim siya at dalawa pang minor de edad sa counselling ng social worker.
02:15Yung 14 years old at saka 13 years old po ay nai-turnover po sa BCPC ng barangay.
02:22Yung isa naman po ay nai-turnover po sa social worker ng mulabi po.
02:28Pagkakaroon po sila ng mga intervention po ng social worker.
02:33James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
02:36Sa taas ng oil price height ngayong linggo, pumayag ang mga retailer na hatiin sa dalawang araw ang pagpapatupad ng taas presyo.
02:50Ngayong Martes, 2 pesos and 60 centavos ang dagdag sa kada litro ng diesel.
02:551 peso and 75 centavos naman sa gasolina, habang 2 pesos and 40 centavos sa kerosene.
03:01Ganyan din ang itataas sa Huwebes, June 26.
03:04Ang kabuang taas presyo ngayong linggo, pinakamataas na price height ng mga produktong petrolyo mula pa noong 2022.
03:13Sa Quezon City, marami ang humabol na magpakarga ng gas.
03:16Kaya ang isang gas station sa FP Avenue o FPJ Avenue na ubusan ang supply.
03:22Umaga pa lang daw kasi kahapon ay dumagsana ang mga motorista roon.
03:28Dahil naman sa patuloy na pagsipan ang presyo ng mga produktong petrolyo,
03:32nagbanta po ng Tigil Pasada ang isang transport group.
03:36May ulat on the spot si Bernadette Reyes.
03:38Bernadette?
03:39Connie, tumaas na nga ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw
03:46at gaya nga ng naibalita ni Rafi ay may part 2 pa ito sa darating na Huwebes.
03:51Kaya naman ang grupong Piston ay nagkils protesta ngayong araw sa isang gasolinahan dito sa Quezon City
03:58at nabanggit nila ang ilan sa kanilang panawagan na maaari maging solusyon sa tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
04:09Sa kabila ng matinding sikat ng araw ay nagkils protesta ang grupong Piston sa gasolinahan dito sa Quezon City.
04:16Hindi raw malayo na magkasa sila ng Tigil Pasada pag sumampas sa 60 pesos per liter ang diesel.
04:22Bagamat makatutulong daw ang fuel subsidy na kinakasa ng pamahalaan, tatagal lang daw ito ng ilang araw.
04:28Panawagan nila maglabas raw ng executive order ang Pangulo para isuspend ang VAT at excise tax.
04:36Wala pa rin linaw kung maipagkakalo o ba ang hirit ng ilang transport group na dadag-singil sa pamasahe.
04:44Connie, ang dagdag pa na pasakit sa mga mamayan ay yung posibirin tumaas ang presyo ng ilang mga pangunahing bilihin.
04:52Kanina ay nagpunta tayo sa isang pamilyan at ayon sa mga nagtitinda ay wala pa namang pagtaas sa presyo ng mga gulay at isda.
05:00Pero sa mga susunod na araw, sa sandali raw na maramdaman na nila ang epekto ng mas mataas na presyo ng mga produktong petrolyo ay maaari rin tumaas ang presyo ng ilang bilihin.
05:09Connie?
05:10Maraming salamat, Bernadette Reyes.
05:12Sapak kung sapak!
05:21Sabunot kung sabunot ang tapatan ng dalawang menor de edad na babae sa Dumangas, Iloilo.
05:27Walang gustong magpadaig kahit pareho ng napuruhan.
05:31Imbis na umawat, podokan-tsaw pa ang mga kapo-estudyante nila.
05:35Naawat lamang ang gulo ng may dumating na pulis.
05:37Kwento ng 14 anyos na si Alyas Nene, ang grupo ni Alyas Lin ang nagbanta ng pananakit.
05:44Depensa naman ng 16 anyos na si Alyas Lin, si Alyas Nene ang unang manapak.
05:49Base sa imbisigasyon ng pulis siya, lalaki ang pinag-ugutan ng away.
05:55Nagkasundo na ang parehong panig.
05:57Kahit hindi sa eskwelahan nangyari ang gulo, iimbisigahan pa rin daw ng Dumangas National High School ang insidente.
06:03Ito ang GMA Regional TV News.
06:11Mainit na balita mula naman sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
06:16Patay sa pamamarin ang isang hinold up na negosyante sa Santa Maria, Bulacan.
06:22Chris, ano ang detalya ng pangyayari?
06:23Connie, bumibili lang daw ng pagkain ng biktima ng ma-hold up.
06:28Sa CCTV footage, kita ang paghinto ng dalawang motorsiklo sa gasolinahan sa barangay Bagbagin.
06:35Malapit kung saan bumibili ng burger ang biktima.
06:38Bumawang dalawang angkas ng mga motorsiklo at nilapitan ng biktima.
06:42Inagaw na isa sa kanila ang bag ng biktima na nakipagpambuno.
06:46Ang isa namang salarin, sumakay sa motorsiklo ng biktima at pinaandar ito.
06:52Itinulak ng biktima ang sumakay sa kanyang motorsiklo.
06:55Doon na siya binaril ng umagaw sa kanyang bag habang tumakas sa mga salarin.
07:00Idilekta rang dead-on arrival sa hospital ang biktima.
07:03May lead na raw ang mga investigador kung sino ang mga sospek.
07:08Tatlong minero naman ang nasawi sa landslide sa Itogon, Benguet.
07:12Basis embesigasyon na tabunan ng lupa ang makeshift tent ng mga minero sa barangay Virac.
07:19Nasa sandaang metro raw ang taas ng pinagbulan ng lupa na posibleng lumambot dahil sa pagulan.
07:25Pagkapatid ang dalawa sa mga nasawi.
07:27Maisa pa silang kasamahang sugatan na nasa maayos ng kalagayan.
07:32Nagkaroon din ang landslide sa bahagi ng Banawe-Mayawya Road sa barangay Kinakin sa Banawe-Ifugao.
07:38Nadaraan na na isang lane doon matapos ang clearing operations.
07:42Pinag-iingat sa bantanang landslide ang mga nakatira malapit sa lugar, lalo na ngayong maulan ang panahon.
07:54Tuesday latest na mga mari at pare.
07:57Confirm! Magkakaroon ng Season 2 ang series ni Kapuso Global Fashion Icon, Heart Evangelista na Heart World.
08:05Chica ni Heart, excited na siya sa launch ng susunod na season.
08:11Dahil mas maraming adventure sa Fashion Week at sa kanyang personal life ang mapapanood ng fans.
08:18At ngayong nalalapit na ang Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
08:23Ano kaya? Ang mensahe ni House Guest Heart sa natitirang housemates.
08:28I really wish them all the best.
08:33At this point siguro pag ganyan, destiny na lang talaga ang magdidesisyon kung sino talaga ang karapat dapat.
08:42Iba talaga yung batch na ito ng PBB.
08:45Iba yung talagang naging marka nila sa tao.
08:48So I'm very excited for them.
08:50Isa ang patay habang dalawa ang sugataan matapos mabangga at magulungan ng truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Rodriguez Rizal.
08:59Paliwanag ng truck driver, hindi daw niya napansin ang nag-overtake na motor.
09:05Balitang hatid ni EJ Gomez.
09:07Sa kulungan ang bagsak ng 50-anyos na truck driver sa Rodriguez Rizal matapos umanong takasan ang nabangga at nagulungang motorsiklo noong linggo.
09:20Patay ang 22-anyos na babae na isa sa tatlong sakay ng motorsiklo.
09:26Nagtamu naman ang bali sa iba't ibang parte ng katawan ang rider at live-in partner ng nasawi.
09:31Sugatan din ang babaeng kaibigan ng mag-live-in partner.
09:34Ayon sa pulisya, iahatid lang sana na mag-live-in partner ang kanilang kaibigan sa Rodriguez nang mangyari ang aksidente sa kahabaan ng A-Mabini Street sa Barangay Burgos.
09:45At nakasabay nga itong motor na tatlo ang pasahero kung saan ay nasagi ito ng malaking truck.
09:55At hindi napansin itong truck at nagdered-dered sila ito.
09:57So hit-and-run ito, iniwanan lang niya, hindi ito na nag-grabe pala yung babae kasi tumaob sila eh.
10:06Tumalsik yung motor.
10:09Base sa impormasyon mula sa isang saksi sa aksidente, naaresto ang tumakas na truck driver.
10:15May nagsumbong doon sa kamag-anakan na yung truck na involved doon sa hit-and-run nasa may barangay Mangahan.
10:23Hindi naman na nag-resesyon sa suspect.
10:25Ayon sa truck driver, pabalik siya sa barangay Mangahan matapos mag-deliver ng graba sa Cavite.
10:31Um-overtake daw sa kanya ang nakamotorsiklo.
10:35Um-overtake po yung sa kanan ko.
10:37Eh dahil ka po malaki yung truck, hindi ko kaagad napansin.
10:41Yung single po yan na um-overtake sa tagiliran ko.
10:45Eh nung pagtingin ko lang sa side mirror ko, nakita ko lang na nabual na.
10:50Kaya umiwas ako.
10:51Eh may isa na po.
10:52Ay yung bali dalawa lang po nakita ko.
10:54Yung isa pala nakapasok na sa truck.
10:57Paliwanag naman niya kung bakit siya tumakas.
11:00Nabiglaan na din po ako dahil first time po lang po kasi na nagka-encounter po ng ganun.
11:03Eh umihingi ako ng ano sa kanila.
11:06Na hindi ko naman sinasadya.
11:08Hindi naman namin kagustuhan yun.
11:09Mga reklamong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injury, damage to property, and abandonment of one's own victims ang isasampas sa sospek.
11:21EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:29Nakaranas ng pagbaha sa ilang lugar sa Mindanao.
11:32Sa Davao City, abot tuhod ang bahas sa ilang kalsada.
11:35Umapaw ang tubig sa Talomo River kasunod ng malakas na pagulan.
11:39Ilang residente ang naperwisyo at sinuong ang baha.
11:43Sa pagalungan Maguindano del Sur, binaha ang isang paralan matapos sumapaw ang katabing ilog.
11:50Sa Cagayan de Oro City naman, nasira ang bubong at dingding ng isang bahay sa barangay Balulang.
11:55Yan ay matapos mabagsakan ng malaking bato sa kasagsagan na ulan nitong Sabado.
12:00Ligtas naman ang mga nakatira sa bahay.
12:03Lumikas muna sila sa isang temporary shelter.
12:06Ayon sa pag-asa, ang pagulan sa Mindanao ay dahil sa hanging habagad.
12:14Lumiko sa intersection ng e-bike na yan sa barangay San Nicolás Popper, Cebu City.
12:18Nakakasalubong nito ang isang motorsiklo.
12:19Ang angkas ng motor, pinagbabaril ang naka-e-bike.
12:24Bumagsak sa kalsada ang biktima.
12:26Patuloy na nagpapatok ng baril ang angkas habang papataka sila sa mga kasamang drive o rider.
12:32Naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian din ang buhay.
12:36Ayon sa mga kaanak ng e-bike rider, may hinatid lang na pasahero ang biktima bago ang pamamaril.
12:42Tiniting ng motibo sa krimen ang kasong murder na dating kinasangkutan ng biktima.
12:46May persons of interest na ang pulisya.
12:52Nadamay sa umunoy-away pamilya ang isang aso sa Maynila.
12:56Ang alagang aso kasi, pinagpapalo ng isang lalaki dahil sa galit.
13:01Desidido siyang ireklamo ng may-ari.
13:03Ang mainit na balita hatid ni EJ Gomez.
13:10Kalunos-lunos ang sinapit ng isang aso sa punta-santaan ng Maynila.
13:16Matapos pagpapaluin ng isang lalaking tila nag-amok-umanong sa lugar noong linggo.
13:22Ayon sa barangay, napagbalingan ng init ng ulo ng 26-anyos na sospek ang aso.
13:28Nang makaaway niya ang ilan niyang kaanak.
13:31Ang kaaway niya muna, yung kanyang tatay.
13:35So, nag-aamok ang nabalingan niya yung pinsan.
13:44Nung mapalo niya yung pinsan, nabalingan naman yung aso.
13:49So, dun, pinalo din niya yung aso.
13:52So, nasaktan yung aso.
13:54Parang dumaday yung aso, umiiyak.
13:56Sa pool sa CCTV, ang panunugod ng sospek sa kanyang lalaking pinsan na nakatambay sa labas ng isang tindahan.
14:04Pagkatapos niyan, nakita ang sospek na may hawak na pamalo.
14:08Hindi na nakuna ng CCTV ang mga sumunod na tagpo.
14:11Pero dun na raw ang paulit-ulit na pananakit ng lalaki sa aso.
14:15Pagdating po dun, bigla pong parang nangingisay yung aso.
14:27Nung nakita pong naka-ano na yung aso na parang wala na siyang malay,
14:33inaresto na po agad ng mga tanog.
14:35Nung magawa naman, nung sospek, inami naman.
14:40Sumuko siya.
14:42Hindi siya tumakas or nag-resist.
14:46Na-recover sa sospek ang ginamit na pamalo.
14:49Ang pangaabuso sa aso, nasaksihan ng kanya mismong amo.
14:53Maglalabaraw siya noon at pinalabas lang niya para dumumi ang kanyang alaga.
14:58Then, nung nakabili na po ako ng sabun noon,
15:00pagbalik ko po, nakita ko na lang po na hinapos niya po yung aso namin sa ulo po.
15:06Then, nung nakita ko po yun, natulala na lang po ako.
15:11Then, nung naririnig ko po na malakas na po yung iyak na aso namin,
15:17siya ka na po nagsumbong sa pamilya ko po.
15:20Naaawa po ako sa aso po.
15:22Wala pong ginagawang masama po sa kanya, pinalo niya po.
15:25Isinugod sa veterinaryo ang aso na posibli raw nagtamo ng mga fracture sa katawan at ulo.
15:31Tumangging humarap sa kamera ang naarestong sospek.
15:34Kwento niya, natutulog daw siya, nang bigla siyang maalimpungatan at binitbit ang pamalong nakuha sa kanyang kwarto.
15:42Ayon sa barangay, marami na ang reklamo sa sospek dahil sa panggugulo umano sa lugar.
15:48Gumagamit din umano ang lalaki ng iligal na droga.
15:51Walang pahayag ang sospek tungkol dito.
15:53Desidido ang may-ari ng aso na sampahan ang lalaki ng reklamong paglabag sa Philippine Animal Welfare Act of 2013.
16:01Itutuloy po talaga namin yung kaso po.
16:04Dahil sa una ba lang po talaga, sakit sa ulo po talaga siya doon sa lugar po namin.
16:10EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:15Ito ang GMA Regional TV News.
16:19Balita sa Visayas sa Tindanao mula sa GMA Regional TV.
16:24Pinagnakawa ng isang kainan sa Bacolod City.
16:28Sara, nahuli ba yung sospek?
16:30Raffi, isang binatilyo ang natukoy na nagnakaw sa kainan.
16:34Nakilala siya matapos ipost ng may-ari ng kainan ang CCTV footage ng pagnanakaw nitong Sabado.
16:40Sa video, kita kung paano sinira ng binatilyo ang kandado para makapasok sa isang kwarto ng kainan sa Bargay Punta Taytay.
16:49Nakuha ng binatilyo ang sapatos at ilang relo ng may-ari ng kainan.
16:54Ayon sa biktima, pinuntahan nila ang bahay ng binatilyo at nalamang, pamilyado siya.
16:59Hindi na raw sila nagsampa ng reklamo.
17:01Naisauli naman ang ilang gamit na natangay mula sa biktima.
17:05Kritikal ang isang lalaki sa Lake Cebu, South Cotabato matapos matuklaw ng King Cobra.
17:13Kwento ng kaanak ng biktima, hindi nila napansin na pumasok ang ahas sa kanilang bahay sa Barangay Talisay.
17:19Una raw nilapitan ng banakon ang dalagitang pamangkin na humingi ng tulong sa kanyang tiyuhin.
17:26Habang ginahanap ng biktima ang ahas, doon na raw siya natuklaw sa kanyang binti.
17:30Agad namang dinala sa ospital ang lalaki na ngayon nasa intensive care unit.
17:36Nasa maayos namang lagay ang dalagitang biktima matapos turukan ng anti-venom.
17:40Napatay naman ang mga residente ang Cobra.
17:48Mga mari at pare, let's meet our first ever ultimate campus cutie,
17:54ang Spiker Prince from the South na si Mad Ramos.
17:58Mula sa 300 hopefuls at sa mga nakapasok sa top 20,
18:03nag-shine ng talento at charm ni Mad sa Sparkle Campus Cutie Search.
18:08Angat ng star factor ng student athlete from Mindanao sa iba't ibang workshop at challenges.
18:14At ngayon, ready nang magpakilig si Mad as campus crush with a cause.
18:19Gusto kong i-represent yung Muslim community na kayang-kaya natin makipagsabay sa ganitong larangan, sa ganitong industry.
18:32Thank you so much, Andre.
18:34And thank you also, Miss Joy and Miss...
18:36Si GMA Network Senior Vice President, Attorney Annette Gozon Valdez.
18:42Mapa-panood ang winning journey ni Mad this Friday sa YouTube at Facebook pages ng Sparkle GMA Artist Center.
18:49Well, I think tag-shine siya talaga, lalo na sa question and answer portion.
18:57And I can see his confidence.
19:00I think he'll be a very good addition to Sparkle.
19:06Mainit-init na balita.
19:07Nianig po ng magnitude 6.3 na lindol, ang Davao Oriental.
19:12Natunto ng FIVOX ang epicenter sa dagat, 341 kilometers northeast ng bayan ng Baganga, kaninang dakong alas 10 ng umaga.
19:21Naramdaman ang pagyanig sa ilang bahagi sa Surigao del Sur, Davao Oriental, Davao del Sur, maging sa Davao City at Cotabato Province.
19:30Walang inilabas ng tsunami alert ang FIVOX.
19:33Wala rin pong inaasahang pinsala.
19:35Pero, tinapaalalahanan ang mga residente tungkol sa posibleng aftershocks.
19:42Inimbisigahan na ng Department of Justice ang hindi bababa sa sampung isinasangkot ni Alyas Totoy sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
19:52Ang Department of Justice, pinag-aaralan na ang pagsasailalim kay Alyas Totoy sa Witness Protection Program.
19:57Balita-hatid ni Darlene Cai.
20:03Kasunod ng mga ibinulgar ng akusadong si Alyas Totoy sa mga alam niya sa pagkawala ng mga sabongero,
20:08nagkausap na si Justice Secretary Jesus Crispin Remulia at si PNP Chief Nicholas Torrey III tungkol sa pagsasailalim sa kanya sa Witness Protection Program.
20:17Sabi kasi niya sa eksklusibong panayam sa GMA Integrated News, may banta sa buhay niya at ng kanyang pamilya.
20:24Basta, we're processing the information first.
20:27Pero may arrangement na kami niya ni PNP Chief Torrey.
20:32Pahandaan niya si Alyas Totoy na ituro ang mga sangkot sa pagkawala ng mga sabongero.
20:38May mga hawak na rin ebidensya ang Justice Department para suportahan ang mga pahayag ni Alyas Totoy na nakausap na nila bago pa ang May 2025 elections.
20:46Hindi mo na ito i-dinetalye.
20:48Meron kaming corroborative evidence na kasama.
20:51Basta meron kaming ibang klaseng evidence pa.
20:54Iniimbestigahan na rin ang hindi bababa sa sampung taong isinangkot ni Alyas Totoy.
20:57Pero, statement pa lang niya ang hawak ng kagawaran at wala pang formal na affidavit.
21:02Itinanggi rin ang Justice Department ang pakiramdam ng isa sa mga kaanak ng mga nawawala na pinabayaan na sila ng gobyerno.
21:09No such thing. Talagang hindi kami nagigive up.
21:14We have not given up on anything or anybody.
21:17Ganun lang talaga, mabagal minsan ang kaso.
21:20Ito po ay proseso. Kailangan po may ebidensya na makakalap.
21:24At ginagawa po namin ang lahat.
21:27At kagaya nga nyan, sabi ko nga, nakausap ko na siya bago pa dumating ang eleksyon.
21:33At naprocess na rin namin yung information.
21:35Darlene Cai, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
21:40Mas pinalawak pa ang paghahatid ng tama, totoo at komprehensibong balita ng GMA Integrated News.
21:47Mapapakinggan na rin bilang podcast ng 24 Horas at 24 Horas Weekend.
21:51Narito ang aking report.
21:54Magandang gabi po, Luzon Rizayas at Mindanao.
22:00Mula sa telebisyon, hanggang sa social media.
22:04At ngayon, maging sa mga podcast.
22:06Magiging mas accessible na sa mas malawak na audience ang 24 Horas at 24 Horas Weekend.
22:12Live mula sa GMA Network Center.
22:15Sa pamamagitan niya ng 24 Horas Podcast sa pagtutulungan ng GMA Integrated News, Digital Strategy and Innovation Lab, 24 Horas at GMA New Media Incorporated.
22:26Pumunta lang sa Spotify o sa Apple Podcast app sa inyong smartphone at isearch ang 24 Horas Podcast.
22:32Tamang-tama ito para sa mga gustong manatiling informed on the go na hindi makakapanood.
22:37Kung halimbawa nasa traffic o may ginagawa, lahat ng episode magiging available sa Spotify at Apple Podcasts pagkaere sa TV.
22:45Kaya pwedeng i-review ang mga balita sa loob at labas ng bansa, anumang oras.
22:49Downloadable rin ang episodes at pwedeng pakinggan offline.
22:52Ayon kay Senior Vice President at Head ng GMA Integrated News, Regional TV at Synergy Oliver Victor Amoroso,
22:58sa pamamagitan ng podcast ng 24 Horas at 24 Horas Weekend, ay mas magiging konektado ang Pilipino sa pinakapinagkakatiwalang balita sa bansa.
23:08Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
23:11Sa gitna ng traffic sa barangue San Jose, sa Santipolo Rizal, makikita ang jeep na yan na nang paandar na'y biglang naapaatras.
23:22Natumba ang motolsiklong na sa likod ng jeep, habang naatrasan din ang isang tricycle na bumanga naman sa kotse sa likod nito.
23:29Ang isang nakasabit sa jeep, mabuti at hindi naipit matapos umakyat sa bubong ng tricycle.
23:35Sa kuha ng dashcam ng kotse, makikita namang nakaiwas sa pagkakaipit ang isa pang nakasabit sa jeep.
23:41Batay sa embestigasyon na wala ng preno ang jeep.
23:45Sugatan ang motorcycle rider na pinangakuan ang jeep ni driver na sasagutin ang pagpapagamot.
23:51Tumanggi na ang mga sangkot sa insidente na magbigay ng pahayag.
23:58Ito na ang mabibilis na balita.
24:02Patay ang isang motorcycle rider matapos masalpok at bumailalim sa isang truck sa Payatas Road sa Quezon City.
24:09Batay sa embestigasyon ng pulisya, nakagarahay ang truck's compound na nasa tapat na isang gasolinahan.
24:15Nang bigla itong umabante at nakalabas sa gate.
24:19Doon nasalpok ang motorcycle rider na pauwi na sana.
24:22Wasak ang harapan ng motor at nabasag ang windshield ng truck na tumama sa posi ng ilaw.
24:27Hinahanap ang tumakas na truck driver na posibleng maharap sa reklamo.
24:31Sugata naman ang isang lola sa Cebu City matapos mabangga ang nakaparado nilang e-bike na isa pang e-bike.
24:41Sa embestigasyon, napagalaman na lasing o mano ang pitong sakay ng nakabanggang e-bike.
24:47Nag-aalmosalnoan ang biktiman na nasa loob ng kanilang e-bike.
24:50Agad siyang isinugod sa ospital matapos magtamo ng mga sugat sa mukha at katawan.
24:54Magbibigay na ng tulong pinansyal ang mga sakay ng e-bike sa biktimang na ospital.
25:00Nasa impounding area na ng Cebu City Traffic Office ang nakabanggang e-bike.
25:07May isang baka sa kataingan masbate na baka na misyata agad ang tag-init.
25:14Ang baka nakalahok kasi sa huwego de toro o bullfight na kawala at dumiretso sa dagat.
25:21Baka naisipang mag-cool down bago ang intense na kompetisyon.
25:27Kaya ayun, tila enjoy sa paglangoy at napalayo pa nga sa tubig.
25:32Nahuli at naisakay naman ang baka sa bangka at ligtas na naibalik sa dalampasigan.
25:38Ang People for the Ethical Treatment of Animals o PETA,
25:42handa raw kupkupin ang baka at dalhin sa isang sanctuary.
25:46Baka raw gusto ng hayop na mabuhay ng malaya.
25:51Samantala, nakataas po ngayon ang thunderstorm watch dito sa Metro Manila.
26:00Ayon sa pag-asa, apektado rin ang Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
26:05Ibig sabihin, mataas po ang chance ang magkaroon ng thunderstorm
26:08o bigla ang malakas na pagulan hanggang alas 10 mamayang gabi.
26:13Pagsarin po ngayon ang mga namamiyesta sa Wata Wata Festival sa San Juan City.
26:22Marami man ang excited sa basaan, may mahigpit na paalala ang lokal na pamahalaan.
26:27At may ulot on the spot si Oscar Oida.
26:30Oscar?
26:31Yes, Connie, sa kasalukuyan ay nagaganap pa rin ang Wata Wata Festival
26:39kung saan nakikita sa aking lugran ay nagaganap ang street dance competition.
26:45Pero sa ibang bahagi ng San Juan, kaliwat kanan pa rin ang basaan
26:49to whom it may concern ang buga kahit sino pwedeng mabasa.
26:53Pinamunuan yan mismo ng ama ng lungsod na si Mayor Francis Zamora.
27:01Pero hindi gaya ng mga naging basaan noong mga nakaraang taon.
27:04Ngayon, may mga oras at lugar na lang na pwedeng mambasa
27:09mula 7 a.m. hanggang 2 p.m. lang
27:12at dapat sa loob lamang ng itinalagang basaan zone
27:15sa may pinaglabanan road mula Endomingo hanggang Pigibara
27:19at sa paligid ng pinaglabanan shine.
27:23At hindi na rin uubra yung mambubukas ng pinto ng sasakyan
27:27at abasain ang tao sa loob nito.
27:30Bawal na bawal na rin ang paggamit ng maruming tubig,
27:33bote, yelo at plastic containers.
27:36Hindi na rin uubra ang mga high-pressure water sprayers
27:39o anumang bagay na maaring makasakit o makapensala
27:43ay di na rin papayagan.
27:45At kaugnay ng pagdiriwang, may liquor ban mula kayo ng 12 o 1 a.m. hanggang 2 p.m.
27:51Bawal din muna ang pagbibenta ng alak sa pampublikong lugar
27:55tulad ng tindahan at kainan.
27:57Ang sino mang lalabag sa mga panuntunan
28:00ay maaring pagmultahin ng 5,000 piso
28:04at hanggang 10 araw na pagkakakulong.
28:07Samantala, Connie, kalagitnaan naman ang kasian
28:10nang sumiklab ang gulo sa pagitan ng mga grupo ng kabataan,
28:14may nagabasag pa ng bote at may nasaktan.
28:18Agad namang nabigyan ng paunang lunas ang nasugatan
28:21habang iniimbisiganan ng mga otoridad ang pangyayari.
28:25Connie?
28:26Maraming salamat, Oscar Oida.
28:28Lumabas ng pagupitan sa Bacolo City
28:33ang lalaking niya na nakahasandong itim.
28:36Nahagip sa CCTV ang pag-atras niya sa motorsiklo
28:38na hindi palakan niya.
28:41Ang may-ari ng motor,
28:42ang barberong kanyang pinagpagupitan
28:44na hindi rin niya binayaran.
28:47Hindi na raw ito inireport ng barbero sa pulisya.
28:49Ito ang GMA Regional TV News.
28:59Tatlong batang babae ang nalunod sa Bubunawan River
29:03sa Libona, Bukidnon.
29:05Wento ng isang saksi sakay noon ng motorsiklo
29:07ang mga biktima kasama ang kanilang nanay at stepfather.
29:11Nawalan umano ng preno ang sasakyan
29:13kaya dumiretsyo ito sa spillway sa barangay Kapihan.
29:17Nakalangoy papunta sa gilid ng spillway
29:19ang mag-live-in partner
29:20pero tinangay ng tubig ang mga batang edad
29:23labing dalawa, walo at anim.
29:25Sinusubukan pa ng GMA Regional TV
29:28na kunin ang pahayag ng mga magulang nila.
29:40Nasunog naman ang isang SUV sa Tuguegeraw, Cagayan.
29:43Huli kam na balot ng usok ang sasakyan
29:46sa gilid ng Arellano Street Extension
29:48sa barangay Ugak.
29:49Ayon sa BFP Tuguegeraw,
29:51itinabihan ng may-ari matapos makitang
29:53umuusok ang sasakyan niya.
29:55Palaunan, nadiskubring nagliyab
29:57ang engine compartment ng sasakyan
29:59at kumalat ang apoy.
30:01Pumbigit kumulang 50,000 pesos
30:03ang sinasabing danyo sa sunog.
30:05Hindi naman nasaktan ang mga sakay
30:07ng sasakyan.
30:08Update naman po tayo sa repatriation
30:12ng ilang Pinoy matapos ang pag-atake ng Iran
30:15sa US Air Base sa Qatar.
30:16Kausapin po natin si Department of Foreign Affairs
30:19Assistant Secretary Robert Ferrer.
30:21Magandang umaga at welcome po sa Balitanghali.
30:23Magandang umaga po.
30:27Apo.
30:27I only have 10 minutes po.
30:29Yes, okay.
30:30Susubukan po natin ito itanong at
30:31mga hiki, kamusta po tayo sa mga kababayan natin
30:34sa Qatar matapos nga po itong pag-atake
30:36ng Iran sa Al-Udeid Air Base ng Amerika po.
30:40Ang balita ko pong huli ay
31:03they were brought to the pre-departure.
31:08So that's good news.
31:09But I have not received news that they are boarding
31:12or have boarded.
31:14Supposed to be po nasa airport kami this morning
31:16para sunduin po itong 30
31:18na first batch of OFWs
31:23from Israel who exited via Jordan
31:26and a few also from Jordan
31:28assisted by Ambassador Aileen Mendiola
31:31of Tel Aviv Philippine Embassy
31:33and Ambassador Fred Santos
31:35sa embahada po natin sa AMAN.
31:37Apo.
31:38So we hope they will arrive today.
31:40So ang tabayanan lang po natin.
31:42Pasensya na po kayo.
31:43We might not have time for media interviews
31:45after this.
31:47Alright.
31:47May mga naitalaho bang nasaktan
31:49o nawawala at ilang Pinoy ho ba ang nasa Qatar
31:52na mga kababayan natin?
31:53Ah, sa Qatar po,
31:56ano,
31:57hundreds of,
31:59in the whole of Middle East,
32:012 million po ang Filipinos.
32:03In Qatar,
32:04I'll get back to you
32:05because I don't have the figure right now
32:07with me,
32:08but
32:09marami po sa Qatar,
32:11I think,
32:12in the hundreds of thousands,
32:14if I'm not mistaken.
32:16There's an entire
32:17Philippine community there,
32:19very large,
32:20and,
32:21yeah,
32:21we're hoping and praying
32:23that the ceasefire
32:24announced by
32:25U.S. President Trump
32:26which will take in effect today
32:28will lead to peace.
32:31So,
32:31abangan lang po natin,
32:32mga kababayan,
32:33kung ano yung mangyari with it today.
32:35Opo.
32:35Yun nga ho,
32:35may anunsyo si U.S. President Trump
32:38ng ceasefire,
32:39umano,
32:39pero ito ay dininay
32:40ng kanilang foreign minister.
32:43Sa mga pagkakataon po ito,
32:44ano ho ba ang mensahe ninyo
32:46sa ating mga kababayan dyan?
32:47Lalo pat,
32:48sinasabi nga,
32:49ito pong pag-atake ng Iran
32:51sa pinakamilaking
32:52military installation
32:53ng Amerika sa Middle East
32:54ay buti na lamang na,
32:55intercept,
32:56pero,
32:57baka daw magtuloy-tuloy,
32:58depending
32:59sa sagot pa rin
33:00na ito na ginagawa
33:01ng Israel na pag-atake
33:02sa Iran?
33:04Aya,
33:05yung Qatar po is
33:06222,563.
33:10Yeah.
33:11So,
33:11well,
33:12they're not attacked
33:13by anyone.
33:15I think it's because
33:16may U.S. base po sa Qatar.
33:18Yes.
33:19That's why
33:20na-declare po
33:20na closed yung airspace
33:21ng Qatar
33:22kaninang madaling araw.
33:24So,
33:24wala naman po
33:25ang report na
33:26may nasawi
33:27o nasaktan.
33:28Mas binabantayan po namin
33:30ngayon ng Israel
33:30because may ongoing
33:32missile attack po
33:33ngayon
33:34sa Israel.
33:35Nakalimang alert na po sila
33:36this morning pa lang.
33:38And also,
33:39we are still
33:39monitoring the situation
33:41in Tehran
33:42because we are
33:43in the process
33:44of repatriating
33:45the first batch
33:46out of Iran
33:48via the Turkmenistan border.
33:50Nadagdagan pa ho ba
33:52yung mga gusto
33:53magparepatriate?
33:54We heard
33:54na meron
33:55253
33:56na mga
33:57OFW
33:58ang gusto sana
33:58pero 71 pa lamang po daw
34:00ang
34:01currently
34:02marirepatriate
34:03dahil sa pabago-bago
34:04rin yung pagdidesisyon
34:05ng ilan
34:05hong natin
34:05mga kababayan?
34:07Yeah.
34:08Well,
34:08constant naman yung
34:09updates
34:10ng ating
34:11ambassadors
34:11on the ground.
34:12We just had a briefing
34:15from
34:15Ambassador Aileen Mendiola
34:17and yesterday
34:18from Ambassador Robert Manalo
34:20and Ambassador Aileen Mendiola
34:21also.
34:23And today po
34:24there is a meeting
34:25about contingency
34:26plan
34:27implementation po
34:28led by
34:31the Secretary of Foreign Affairs
34:32Ricky Manalo
34:33and Undersecretary
34:34Ed De Vega.
34:35So,
34:36we are
34:36activated na po
34:38yung contingency plans
34:40para pong
34:40intricate
34:41steps po yan
34:43na nakamapa na
34:44and all
34:45possible
34:46scenarios po
34:47ay
34:48na-exercise na po
34:49at
34:50pre-actis
34:51ng mga ambassadors
34:52natin
34:53on the ground.
34:54Asek,
34:54marami pong salamat
34:55sa inyo pong ibigay
34:56sa aming oras
34:57dito sa Balitang Hali.
34:59God bless.
34:59Abuhay po kayo.
35:00God bless din po
35:01at yan po naman
35:02si Department of Foreign Affairs
35:03Assistant Secretary
35:04Robert Ferrer.
35:11Not guilty
35:14ang inihahing plea
35:15ni Vice President
35:15Sara Duterte
35:16sa impeachment case
35:17na ipinababasura rin
35:18ng kanyang kampo.
35:20Kabilang yan
35:20sa mga sagot niya
35:21sa writ of summons
35:22ng Senate Impeachment Court.
35:24Balitang atid
35:24ni Mav Gonzalez.
35:25Dumating sa Senado
35:30ang kinatawa
35:30ng kampo ni Vice President
35:32Sara Duterte.
35:33Dala niya
35:33ang sagot
35:34ng Vice President
35:35sa writ of summons
35:36sa kanya.
35:37Nakasaad dito
35:37na dapat i-dismiss
35:38o ibasura
35:39ang ikaapat
35:40na impeachment complaint
35:41dahil ito ay
35:42void of initio
35:43o walang visa
35:44sa simula pa lamang.
35:45Ayon kay Vice President
35:46Duterte,
35:47labag ito
35:48sa one-year bar rule
35:49sa konstitusyon
35:50na nagbabawal
35:51ng pagsisimula
35:52ng higit sa isang
35:53impeachment complaint
35:54laban sa isang
35:55opisyal
35:55sa loob
35:56ng isang taon.
35:57Ang sagot niya
35:57may nakasulat
35:58na katagang
35:59ad cautelang.
36:00Salitang Latina
36:01sa Ingles
36:01ay more abundant
36:02caution
36:03o may labis
36:04na pag-iingat.
36:23Nakasaad din
36:24na isinumiti nila
36:25ang sagot
36:26ng hindi tinatalikuran
36:27ang anumang
36:28pagtutol
36:28sa jurisdiction
36:29ng korte
36:30at iba pang isyo
36:31sa kaso.
36:32Nagpadala rin
36:32ng kampo
36:33ng visa
36:33ng kopya
36:33ng sagot
36:34sa kamera.
36:35Natanggap
36:35daw nila itong
36:36ayon sa spokesperson
36:37ng kamera
36:37na si
36:38Atty.
36:38Princess
36:39Avante.
36:40Sa June 30
36:40ang deadline
36:41ng House
36:41Prosecution
36:42Panel
36:42para mag-reply
36:43sa tugon
36:44ni Vice
36:44President Duterte.
36:46Inihahanda
36:46na rin daw
36:47ng mga
36:47abugado
36:47ng visa
36:48ang kanyang tugon
36:49sa order
36:49na inisyo
36:50ng Ombudsman
36:51pinasasagot siya
36:52sa reklamang
36:52may kaugnayan
36:53sa maanumalya
36:54o manong paggamit
36:55ng confidential funds.
36:57Ang mabilis na
36:57aksyon ng Ombudsman
36:58welcome development
36:59daw para kay
37:00House Committee
37:01on Good Government
37:02and Public Accountability
37:03Chairman
37:03Joel Chua.
37:04The mere fact
37:05na in-adopt nila
37:06yung aming
37:07committee report
37:09na hindi pa man din
37:10naka-attach dun
37:11yung mga ebedensya
37:13e ibig sabihin po nun
37:15malamang nakikita po nila
37:17e meron na pong
37:18probable cause.
37:20Pero nag-aalala si Chua
37:21sakaling maunang lumabas
37:23ang resulta
37:23ng investigasyon
37:24ng Ombudsman
37:25sa desisyon
37:26ng Senate Impeachment
37:27Court.
37:27Meron po isang kaso
37:29yung Ombudsman
37:30versus Court of Appeal
37:31kung saan
37:32sinabi po dito
37:33ng ating
37:34kagalang-galang
37:35na Korte Suprema
37:36na yung mga
37:38impeachable officers
37:40kagaya po
37:40ng Ombudsman
37:41bago po sila
37:43makasuhan
37:43dapat
37:44i-impeach muna sila.
37:47So
37:47hindi ko alam
37:48kung paano ito
37:49i-reconcile
37:50dito po
37:52sa case po
37:52ng ating
37:53Vice Presidente
37:54kung
37:54sa kasakali
37:56na ilabas nila
37:57muna ang desisyon
37:58bago
37:59bago lumabas
38:01ang desisyon
38:02ng Impeachment Court.
38:03Pero ang isa pang
38:04impeachment prosecutor
38:05na si Representative
38:06Lawrence Defensor
38:07walang nakikitang
38:08epekto
38:09ang investigasyon
38:09ng Ombudsman
38:10sa impeachment
38:11proceedings.
38:12Kahit pa ibasuran
38:13ng Ombudsman
38:13ang reklamo
38:14laban sa vice.
38:15I don't see
38:15any impact
38:17on the impeachment
38:18complaint.
38:19I'm glad
38:19that the
38:20Ombudsman
38:20took action
38:22on the
38:22recommendations
38:23from the
38:24Committee on
38:24Good
38:24Government
38:25and that's
38:26a good sign
38:26for us.
38:27It will
38:27affect
38:27public
38:28opinion
38:29on the
38:29case
38:29but it
38:30will not
38:30affect
38:30the
38:31impeachment
38:31if the
38:32evidence
38:32will be
38:32received
38:33by the
38:34senator
38:34judges.
38:35Pagtitiyak
38:36ni Congressman
38:37Chua
38:37makikipagtulungan
38:38sila sa
38:38Ombudsman.
38:39Hindi rin daw
38:40makakasagabal
38:41ang investigasyon
38:42ng Ombudsman
38:42sa paghahanda
38:43ng House
38:44Prosecution
38:44Nile
38:45para sa
38:45impeachment
38:45trial.
38:47Mav Gonzalez
38:48nagbabalita
38:49para sa
38:49GMA Integrated
38:50News.
38:51Sinagot
38:52ng Malacanang
38:53ang patutsyada
38:54ni Vice
38:54President
38:55Sara Duterte
38:55na may
38:56katangiang
38:57scammer
38:58daw
38:58si Pangulong
38:58Bongbong
38:59Marcos.
39:03Budol
39:03in
39:04English
39:06is
39:06scam.
39:08Well,
39:09we are not
39:09surprised.
39:11He has
39:12the hallmark
39:12of a
39:13scammer.
39:14Budol
39:14talaga?
39:16Sa nakikita
39:16po natin
39:17na pagtatrabaho
39:18ng Pangulo
39:19sa pag-uutos
39:21sa amin
39:21na focus
39:22at trabaho
39:23at hindi
39:23pamumulitika,
39:26sino ba
39:26talaga
39:27nambubudol?
39:29Sabi ng
39:29Palacio,
39:30kung hindi
39:30nakikita ni
39:31VP Duterte
39:32ang ginagawa
39:32ng pamahalaan,
39:33yan daw
39:34dahil
39:34hindi
39:34niya
39:35nilumuksa
39:35ng kanyang
39:36mata
39:36at isip.
39:37Mahirap
39:37nabuksa
39:38ng mata
39:38ng
39:39Anilay
39:39nagbubulag-bulagan
39:41at walang
39:41balak
39:42malaman
39:42ang
39:42nangyayari
39:43sa
39:43gobyerno.
39:44Bukod
39:44sa
39:44pagtawag
39:45na
39:45scammer,
39:46sinabi
39:46rin
39:46ang
39:46vice
39:47na may
39:47problema
39:48siya
39:48sa
39:48performance
39:49si
39:49Pangulong
39:49Marcos
39:50at hindi
39:50siya
39:50dadalo
39:51sa
39:51State
39:51of the
39:51Nation
39:52address
39:52sa
39:52Hulyo
39:53dahil
39:53wala
39:54raw
39:54maiuulat
39:55na
40:04pisong halaga
40:04ng
40:04Shabu
40:05na nakitang
40:05palutang-lutang
40:06sa dagat
40:07sa Hilagang Luzon.
40:08Mayulat
40:09on the spot
40:09si Ivan
40:10Mairina.
40:11Ivan?
40:13Prati,
40:13nakatakdang
40:14sirang bukas
40:15ng Philippine
40:15Drug Enforcement
40:16Agency
40:17OPDEA
40:17ay tinuturing
40:18nilang
40:18pinakamalaking
40:19drug
40:19hall
40:19sa kasaysayan.
40:211,500 kilo
40:22na nagkakahalaga
40:23ng mahigit
40:2310 na bilyong
40:24piso
40:24ang Shabu
40:25na yan.
40:25Nakabuan
40:26ng mga droga
40:26nakitang
40:27palutang-lutang
40:27sa coastline
40:28na bansa
40:28sa mga
40:29kadubig
40:29ang sakop
40:30ng Zambales,
40:31Pangasinan,
40:31Ilocos Lorte,
40:32Ilocos Sur
40:33at Cagayan.
40:34Mismong si
40:35Pangulong Bongbong
40:35Marcos
40:36ang nagutos
40:36ng agarang
40:37pagsira nito
40:37at personal
40:38siya nagtungo
40:39sa headquarters
40:40sa PIDEA
40:40para inspeksyonin
40:41ang mga droga.
40:43Bukas siyang
40:43gaganapin
40:44yung pagsira
40:44rati
40:45sa Kapas Tarnak.
40:47Ayon sa Pangulo
40:47malaking bagay
40:48ito dahil
40:48sa naiwasang
40:49matinding pinsalang
40:50na idulot
40:50sana nito
40:51sa lipunan
40:51kapag naibenta
40:52at nagamit
40:53ng mga adik
40:59at ang giit niya
41:00efektibo
41:01ang anya'y
41:01bagong konsepto
41:02ng war on drugs
41:03na itinatutupad niya.
41:05Ang kakaiba
41:06pa sa diskarte nila
41:07ayon sa Pangulo
41:08ang mas pinaiting
41:08na kampanya
41:09sa prevention
41:09o pagpigil
41:10ng pagpasok
41:11ng droga
41:11at rehabilitation
41:12o pagtulong
41:13sa mga adik
41:14na makapagbagong buhay.
41:16Kasabay ng pagtugis
41:17sa mga malalaki sindikato
41:18na hindi daw
41:19ang utos sa pulisya
41:20na habulin
41:21ng mga malilit
41:21na tulak
41:22ng droga
41:22na ang anya
41:23para iparamdam
41:24sa mga mamamayan
41:25na ligtas sila
41:26at sa kanika nilang komunidad.
41:28Ayan naman sa PIDEA
41:29patuloy ang kanilang
41:29pagbabantay
41:30sa mga baybayin
41:31at tukoy na raw nilang
41:32sindikato
41:32na sa likod nito
41:33at patuloy
41:34ang kanilang pagtugis
41:35sa kanila.
41:36At yan ang latest
41:37mula sa Malakay
41:37ang balik sa iyo rati.
41:39Maraming salamat
41:40Ivan, Irina.
41:48Two weeks to go
41:49bago ang nalalapit
41:50na pagtatapos
41:51ng teleserya
41:52ng totoong buhay
41:53ng mga sikat.
41:54May first duo na
41:55napasok
41:56sa Big Four
41:57ng PBB Celebrity
41:58Collab Edition.
42:01Yan ang duo
42:02ni na Charlie Fleming
42:03at Esnir
42:04o Team Charest.
42:05Ang Charest
42:06ang nakakuha
42:07ng 11 votes
42:08mula sa pinagsamang boto
42:09ng current duos
42:10at ex-housemates.
42:12Kaya naman
42:13assure na
42:13ang Charest
42:14sa Big Night.
42:15Ang duos naman
42:16ni na AZ Martinez
42:17at River Joseph
42:18o Asver
42:19at Ralph DeLeon
42:20at Will Ashley
42:21o Rawi
42:21ang nakakuha
42:22naman ng
42:23TIG 2 points.
42:24Gabi-gabing
42:25subaybayanang
42:25sa GMA Prime
42:27ang PBB Celebrity
42:28Collab Edition
42:299.35pm
42:30at 6.15pm
42:32tuwing Sabado.
42:33O, ito
42:40taas kamay dyan
42:41ang mga naka-experience
42:42na
42:42ng sleepover.
42:45Ang spoken rule
42:46ah, unspoken rule
42:47sa ganyan
42:47ay bawal
42:48mauuna
42:48sa pagtulong.
42:49Oo, gano'n ka lang.
42:51Wag kang mauuna yan.
42:53Ang lesson learned
42:54para sa isang
42:55miembro
42:55ng group of friends
42:56sa Zamboanga del Norte.
42:59Matapos dumaten
42:59sa kasal
43:00buhay na buhay
43:01pa rin
43:02ang diwa
43:02ng mga friendship
43:03ni na Mike Paul.
43:04Wera na lang
43:05kay Janelle
43:06na maagayatang
43:07na low bath.
43:08Kaya ang ending
43:09siya
43:10ang napagtripan
43:11at naging
43:12center of attention.
43:13Tawagin natin siyang
43:14bida
43:15sa pagtulog
43:16sa trip
43:17to the polo.
43:18Ayun naman,
43:19literal na deadman
43:20naman si Janelle
43:21dahil
43:21hibbing pa rin
43:22at wala yatang
43:23alam sa kwel
43:24ang nangyari.
43:25Viral po ang video
43:26with 1 million views.
43:28Kaya
43:29trending!
43:31Naku naman.
43:31Alam mo naman.
43:33Bawal matulog.
43:34Maunang matulog
43:35sa sleepover.
43:35Kundi,
43:36alam mo na
43:36mga yari.
43:37Viral ka.
43:39At ito po
43:40ang balitang hali.
43:41Bahagi kami
43:41ng mas malaking mission.
43:42Ako po si Connie Cison.
43:44Raffi Tima po.
43:44Nasama nyo rin po ako,
43:45Aubrey Carampelle.
43:46Para sa mas malawak
43:47na paglilingkod sa bayan.
43:49Mula sa GMA Integrated News,
43:50ang News Authority
43:51ng Filipino.
43:56.

Recommended